Friday, January 25, 2008

sinipag na lathala + KOMENTO SA YEARBOOK

paumanhin sa mga pagkakamaling nagawa ko sa aking inilathala na blog nung nakaraan. medyo may kulang ata na mga salita roon at may mga pagkakamali sa baybay at gramatika. ginawa ko lang kasi yun sa notepad kaya hindi ko napansin ang mga iyon... ngayon, ang akin namang gagawin ay gumawa ng isang lathala na ang laman ay puro mga pilipinong salita, maliban na lamang sa mga salitang walang katumbas sa wikang ito. Ü

ahahahaha.

ayan. sapagkat nais ko talagang ibahagi sa inyo ang mga nangyayari sa aking abang buhay, narito na muli ang isang napakahabang blogpost... :D

@PAGHAHANDA. [19-20]. sa mga araw ng sabado at linggo, pinilit ko ang aking sarili na maghanda at mag-aral para sa aming darating na mahabang pagsusulit sa N3. ngunit hindi lamang naman puro pag-aaral ang aking ginawa. basta hindi lamang iyon ang aking ginawa, marami pang iba. :)

@PAGSUSULIT SA N3. [21] at dumating na rin ang araw na aking pinakahihintay [hindi dahil sa aking gusto ng pagsusulit na ito, kung hindi dahil sa nais ko nang matapos ng maaga ang kung ano mang paghihirap na maidudulot nito sa akin.] sa totoo lang, ako ay nahirapan at nadalian sa pagsusulit na ito. mahirap sapagkat sumakit ang ulo ko sa paghuhukay mula sa kaibuturan ng aking gray matter ng mga isasagot ko sa mga tanong na bumulaga sa akin. oo, naaral ko siya. ngunit sapagkat lubhang madami ang aking ipinasok na impormasyon sa aking utak, mukhang ang ibang butil ng impormasyon ay lumabas na mula rito. maari rin namang hindi nakintal sa aking long term memory ang aking mga naaral. sa kabilang banda, naging madali iyon sapagkat multiple choice ang uri ng pagsusulit, kaya naman naging madali ang pagpili ng sagot [o panghuhula]. ngunit kahit ano man ang magiging kalalabasan ng pagsusulit na iyon, aking sinisigurado na magiging masaya pa rin ako. [sana].

@PAGLALAGALAG SA ROBINSON. [21]. sapagkat mayroon kaming libreng oras para gugulin bago mag-umpisa ang aming susunod na klase, at sapagakat katatapos pa lamang ng aming pagsusulit sa N3, napagdesisyunan naming mga magkakaibigan na maglakad-lakad muna sa isang gusaling malapit roon, ang robinson. sa totoo lang, INIMPLUWENSIYAHAN ko silang gumala roon [sapagkat ngayong linggong ito, aking napagdesisyunan na maging isang masamang impluwensiya at ehemplo sa aking mga kamag-aral. nais kong maranasan kung paano mabuhay sa ganitong mundo na kalimitang tinatahak ng ibang kabataan.] ayun, kami ay naglaro sa G-Box at timezone. kami rin ay nagkaroon ng pagkakataong makapagbasa sa _________.

@PANIRANG NSTP AT COMM. [21]. ang mga klaseng ito ay aking itinuturing na panira ng aking magandang araw. wala lang. iyon lamang ang aking nararamdaman tuwing aking papasukan ang mga asignaturang ito. ngunit sa halip na sumunod sa makamundong bulong ng aking id, aking sinusundan ang malimit na tamang sigaw ng aking superego. at iyan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako nagkakaroon ng kahit isang liban sa mga klaseng ito [kahit pa ako ay isang masamang impluwensiya at ehemplo para sa linggong ito.]

@PAGKUHA NG KAYAMANAN. [22]. sapagkat pansamantalang wala kaming N2 para sa linggong ito, maaari kaming pumasok ng tanghali sa araw na ito. ngunit sapagkat hindi naman alam ng aking mga kamag-aral kung anong oras akong papasok, ako ay pumasok ng maaga sapagkat, wala lang. ang una kong ginawa ay ang pumunta sa registrador ng aming unibersidad [university registrar]. ako ay nagbaka-sakali kung dumating na ang sukli para sa amin ng STFAP [kung ano man yun, hayaan niyo na lang. basta STFAP siya.] sadyang maganda ang araw ng aking pagpunta roon sapagkat kalalabas lamang ng sukli na iyon, at dahil doon, nagka-pera ako!!! BUWAHAHAHAHA!!! ngunit sa kasamaang palad, ibinigay iyon sa akin sa anyong tseke, at dahil doon, hindi ko rin iyon nagastos kaagad.

@PAGLINAW NG PANDINIG. [22]. ng kinagabihan ng araw na ito, kami ay pumunta ng aking nanay sa hospital para magpagamot ng aking tenga. ilang taon na kasi akong nabibingi at nitong nakaraang mga buwan ay sumasakit na ang mga ito. [at ngayon ko lang naisipang mgpatingin sa doktor.] akala ko nga ay nasira na ang aking tympanic membrane o kaya naman ay may nangyari na sa aking organ of Corti, ngunit sa kabutihang palad ay wala naman. kaya ngayon, napakasaya ko sapagkat ako ay nakaririnig na ng maayos. ahahahahaha!!! nakapaninibago nga, sapagkat nung una ay parang ang lakas ng tunog ng mga bagay sa aking paligid, ngunit pagkalipas ng isang araw, na-accommodate na ng aking utak ang mga sensasyong ito. :)) [ito ang epekto ng N3 sa akin]

@RESULTA NG PAGSUSULIT SA N2. [23]. susmaryosep [bawal OMG eh.] akin nang nakuha ang resulta nang aking pagsusulit sa N2. bagamat iyon ay aking itinuturing na mababa para sa aking pamantayan, akin na ring tinatanggap iyon sapagkat pasado naman ako roon, at kung tutuusin ay maituturing ko nang isang himala iyon sapagkat hindi naman talaga ako nakapag-aral ng husto roon. kung aking ibabatay ang aking nakuhang marka sa aking mga napag-aralan at sa aking kapangyarihang kung tawagin ay panghuhula, iyon ay katanggap-tanggap na...

