Wednesday, February 27, 2008

bawal basahin ng mga madaling mainis sa akin. :D

ahahaha. eto na. aandar na naman ang pagkamasayahin ko. :))

OMG!!!! totoo ba talaga yung naging score ko sa 2nd depex sa chem?!? wahahaha! ang taas niya! woooohhhhhhhhhhooooooo!!!! grabe. sobrang nakakagulat talaga. bakit? ganito kasi yun...

[eto yung mga partida ko. :))] sabado kasi yun. so nung friday ng gabi eh nandun pa kami sa skul namin sa manila at nagco-cosplay ng mga historical na tao sa Pilipinas. eh sobrang gabi na natapos yun, at kumain pa kami sa KFC pagkatapos [so mga mababait kaming bata; may test na nga bukas, may gana pang kumain. :))] tapos yun, umuwi na ako. sa LRT pa ako sumakay nun kahit may bomb threat. :)) lakas ng loob eh. :D

tapos kinaumagahan paggising ko, what!?! umaga na pala. :)) kasi may balak sana akong mag-aral nung gabi, kaya nga lang nakatulog ako. :)) so ayun, mga 6:00 ng umaga yun, nagsimula na akong maghapit mag-aral. kay LeMay [libro sa chem; Chemistry: The Central Science. ewan ko nga ba kung bakit si LeMay lang ang sikat sa kanila eh 3 naman silang authors. :))] lang ako nagbasa at sa ginto kong notes. tapos ayun, 1:00 ng hapon ko kasi balak mag-test, pero pumasok pa rin ako ng maaga para sa mga ka-block kong naghihintay sakin. mga 10:00 na ata ako nakarating run. so medyo sabog-sabog pa utak ko nun. :))

tapos pagkadating ko, kain na kaagad. :)) hindi man lang ako nakasali sa aral nila, onti lang. tapos punta sa LRC kung saan kami magte-test [sosyal kami eh, si sir junie B. kasi prof namin. :D] tapos ayun, medyo natakot pa kami kasi yung batch na nauna sa aming mag test eh mga taga-OT, nag-overtime na sila dun sa loob ng room. tapos pagkalabas nila, ang hirap hirap daw nung test...

yun nga, mahirap nga. :))

pero bakit?!? anung nangyari?!? bakit ganun ang score ko?!? :))

wala lang. nakaka-pressure kasi. [nakana. yabang.] tapos yung 3rd depex, ang hirap. totoo na talaga yun. mahirap siya, pramis. yun yung pinag-aralan ko pero dahil naman ata sa sobrang nag-aral ako dun eh sumakit na ulo ko sa time ng test kaya hindi na ako nakapag-isip ng mabuti. :)) ayun, nakakahiya naman kung bumaba yun...

pero bakit ba, score ko naman yun eh. anung magagawa nila kung biglang bumaba. bwahahahaha!!! :))

pero in fairness, natuwa ako sa facial expression ni sir junie B. ng malaman niyang ako si `jane rose lim`. para bang nagulat siya. :)) kasi one time, nahuli ata niya akong natutulog sa klase. ahahahahaha!!!! :)) kasi naman, nakaka-antok talaga pag time niya. ang sarap matulog. ayun, wala lang. ahahaha. nakakatuwa lang talaga yung mukha niya. tapos parang ayaw pa niyang ibigay yung paper sakin. `jane rose?` wahahahaha!!! :D [o ayan, nababaliw na ako.]

pero ayun, masaya na ako. kasi nataasan ko ata yung CL ko. :)) [anu yung CL?!? bwahahaha!!! martha!! martha!! :D] ayun. so kelangan pala mag-aral ako para sa 4th depex. kaya ko naman pala eh. :D hehehehe. nabuhayan muli ang aking pag-asang makakuha ng uno at pantayan ang aking CL. Ü

ayun. wala lang. blog KO naman to eh kaya puwede kong ilagay kahit ano mang gusto ko. :)) sobrang masaya ako kaya tingin ko naman dapat ko lang siyang i-share dito. :D ahahaha. diba?!? diba?!? o ayan, pasensiya na sa mga tinangay ng buhawi dahil sa kayabangan ko. :D

yey! 101! :3

Wednesday, February 20, 2008

para sa mga nakaka-alala sa akin. :)

If you read this journal,
even if I don't speak to you often,
post a memory of me.

It can be anything you want.
It can be good or bad,
just so long as it happened.

Then post this on your journal.
Be surprised and see what people remember about you.

Thursday, February 14, 2008

the bitter blog.

..got this from melai-bogs.



Mabuti pa ang kalendaryo, may date.

Mabuti pa ang school, may chemistry.
Buti pa ang chemistry, may lab.
Buti pa ang fireworks, may spark.

Buti pa ang test paper, sinasagot.
Mabuti pa ang math problem, pinag iispan.
Buti pa ang bees, may honey.
Buti pa ang farm, may chicks.

Buti pa ang halaman, may nag aalaga.
Mabuti pa ang bulaklak, blooming.
Buti pa ang salamin, minamasdan.
Buti pa ang lungs, malapit sa puso.