@PAGTAWA SA KASAYSAYAN. [23]. wala kaming PE nang umagang iyon, kaya kami ay agad nang dumiretso sa CAS para sa aming kasaysayan. wala lang. napansin ko lang kasi na lubhang masaya kami ngayong araw na ito sa asignaturang ito. sa kabilang banda, akin pang dapat alalahanin kung sino ang aking iko-cosplay para sa aming darating na presentasiyon. napakahirap mag-isip lalung lalo na kung ang pagpipilian ay mga makasaysayang tao o mga tao sa UP noon... [tulong!!!]

@MAAGANG PAGPASOK. [24]. at marahil siguro sa kagagawan ng aking reticular activating system, ako ay nagising na naman ng maaga, at pumasok ng maaga. dumiretso na ako kaagad sa silid-aklatan ng aming kolehiyo at nagbasa ng ilang-araw-ko-nang-binabasa-ngunit-hindi-naman-matapos-tapos na babasahin sa kasaysayan. [para sa inyong impormasyon, hindi ko pa rin natatapos basahin iyon hanggang ngayon]. marami rin naman akong nagawa at nasaksihan sa pagpunta ng maaga sa aming silid-aklatan, kabilang na nga ang pag-aaral ng kasaysayan at kimika, at nakasaksi rin ako ng isang malamig na digmaan [cold war]. haha. wala lang. nais ko lang ipahiwatig na ako ay isa talagang napaka-sipag na estudyante, na kahit pinipilit kong maging isang masamang ehemplo at impluwensiya sa aking mga kamag-aral ay hindi ko magawa. [dumidilim ang langit!!! hahahaha!!!]

@NAKAPAPAGOD NA PAGHAHABOL. [24]. at sapagkat may nakapag-sabi sa akin na ako raw ay ipinatatawag ni ginang mejico sapagkat nawawala ang aking observational report para sa N2, ako ay pumunta sa kanyang opisina kahit na kami ay kasalukuyan pang nagka-klase para sa aming laboratoryo sa N3. pagdating ko roon, ipinahanap niya sa akin ang aking observational report. hindi ko nakita. pagkatapos, sabi niya, kung hindi naman talaga ako nagpasa ay huwag na daw akong magsinungaling. aba, aba, aba, nagpasa ako! tapos, sabi niya, kung talaga raw na nagpasa ako, tawagin ko raw ang aking mga testigo na nagpasa nga talaga ako. aba't ang sabi ko eh isang bulto ng mga testigo ang dadalhin ko sa kanya kung gusto niya nun. pagkasabi ko nun, pumayag naman siya na ihabol ko na lamang ang aking report hanggang bukas.

HANGGANG BUKAS?!? hindi ako papayag nun, kaya sabi ko sa kanya, dahil magaling ako, maya-maya lamang ay ipapasa ko na iyon. pumayag naman siya. kaya ako ay naghanap ng malapit na computer shop na may microsoft word. ayun, napa-print ko naman, ngunit ang kapalit niyon ay pagpangit ng onti ng aking report at isang malaking kawalan sa aking ipon... naipasa ko naman ng maayos ang aking report, at sabi niya ay hindi niya babawasan ng marka iyon. ABA'T DAPAT LANG!!! hindi ko ata magagawang magsinungaling, magpakatamad, o magpa-huli sa mga ganyang bagay, masipag at mabait na estudyante ata ko. [magugunaw na ang mundo!!! hahahahaha!!!!]

marami pa akong nais na ibahagi sa inyo tungkol sa aking buhay, ngunit kung ilalagay ko iyon lahat dito, lubhang nakatatamad ng basahin ito... ngunit siyanga pala... kahit hindi naman siguro mababasa ito ng aking mga pinatutungkulan...

@MGA HINAING. [naks, parang el fili lang ah. :)) ] nais ko lang ilabas ang aking saloobin tungkol sa dagdag na bayad sa aming yearbook. TAE [bawal kasi sh*t eh]. ano yang dagdag bayad na yan? kalokohan yan ah! ewan ko lang ah... ewan ko lang... tapos may narinig pa ako, para daw ata sa journ yung bayad na yun. mga tae ng elepante yang mga nagsabi niyan o, wala nga kaming natanggap na bayad diyan e. sinakripisyo namin ang memory ng mga pc namin at ang bakasyon namin diyan nung summer [na siya na palang magiging huli sanang summer break ko dahil wala kaming ganun sa nursing]. idagdag mo pa ang patuloy na pagsakit at paglabo ng aking mga mata tuwing gagamit ako ng Adobe Photoshop LINTEK! tapos madadamay pa kami diyan sa bayad-bayad na yan. ilabas niyo ang ebidensiya niyo na kailangan talaga naming dagdagan ang mga bayad namin. nagbayad kami ng tama, ginawa namin ang aming parte sa yearbook na yan, gawin niyo rin sana ng tama at matapat ang parte niyo para sa yearbook na yan...

at saka nga pla BAKIT NGAYON LANG LUMABAS o NAPA-PRINT YANG YEARBOOK NA YAN?!? kung tutuusin eh dapat mas maagang nagawa yan kasi maaga namang natapos yan, onti na lang yung kelangan na revisions na ginawa. ewan ko sa inyo. kahit medyo konti lang ang naitulong ko diyan, at kahit talagang hindi na ako nakakatulong nitong mga nakaraang buwan, malaki pa rin ang pakialam ko diyan... i care...

oo nga pala, patawad sa mga ka-journmates ko para sa mga araw na hindi na ako pumupunta, lalong lalo na kina amae, roanne, macy, dei, melai, at ray. sorry talaga, hindi na ako magpapaliwanag. sana maintindihan niyo na lang ang abang mag-aaral na ito...

at akin nang tinatapos ang paggawa ng blog entry na ito. maraming salamat kung naka-abot ka hanggang dito. Ü

Friday, January 18, 2008

RARE english post

oh well, i would be righting now in english. :) just don't laugh at my wrong grammar or else...

there had been many things that I had been able to do and had happened to me during these past days.. i'll just write here what i could remember..

FORMAT:
@TITLE [DATE] - description.

@ UP CENTENNIAL [8] - the university of the philippines celebrated its 100th birthday. in up manila, we had a motorcade to up diliman [is the wording right?] every college had their own rented or whatever vehicles, whether it be a bus, a jeep, or others, to transport those who want to go to diliman. whatever. i did not join them. i still had many things to do than to go to diliman and have fun there. [i kill Joy]

@ HELL WEEKEND [12, 13] - this is one hell of a week end. why? i had accomplished MANY things. read on...

@ N3 QUIZ [14] - i think it`s not worthy putting it here, but anyway, i`m bored and i can`t sleep so i want to make this post longer... every monday, we have a meeting in N3 (nursing3: anatomy and physiology), and every meeting, we have a 10-item + 1-bonus quiz. uhmmm, i`m just happy when i got a score of 11 last quiz when the only thing i did is browse through the book [i had already studied long ago, but of course, i had already forgotten it] i`m just not used to getting perfect scores in memory-based type of tests... so... nothing... actually i`m just bragging. :))

@ NOTECARDS [14] - our comm2 prof is requiring us to make at least 40 notecards for our supposed to be reserach paper [sounds nostalgic Ü]. yes, i had made those 40 notecards in time, but the question is, would that 40 notecards be helpful to me when i`m already writing my paper?1? oh well, i don't know. i hate english. and actually i hate writing this blog entry in english.

@ N2 SECOND LONG TEST [15] - for me, this event is both heart-breakening and hope-giving. why? heart-breakening because i am sure that i had acquired again a low score on that test, or maybe i failed it. whatever. i think i`m already used to failing my tests and not worrying about it. and then, it gave me hope because after this, our prof would be replaced by a new prof!!! yipeeeee!!!! actually i'm looking forward to this. :D i just hope that our new prof would be kind, and giving, and loving, and sympathetic... impossible....

@ OBSERVATIONAL REPORT [15] - our N2 prof also required us to pass an observational report about children 1-3 years of age. and the deadline is also on the day of our second long exam. oh well, fortunately, i managed to finish 12 pages of that report. and to do that, i sacrificed reviewing for the N2 test [yes, i only reviewed for about 2 hours the night before the exam.] anyway, i think that nothing big would change even if i had reviewed for that test... i just hope that i would get a very high grade for that observational report.

@ LA SALLE LIBRARY HUNT [15] - my classmates [paul, kimy, nikki] and i went to la salle to hunt books in their library for our comm2 reserach paper. and after experiencing doing research in their library, i think, i would like to transfer there. joke. but seriously, i wish that there would come a time when UP's libraries would be turned into something like that... uhmmm, yeah, we found some books that concerns our topics. :) something also happened inside the library, but i think it would not be fit if i would relate that in this blog...

@ SKIP ROPE HUNT [15] - after the la salle lib hunt, i went to monumento to find and buy a skip rope for our PE class tomorrow. i didn't find any skip rope that fits my taste [haha]. and so i continued my search in muñoz, but i still didn't find any there. and so, i went home first, got some extra money, and went to SM. there, in the national bookstore, i found a mediocre skiprope. oh well, i had no choice bu to buy it, or else... i would be doomed tomorrow...........

@ SKIP ROPE [16]- omgee. skip rope, jumping rope, jogging rope, or whatever you would call it [my prof prefers to call it skip rope because according to him, the right thing to do when using something like this is to skip and not to jump or jog] yeah. this is a must for our PE class. actually, i prefer doing `jogging rope` with it, but my prof said that we should skip. anyway, all i want to say is that i am having a hard time mastering this stuff, and guess what? by the end of the sem, we would have a practical test on this hateful thing, and we should be able to do the tricks that are prof had demonstrated us... nice...

@ CHEM LAB ORAL REPORT [16] - yipee!!! we're done on our chemistry lab report!!! actually, my partner and i had only started planning and doing the visual aid for our report about 45 minutes before our class. and the result is a messed-up report. BWAHAHAHAHA!!! whatever. but i'm happy that our classmates are the one who had graded us [i just hope that they didn't give us failing marks] and not our prof. whooooohhhhh.... so after this, the next thing to worry about is the chem lab departmental exam. hmmm... i wonder what it would be like....