Buti pa ang nawawalang gamit, hinahanap-hanap.
Mabuti pa ang kotse, mahal.
Buti pa ang unan, yakap mo sa gabi.
Buti pa ang assignment, inuuwi.

Buti pa ang keyboard, may type.
Buti pa ang film, nadedevelop.
Buti pa ang galosina, nagmamahal.
Mabuti pa ang telepono, hine-hello.

Buti pa ang basketball, may ring.
Buti pa ang soccer, may goal.
Buti pa si Michael Jackson, may moves.
Buti pa si Kobe Bryant, nakakascore.

Mabuti pa ang probability, may chance.
Buti pa ang hersheys, may kisses.
Buti pa ang hininga, hinahabol.
Buti pa ang tindera, nagpapatawad.

Mabuti pa ang pera, iniingatan.
Buti pa ang report, may objective.
Buti pa ang patay, dinadalaw.
Buti pa ang nakakulong, binabantayan.

Buti pa ang radyo, pinapakinggan.
Mabuti pa ang poste, steady.
Buti pa ang araw at buwan, consistent.
Buti pa ang Rosary, may mystery.

Buti pa ang bagoong at kare-kare, pinagsasama
Buti pa ang sapatos, may kapares.
Mabuti pa ang stationary, personal.
Buti pa ang sandwich, may fillings.
Dahil ako, parang notebook; filler lang.

survey...

1 year ago I ...
went to my school [quesci] as usual. Our class was practicing for a certain presentation… uhmmm… i made a valentine's card...

yesterday I ...
went to school and attended my history I class and chemistry lab. then I borrowed a book for my histo speech. then I went home, and asked myself why there are many roses on the streets. . . I wondered what would the vendors do to the unsold ones after valentine’s day . . . and then I turned on my computer, chatted with some friends, and there. . .
5 snacks I enjoy:
1. anything chocolate [sa kasalukuyan, choco mucho!!! Wahahaha. :p]
2. pizza :D
3. macaroni spaghetti [made by my uncle and mum]
4. walang kamatayang piatos [tama ba spelling?]
5. marami pa kong gustong ilagay… sige, anu na lang, ice cream. Ü

5 songs I know all the words to:

1. Another Day [Rent]
2. On my own [Les Miserables]
3. You Were There [southern son’s]
4. MOON RIVER [wahahaha!!! Adek!]
5. You’ll Be in My Heart [Phil Collins] [pero mas gusto ko version ni usher. :p]

5 things I would do with 100 million dollars:
1. magpa-laser surgery para sa mata ko. :D
2. bilhin ang pangangailangan ng pamilya ko.
3. bumili ng kahit anong anime-related things ni alam ko. :D
4. magbakasyon sa France. :3
5. bayaran ang utang ng Pilipinas?

5 places I would runaway to:
1. France [the most romantic place daw?!? :p]
2. Japan [for the anime stuffs.:D]
3. Australia [it’s my childhood wish to go there (para sa mga koala!). Ü]
4. London [or anywhere, for a good job. :D]
5. Heaven [after I die…]

5 Things I would never wear:
1. sleeveless thingys. . .
2. miniskirt
3. shorts [as in ung maikli tlaga]
4. swimsuit [haha]
5. anything that is uncomfortable for me. . .

5 favorite TV shows:

1. unfortunately
2. currently
3. I don’t
4. watch
5. TV. D:

5 bad habits:
1. pagiging tamad
2. pagiging madaldal minsan [minsan daw oh….]
3. hindi pagsagot kapag tinatanong ako kasi tinatamad akong sumagot
4. pagiging OC
5. pagpupuyat kahit wala naming dahilan para magpuyat?

5 biggest joys:
1. makakuha ng mataas sa test. [duh. Ako si jane. :D]
2. makakain ng masarap na chocolate
3. gumala-gala sa kalakhang Quezon city [manila na rin]
4. MATULOG. :D
5. kapag kasama ko ang aking mga mahal sa buhay.

5 fictional characters I would date:
1. Suou Tamaki [Ouran Host Club High School (waaaaahhhhhh!!!!!!) ]
2. Legolas [Lord of the Rings (BWAHAHAHAHA!!!!! OMG!!!)]
3. Toushiro Hitsugaya [BLEACH (Ü)]
4. Yoh Asakura [Shaman King (wala nang malagay…)]
5. Naruto [whatever. :p]

5 people I tag to do this:
1. Migs
2. Myza
3. Dai
4. Denise
5. Jen


yey!

Saturday, February 02, 2008

isa na namang minadaling post. :))

ayan, nasa normal na pagsusulat na ako. informal na taglish na gagamitin ko dito. ahahaha. magiging maikli lang ang post na ito kasi inaantok na ko. :))



narito na ang mga mahahalagang nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw...