@ CHEM LAB WRITTEN REPORT [16] - we also had to do a written report aside from the oral report. two lab reports. and these two lab reports are the subject of our oral reposts. and whatever. i can't describe what i had did actually on that written report, but i think it is just ok...?

oh yes!!! and now, had enjoyed my temporary vacation by typing this weird blog post that you would find, maybe, only once in your life. yeah!!! no filipino words are included here!!! :D

whatever. so on the non-educational aspect of my life. i think i'm just okay. i'm currently trying to have a deeper bond with some of my friends here in CN [college of nursing]. i just hope that in the future, i would be able to maintain whatever bonds that i am starting to build now. i don't know, i just have this feeling that almost all of the bonds that i had with my friends in the past are now broken. whatever. i really don`t care. [by that, i don't mean that i don`t care about my friends, i just belive that losing bonds with others is a normal part of life. :) ]

currently, i also act as a problem-listener and an advice-giver to one of my friends. uhmmm, actually i'm envy of him, because he has someone who can tell his problems to [that`s me]. but me, i think i just can`t say anything to anyone. nothing. i think no one`s worthy of listening to me. haha. joke. :p

lastly, i think that my heart was shattered, broken in a million pieces, scattered far and near. [bwahahahaha!!!] but anyways, i don't know why, because of that, i`m exceptionally happy right now. really. Ü

uhmmm, so right now, my resolution is not to think too much of the future because it only makes my head ache too much. i think it's useless to think about something too much, for example, a test that is about to come. i mean it`s okay to get ready for it; read, review, read, and review. but to panic too much to the point that you are only thinking of the test and not the content of the test... whatever. i think i would just be the only one that would be able to understand what I am blabbering right now. haha. what a lonely world.

anyways, it's now time to say goodbye, my eyes are now getting tired and hurt. see ya!!! :)

Wednesday, December 26, 2007

ateneo visit

Yay! New blog entry!  anyways. i`m just here to tell my friends that i am still alive and fighting. yeah! i can do this!!!  uhmmm... last monday, december 17, i visited my friends in ateneo. [especially jomigs, amae, and alyssa]. and also, i went there to get `ouran high school host club` from jomigs [na pagmamay-ari ni april. Ü] uhmmmm.... there... you know it`s hard to write in English, so i`ll continue now in Tagalog!  ayan! nagkaroon ako ng pagkakataong malibot ang ateneo dahil bigla na lang akong mapasama sa gawaing ibinigay kay jomigs. ayun, medyo malas pa ako ng araw ng pagpunta kasi ang init. hahahaha.  pagkatapos nun, oumunta kaming canteen para kumain ng tanghalian. mga 2pm na ata yun. [pupo! may utang pa pala ako sa yong 20Php!!! :D] doon, nakita ko sina monique, francis, cherry, april, at amae. yey!!! ayun, dapat pala manlibre ang mga dumadalaw dun!?! aba!!! hindi puwede yun!!! ang mahal nga ng tricycle papunta senyo eh! [21 Php ba yun?!] tsk tsk tsk... hehehe... [di bale, sa susunod na lang. :D]  ayun, pagkatapos kumain, oras na para sa 1-item quiz ni jomigs sa math. ayun, sumama na lang ako hanggang sa may labas ng room niya kasi baka mahuli ako ng gurad eh. hehe. naka-UPManila ID pa naman ako. :p ayon, maganda naman ang view sa kinalalagyan ko. green grass, green trees... mga tanawing bihira ko lang makita sa UPM... haaaay... [hehe... may aircon naman mga room namin. :p] pagkatapos ng test ni migs, ayun, pumunta na ulit kaming canteen. biglang dumating si alyssa at nakipaglaro ng cards sa min. [yey!!!] pag-alis niya, nagpaka-GC na kami at nag-aral ng N3/Physics.  ayun, pagdating ni amae, pinakita niya sa amin ang larong crayon physics [try niyo!] sa napakagandang laptop ng kapatid niya. ayun, pagkatapos nun, pumunta na kaming gateway sa cubao.  ayun, doon, kumain lang sila, at naglaro ulit kami ng playing cards! [yey! pusoy dos at 99!] ayun, wala lang. kaya ko lang pinost to eh kasi namimi-miss ko na yung mga kalokohan namin nung 4th year [actually, hindi naman kalokohan...] at lalo na yung pag-stay namin ng late sa school or sa SM. althoug maladaptive ang mga behavior namin nun, masaya naman eh! at ayun, nami-miss ko nang mag-ganun ngayong college, kaya lang hindi ko magawa kasi parang hindi kakayanin ng oras k, at saka gagabihin ako ng uwi kung magse-stay ako sa late sa manila...  ayun, wala lang, i miss you flecci!!!  [walang kuwenta lang kasi ang nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw kaya ito ang pinost ko. :D]  MERRY CHRISTMAS SA LAHAT!!!!  HAPPY BIRTHDAY JESUS!!! Ü
 
*punta kaung SECRET BLOG ko. :D
 

Tuesday, November 20, 2007

Mariah Carey – One Sweet Day Ü

aking kinuha muna kina jose miguel at amae


RULES:
1. Put your music player on shuffle.
2. For each question, press the next
button to get your answer.
3. YOU MUST WRITE THAT SONG NAME DOWN NO MATTER HOW SILLY IT SOUNDS!



IF SOMEONE SAYS "IS THIS OKAY" YOU SAY?

-- MYMP – Beauty and Madness (
huh?!? Hahaha!!!)


WHAT DO YOU LIKE IN A GUY/GIRL?

-- Eraserheads – Huwag Mo Nang Itanong
(sa akin, di ko rin naman sasabihin. :p)


HOW DO YOU FEEL TODAY?

-- Rei Fu – Life is Like a Boat (
yeah right. Ü)


WHAT IS YOUR LIFE'S PURPOSE?

-- Daniel Bedingfield – If You’re Not the One (huh?)


WHAT IS YOUR MOTTO?

-- James Blunt – You’re Beautiful (no! not you! ME!!! :p)


WHAT DO YOUR FRIENDS THINK OF YOU?

-- Toy Story – You’ve Got a Friend in Me (
talaga!!! Yey!!! )


WHAT DO YOU THINK OF YOUR PARENTS?

-- Itchyworms – Love Team (
yikeeeee… haha!)


WHAT DO YOU THINK ABOUT VERY OFTEN?

--Nelly – Dilemma (
talaga!?! Totoo!?!)

WHAT DO YOU THINK OF YOUR BESTIE?

-- Simple Plan – Welcome to My Life (
hmmmmm….)


WHAT DO YOU THINK OF THE PERSON YOU LIKE?

-- Uverworld - Shamrock (
tingnan ko muna translation ng kantang to… )


WHAT IS YOUR LIFE STORY?

-- The Corrs – Breathless (
oh no… ayoko…)


WHAT DO YOU WANT TO BE WHEN YOU GROW UP?

--MYMP – Now That I Found You (
ang labo ng sagot.. :p)


WHAT DO YOU THINK WHEN YOU SEE THE PERSON YOU LIKE?

-- Linkin Park – By Myself
(“I can’t hold on!!!!” Wohoooo!!!)


WHAT DO YOUR PARENTS THINK OF YOU?

-- The Oystars – Nanka Shiawase (uhmmm... ncnr...)



WHAT WILL YOU DANCE TO AT YOUR WEDDING?

-- F4 – Can’t Help Falling In Love
(bakit may ganito sa pc namin?!? Ahahaha!!!)


WHAT WILL THEY PLAY AT YOUR FUNERAL?

-- Christina Aguilera – Come on Over (AHAHAHA!!!! Lol!!!)


WHAT IS YOUR HOBBY/INTEREST?

-- Yeng Constantino – Hawak Kamay
(hobby ba yun?)


WHAT IS YOUR BIGGEST FEAR?

-- Parikya ni Edgar – Buloy (hindi ko gets…)


WHAT IS YOUR BIGGEST SECRET?

-- Gaggong Rapper – Kabet (Halaaa!!! Sumosobra na to ah!!!)

WHAT DO YOU THINK OF YOUR FRIENDS?

-- Alanis Morisette – Thanks You (thank u, thank u.. Ü)


WHAT WILL BE THE SUBJECT WHEN YOU REPOST?

-- Mariah Carey – One Sweet Day (I love this song, kaya lang hindi siya lumabas sa mga tanong sa taas… awww.. Ü)



Ay tapos na… BITIN!!!!!!!


Friday, November 09, 2007

temporary last post. Ü

ayan... baka ito na muna ang last post ko pansamantala (ang labo `nun ah...) uhmmm, ganito kasi yun...

sa BLOG, tingin ko parang wala na akong malagay. parang ayaw ko nang i-share [o tinatamad] ang mga karanasan ko sa mundo. hahaha. wala lang. kapag may sinusulat naman ako, bigla ko na lang ititigil kasi parang ang walang kuwento din ng sinusulat ko... naisip ko lang, ano na mang gagawin ng mga babasa ng blog ko sa sinulat ko, saka onti/wala ngang tumitingin dito. :p ayun, kaya imbes na mag-post, gagamitin ko na lang ang oras ko sa ibang bagay. Ü

maliban sa mga karanasan ko, wala na rin namang akong ibang ma-post. nawawala na sa akin ang kakayahan ko para maging isang journalist [:p] ahahaha. ayun. hindi na ko makapag-sulat ng maayos. :D

sa mga PHOTOS naman, wala na yung 6600 ko. T.T [ka pangit pangit na nga, nasira pa. :)) ] bumigay na, kaya hindi na rin ako makapag-post ng mga pictures. saka isa pa, wala na namang masyadong importante na nangyayari ngayon sa paligid ko eh, kaya yun, babay na rin dun.

sa mga kanta at videos naman, wala akong karapatng mag-post ng kanta na hindi akin dito, sa tingin ko. :D ahahaha. illegal ata yun eh. yung sa linkin park album & anime videos, patawarin niyo na , sayang naman pag-upload ko diyan eh, kaya diyan na lang sila. :D

ayan. magco-concentrate muna ako sa pag-aaral ko. ahehehe. nape-pressure na ako sa mga ka-klase ko. sana magawa ko ito ng tama [huh? ano daw?] ahehehehe. iiwan ko muna ang puso ko dito sa blog ko. Ü

sige hanggang diyan na lang muna. sana mabalikan ko pa ito...

Saturday, August 25, 2007

~nursing [negate nursing. :p]

musta musta musta na Ü! ahahaha! nu ba yan, ang labo ng monitor namin ngaun, naiinggit ako ngayon dito sa internet shop. :p ito na pala ang pinangako kong post... :D

~oOo~

Ito ang ilang dahilan kung bakit ayaw kong mag-nursing...

1. Ayaw ko sa UP Manila dahil malayo. Sobrang hindi ako sanay dahil simula ng mag-aral ako ng kinder 2 sa Esteban hanggang 4th year high school sa QueSci, nasanay ako na tricyle o lakad lang ang ginagawa ko. Ayun, sa totoo lang gusto kong mag-Ateneo kasi mas malapit siya sa amin at mas gusto ko ang atmosphere [hehe. :p] Malinis kasi dun eh. Kaya lang pinigilan ako ng aking magulang dahil baka raw i-discriminate ako ng mayayaman. [edi idi-discriminate ko rin sila kung bakit hindi sila mahirap. LOL. :D]

2. Gusto ko ng Math/Engineering na course. Ahaha. Gusto ko talaga na kahit anong related sa Math o Physucs [yack... kadiri... :D ] Mas gusto kong maghanap ng solusyon sa mga problema kaysa mag-labisado ng maraming salita. Ayon. Yun lang. Gusto ko sanang kunin yung Applied Math sa Ateneo, kaya lang pinigilan nga nila ako, tsaka ano naman daw ang magiging trabaho ko un. Puwede rin naman sana yung ECE sa UPD, kaya lang, mahirap daw mag-excel ang mga kababaihan dun...

3. Hindi ako marunong mag-alaga ng ibang tao [?] Ahehe, hindi ko pa 'to alam. Wala kasi sa ugali ko ang mag-alag ng ibang tao. Kadalasan, wala akong pakialam sa kanila. Ahahaaha. :p Joke lang.