@N3 TEST RESULT [25]. ano, okey naman siya. hahahaha. masaya na ako dun sa nakuha ko. nakalimutan ko na kung hanggang ilan yung test saka kung ilan yung bonus dun. basta yung una kong score eh 94. eh may isang item pala na maling na-checkan si sir, kaya yun, naging 93 na lang. pero okey lang, sobrang masaya na talaga ako dun. :D



@BAGONG N2 PROF [26]. wowoweeeee. ang saya saya naman. bago na prof namin sa n2. nung una medyo nainis ako sa kanya kasi sinabihan niya yung iba naming kaklase na may quiz kagad kami sa una naming meeting. eh dahil nga sa trauma na natamo namin kay ma`am mejico, medyo na-pressure akong mag-aral kasi baka bumagsak ako [pero dahil sa sobrang pressure, hindi na ako nakapag-aral at NAKATULOG na lang ako. hahaha. kamusta naman yun?!?] tapos, yung quiz namin, yung mga klase ng tanong eh mga tipong `ano ang gusto niyong maging nung bata pa kayo?`, `ano ang paborito niyong laruan nung bata pa kayo?`, `ano ang pinaka-gross na ginawa niyo nung bata pa kayo?`... haha... parang pang slum book lang ah. :)) ayon, napakasaya niyang prof. tawa kami ng tawa. parang hindi n2. [haha.] kaya siguro, magiging masaya na ang n2 namin mula ngayon. :D [ay, pangalan pala niya eh i sir dominic paguio. :)) ]



@NAKAKAWINDANG NA ARAW [27]. pagsasamahin ko na lahat dito. hahaha. first class eh PE, edi ayun, takbo muna ng apat na beses na ikot dun sa may kung saan para sa warm-up, tapos nag skip rope lessons ulit [hindi ko pa rin kayang gumamit ng isa lang na paa... :( ]. nag skip rope race din kami [hulaan niyo na lang kung pano yun. :)) ]. pagkatapos nun, nagcool down kami, minasahe namin ang aming mga partners [actually, may tawag dun, pero nakalimutan ko na eh. :D ]. second class eh histo, eto na ulit ang NAKAKA-LURKEI NA TEST!!! ahahaha!!! yung typical test lang naman siya, identification tapos essay, pero ang cheberloo kasi niya eh. as usual, kahit medyo gumuho ulit yung mundo ng iba kong classmates, ako, wala lang. life goes on. :)) third class e chemlab. ayun, pagod na naman kami dun. pero nakakatuwa naman eh, at least diba, nararanasan kong maghalo-halo ng kung anu-anong klaseng mga kemikal. :)) haaaayy, so magpapasa na naman kami ng lab report...



@WALA LANG [28]. hw kasi namin sa n2 eh magdala ng favorite toy nung bata kami. kaya ayun, andaming may dala ng mga laruan ngayong araw na ito. nakakawindang ang mga tao, parang bumalik sa pagkabata. :)) nakaka-miss tuloy magkaroon ng `imaginary friend`. :)) ayon, hindi naman namin nagamit yun kasi nanood lang kami ng `abakada ina`. okey naman yung movie, cute. :D [tamad na akong magkuwento... ] pagkatapos nun, n3 lab, wala lang, test na pala sa susunod na meeting, kamusta naman yun... tapos comm, comm, COMM. aaaarrrggghhhh. wala lang. parang ang major talaga ng subject na to. nakakainis. :( [see my checklist below.]



uhmmm... ayun lang naman... walang masyadong magandang nangyayari sa buhay ko ngayon. kung nung mga nakaraang linggo eh puyat ako ng puyat, ngayon nman e tulog ako ng tulog. yung tipong habang nagbabasa ng libro eh mamamalayan mo na lang na nakatulog ka na pala at 3:00 na ng umaga at kailangan mo ng maligo pra pumasok??? nakakainis!!! wala akong nagagwang maganda sa buhay ko ngayon!!!



ay meron naman pala, nakapanood ako ng ilang episodes ng naruto shippuuden, napanood ko rin ang ilang special episodes ng card captor sakura [courtesy of migs], nabasa ko na rin latest chapter ng manga ng bleach, na-burn ko ng ouran chapters 19-26 si nikki, at napanood ko na ang original dvd movie ng death note 1 [courtesy of kuya arthur], [ang mahal pala nun]. HAHAHAHA!!! okhei, okhei, andaming kong nagawang mali!!! lya ayan, resolution ko ngayong linggo na ito, WALANG ANIME!!! BUWAHAHAHA!!! go jane!!!. :D



haay andami ko pang gagawin...


__ n3 quiz aral

__ n3 lab test aral

__ n2 reaction paper

__ nstp essay. :))

__ chem depex aral

__ chemlab report

__ histo preparation para sa cosplay

__ pe pratice skip rope [so parang gagawin ko talaga to. :)) ]

__ comm plan of attack

__ comm concept paper draft

__ comm miniplan

__ comm notecards [linteeeekkkk!!!!]

__ panoorin ang death note 2 [asa ka pa jane. :p]




hehehe. i can do this!!! BUWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! at may oras pa ako para gawin itong blog post na ito!!! napakagaling ko talaga!!! haaaayyy... [nevermind, nagma-mumble to myself lang ako.]



o cge, saka ko lang na-realize na wala na pala akong oras para matulog. magbabasa na kong n3. saionara! Ü