4. Ayaw ko ng malaking responsibilidad. Yah. Ayaw ko `yun. I hate iit. Parang ang laki-laki ng ekspektasyon nila sa akin. Hindi lang ng pamilya ko kundi pati na rin ang college of nursing at ang mga pasiyente sa pgh. [hehe. ang feeling. :p] GRRR... Ewan.. Ahaha... Parang hindi ko kayang ganito...

5. Wala lang. Tinatamad na akong mag-aral. Ahaha. Joke lang. Mas lalo akong magiging insomniac pag hindi ako nag-aral. :D

So ayun, ayun na ang mga naiisip kong dahilan kung bakit ayaw kong mag-nursing. Wala lang. Gusto ko lang ilabas ito dahil bigla ko na lang maisipang lumipat ng course. Ahehehe... :p Sabi nga ng kuya ko, "kung patuloy kang mabubuhay sa nakaraan, paano mo gagawin ang best mo sa kasalukuyan, at paano mo haharapin ang kinabukasan?' [churva. :p]

~oOo~

so ayun. tungkol sa theme ko ngayon, HALF EMO, HALF MANGKUKULAM ba talaga??? T.T kainis naman o... ayaw kong palitan, bahala kayo. :p

Thursday, August 16, 2007

buhay sa up manila. :3

blog... anu yun? hahaha... kamusta naman ang buhay ko ngayon, ngayon ko na lang na-update itong blog ko. ayun... nakalimutan ko na ata kung panu magkuwento dito... :p pati yung background ko, HINDI na timely. pero baka sa sembreak ko na siya mapalitan. ahahaha. asahan niyong mostly black yun, na may BLEACH na character, na may background midi na BLEACH... haaaaaaaaayyyyy....



ayan, magkukuwento na lang muna ako tungkol sa aking bagong skul... :D

~oOo~


I. Ang UNIBERSIDAD

ako ngayon ay kasalukuyang nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas, Maynila. [yakkk... formal.... ulit, ulit, ulit. :D] dahil sa pinasahan kong kurso, nag-aaral ako ngayon sa UPM [University of the Philippines, Manila]. ayun, kung akin siyang ilalarawan, sa kabuuan, siya ay mainit, mausok, mabaha, maliit [kung atin siyang ikukumpara sa UP Diliman], MALAYO, walang puno.... ayan, ahaha, napaghahalataang isa akong mareklamo at may natatagong galit na mag-aaral. :)

sa kabilang banda, may mga mabubuting katangian rin naman ang pinilit sa akin... este.... ang napili kong paaralan. una ay katabi lang niya ang Philippine General Hospital [PGH], kaya kung sakaling magkasakit man ako, maaari na ako kaagad na pumunta sa health service roon. isa pa, dahil nga malapit lang ang pgh sa amin, maaaring doon na kami mag-NSTP [na aking ikukuwento mamaya]. isa pa, sa tingin ko, maganda rin iyon para sa aming kurso, kung hindi mo gets, ewan ko sa 'yo. :p pangalawa, yung kalayuan niya [kung ibabatay sa aking pinanggagalingan at pamamaraan ng transportasiyon], tingin ko ay ok lang din sapagkat habang maaga ay nasasanay na akong magpaka-haggard [haha, joke lang. :p], saka mas nakikita ko ang realidad ng buhay dahil na rin sa lokasyon ng aking unibersidad. kung hindi mo rin ito gets, subukan mong maglibot-linot sa paligid ng UPM [siyempre hindi lang sa rob yun. :D]. pangatlo, siyempre, pag UP ka, ok ka, kokey!!! wahahaha!!! :D


II. Ang KURSO

ayun... PAGNANARSES [ayon sa diksyunaryo] ang pinilit sa akin... este... ang napili kong kurso. NURSING yun sa ingles, kung hindi niyo gets. ayun. `masaya` naman siya. haha. paano ko ba sisimulan... basta, sitenta [pitumpu, 70] lang ang tinatanggap ng aming kolehiyo bawat taon. para makapasok ka sa amin, ang tanging paraan lamang ay ang pagkuha ng UPCAT [at siyempre ay pagpasa nung kurso] at hindi puwede ang transferees. ayun, nahahati kami sa dalawang blocks [sections siya kung sa high school], block 25 at block 26. ako ay kabilang sa block 26. anu pa ba... ayun, masaya sa nursing kasi andaming mga organizations [orgs]. ayoko nang isa isahin yun dito, pero ako ay kasapi na ng nac [nursing artists cor], narsilikha [arts group]. ayun... tapos, isa pang masaya sa nursing ay para daw kaming isang pamilya [daw kasi hindi ko pa masyadong feel. haha. :D ] ayun... wala pa palang bumabagsak sa board sa mga nursing students na galing dito, kaya biro nga nila, kung sino man yung kauna-unahang bumagsak sa board, maaring siya ay patayuan ng estatwa, at handaan ng katakut takot na psychological assistance. kung hindi niyo gets, bahala na kayo. :p ay, ay, ay... may mali ako!!! hindi pala kami NURSING STUDENTS... we are STUDENT NURSES!!!wahahaha!!! :D [kung hindi niyo gets ang pagkakaiba nun... ewan... ] at isa pa, ang ollege of nursing sa UP ay ang kauna-unahan sa buong pilipinas, kaya kami ang orig. wahaha... ang yabang. :p


III. Ang mga ASIGNATURA

A. NURSING 1

-ang asignaturang ito ay nahahati sa tatlong seksiyon:

1. Anthropology

kamusta!!! kamusta naman itong subject na ito!!??!! ahahaha... akin munang ikukuwento sa inyo ang tungkol sa propesor namin dito. siya ay si bb. dolores recio, 85 taong gulang. at ang dahilan kung bakit hindi pa siya nagreretiro kahit lagpas 60 na siya ay dahil sa kadahilanang isa siyang PROFESSOR EMERITUS. ayun. hindi ko nga alam kung anung ibig sabihin, basta ang alam ko, kagalang-galang na siya dun sa aming kolehiyo at ayon sa iba, magaling siya at nag-iisa lang talaga ang prof. recio na makikita namin. ayon sa mga kuwento niya, isa ata siya sa mga unang nagtapos ng nursing sa up, kaya may karanasan pa siya noong panahon ng digmaan. ayon, at dahil ng prof emeritus siya, lagi niyang idinidikdik sa mga kukote namin na hindi daw siya sinusuwelduhan sa pagtuturo niya sa amin, transportation allowance lang daw ang ibinibigay sa kanya. yun ang mga linyang pangpa-inspire niya sa amin para mag-aral kaming mabuti. lol. isa pala sa mga magandang katangian niya ay ang kanyang magandang pananalita at choice of words [lintek, anak ng bathala (with matching action pa yun... ituturo ko na lang pag nagkita tayo. :D)... etc.] ahahaha... sabi nga ng ibang prof. namin, na naging prof. din siya [isang katunayan na matanda na talaga si ma`am recio] medyo mabait na daw si ma`am recio sa amin ngayon, dahil dati daw sa kanila, mas malala pa ang mga murang binibigkas sa kanila. [buti na lang recently lang ako pinanganak. haha. :p] anu pa ba, si ma`am recio, ang lecture niya, about 10% tungkol sa subject, 5% siguro sa panlalait at pangangaral niya sa amin, at 85% ng pagkukuwento niya tungkol sa kanyang nakaraan at karanasan. bawal din pala late sa kanya, pati yung maaga ng onti. kailangan 30 minutes before the time, andun ka na, kundi, masasaraduhan ka ng pinto at absent ka na sa klase niya. [7:30 am nga pala ang klase namin sa kanya, at galing pa akong quezon city. napakasaya ng buhay. :) ] ayun, ang mga test pala niya ay karaniwang essay. mali ka na pag mali ang grammar mo [english major ata siya eh, hindi ko lang sure... :D] ayun, ganun kasi ang finals namin eh, eh puro daw kami bagsak kasi mali mga english namin, kaya ayun nag-retest kami. at hindi ko na alam kung anu nang nangyari dun sa aming finals...

2. Psychology

pagkatapos ng aming madugong anthro, psych naman ang susunod. si gng. merle mejico /mehiko/ ang aming propesor dito. ayan. madugo rin itong parte ito ng N1. okey lang naman si ma`am mejico, marami kang matutunan sa kanya at sa subject niya. yun nga lang, medyo nabigla lang ako sa unang dalawang araw ng lecture namin. bawat meeting kasi namin, may quiz na mga 50-60 items siguro. nung una, essay yung pina-test. buti na lang nagbasa ako ng kahit kaunti, pero hindi pa rin sapat yun apara makakuha ako ng mataas na marka. dun naman sa pangalawa, objective na yung type ng test. nag-aral naman ako, kinabisado ko siya. pero pagdating nung test... ANU NGA ULIT YUNG SALITANG YUN??!!?? ahahaha!!! ang saya saya. medyo nakalimutan ko na kasing magmemorize ng dibdiban kasi hindi ko naman ginagawa `to nung fourth year. kaya nung pangatlong test na, ayun, objective ulit, tumass na ang score ko. ahaha. share lang yun. :) tapos yung mga pinag-aralan namin dun, nakakatuwa kasi may mapupulot ka talaga. sa ngayon, ang pinakana-appreciate ko na nakatulong talaga sa akin e yung mga dahilan kung paano effectively mata-transmit ang laman ngiyong short term memory sa iyong long term memory [NOTE:
hindi pala sakit ang short term memory. ahaha. kapag pinag-uusapan natin ang attention span, dun na mare-relate yung STM. it can only hold 7 items, plus or minus 2, and it lasts only for about 20 seconds... halaaaa, nag-lecture na... :p ] ahaha. yun yung nakatulong sa akin para mapataas ang score ko sa test. :) sa psych rin pala, mahalaga rin yung recitation sa kanya. as in recitation na mag-eexplain ka ng isang parte ng inyong lesson... ayun, mukhang babagsak ako dun, kasi nahihiya akon mag-recite, kasi baka barahin ako ni ma`am. pero may paliwanang din dun sa pag-iisip kong yun. siguro nung bata pa ako... [TAMA NAAAA!!!!] ahahaha... gusto ko talagang magkuwento tungkol sa lesson namin, kaya lang masyado nang mahaba ito. so yun na lang muna. on-going pa ang psych nmin ngayon, so hindi pa tapos ang storya....

3. Sociology

ayon kay ma`am mejico, dahil wala si prof. añonuevo na dapat ay popesor namin sa parteng ito ng N1, si MA`AM RECIOulit ang magtuturo sa amin sa socio. KAMUSTAAAA?!? ayun, ayon sa mga higher years na dumaan din sa mga kuko t pangil ni ma`am recio, magre-report daw kami sa socio, report na may kasmang panlalalit ni ma`am recio [kasi nga diba english major siya?!?] nakakainis. pero wala akong magagawa. kailangan kong pagbutihan ito. ayokong makita muli ang pagmumukha ni ma`am recio next year. AYOKONG MAG-REPEAT!!! T.T



B. NSTP [National Service Training Program]

nstp... ahehehe... ayun, parang maagang training ito para sa aming mga student nurses. basta ang bawat block, hinati sa tatlo. yung tatlong yun, dinestino sa iba't ibang lugar: Out Patient Department (OPD) sa PGH, Cancer Institute (CI) sa PGH rin, at sa Kanlungan [tatawid ka pa ata mula sa CN bago makarating dun]. ang grupo na kinabibilangan ko ay napunta sa CI. ayun, masaya naman siya. bawat linggo, may iba't ibang activity kaming gagawin na parang ipe-present namin sa mga cancer patients dun. eto yung mga ginawa namin: one-to-one talk with the patients, fun with the pedia :p, bible study with the oldies, and a presentation about proper hygiene and nutrition. ayun, dapat kahapon, pupunta kami kasama ang mga pedia patients sa munting paraiso, kung saan manunuod dapat kami ng movie. kaya lang hindi yun natuloy dahil sa bagyo. kaya ayun. next week daw, by pair, kami yung parang magsisilbing bantay ng mga patients, as in kami yung maglalakad ng mga pangangailangan nila. ayun. ung medyo mahirap lng sa CI, eh yung mag-isip kung paano niyo ipe-present yung naka-assign sa inyo. wala lang. haha. pero sa totoo lang, mas mahirap ang trabaho ng mga nasa OPD at Kanlungan. ahehehe. ayun. sa kabilang banda, kaya naging masaya sa CI eh kasi makikita mo naman sa mukha ng mga pasiyente ng na-appreciate nila yung mga ginawa namin para sa kanila. ayun... :) napaka-fulfilling at nakaka-inpire. :D [parang hindi ako yun ah. :p]



C. PHYSICAL EDUCATION

table tennis ang PE ko. ahahaha. kamusta naman yun. TAKOT AKO SA BOLA!!! kahit anong klaseng bola. papalapit pa lang ang bola, napapapikit na ako. so, i-imagine niyo na lng kung anung pinaggagawa ko kapag PE namin. haaaaaayyyy... yoko talaga ng PE na ito. ayun, nag round roin na pala kmi [yung isa isa mong kakalabin ang mga classmates mo.] isa lang ang panalo ko. ahaha. kawawa naman ako. pero sa tingin ko naman nag-improve ako kahit konti. nakaka-third set nga ako. eh. :p lol. WHATEVER. ayoko talaga nito. T.T [tito nga pala ni renan yung teacher namin dito, si mr. nuestro. ahahaha. hindi joke yun :D]



D. COMMUNICATIONS 1

si ms. charette pagtalunan ang propesor namin dito. ayun. ok lang namin ang english namin kung ikukumpara mo sa ibang sections. hahaha. :D nakakatuwa yung teacher kasi ang kyut ng pagsasalita niya ng english, tapos ang kyut ng mga binibigay niya sa aming articles at exercises, tapos ayun. wala na akong masabi. ahahaha. :D basta, siguro, ok lang naman tong subject na ito. :3


E. SOCIAL SCIENCE 1

si mr. abe padilla ang propesor namin dito. long hair at may katandaan na siya [pero sobrang mas bata naman siya kung ikukumpara mo kay ma`am recio. hahaha. :D] ayun. masaya naman siyang mag-discuss, halos puro jokes. yung iba namang jokes eh mga green jokes. kung saan nakiki-ride naman yung iba sa mga lalaki kong blockmates. ayun, haha, ewan ko kung matutuwa ako o maiinis dun. :p basta, yung type ng test niya eh pangkaraniwang enumeration. kaya medyo nabigla rin ako dun sa first test namin, kasi hindi ko pa alam. pero oky lang, mataas na rin yung score ko para sa akin. uhmmmm... yun lang ang masasabi ko sa subject na ito eh. natutuwa lang din ako pag socsci time na kasi ang lakas ng aircon sa room natin dito. :p


F. PHILOSOPHY 1

si ms. jimenez ang propesor namin dito [kapatid ata niya si joyce jimenez, hindi nga, no joke] ayun. trademark na ng guro namin dito ang magsalita ng mga favorite expressions niya tulad ng `do you understand`, 'let me pause`, at `do you follow?`. ahahaha. medyo napabayaan ko lang ang unang test ko dito, bagsak ako dun eh. essay kasi, para sa akin tama naman ang mga sagot ko, eh may hinahanap pa ata siyang mga specific na salita at phrases at kung anu-ano. haaaayyy... pero pramis, pagbubutihan ko na. medyo may pagka-math na hindi ang topic namin ngayon eh. logic. ahaha. ang kyut. :)


G. MATH 11

STRESS RELIEVER KO `TO!!!! haaaayyy... si sir solano ang propesor namin dito. ayun, halos mga lessons lang nung first at second year ang pinag-aaralan namin dito, kaya masaya. ahahaha. nag-first departmental na kami dito, puro true or false ang mali ko. ahahaha... yakkkk. kailangan kong basahin talaga ng mabuti ang module. wala lang. talagang eto angstress reliver ko kapag nag-aaral ako ng ibang subjects, kapag kunwari masakit na ang ulo ko kaka-memorize, magsa-sagot muna ako ng kahit isang problema sa module namin. ahahaha. mami-miss ko ang math.. T.T


IV. Ang Mga WALA LANG

ayun. puro kuwento lang ang andito. kukuwento ko na lang ang buhy ko ng mga unang araw ko sa UPMla. Dahil nga likas ako na loner, at hindi ako sanay na may maingay sa aking kapaligiran na hindi naman kailangan at hindi naman nakakatuwa [NAIIRITA AKO...], mas pinipili kong mag-isa nung mga unang araw. medyo lumayo muna ako sa mga scientians kasi wala lang, feel ko lang. :D observe observe, feel feel muna. pagkatapos nun, medyo napapansin kong may mga nabubuo ng mga grupo sa amin. kaya, nakisama ako sa mga grupo na iyon. ahahaha. FLEXIBLE naman ako eh. :p pero sa huli, ayun, bumagsak ako sa kamay ng mga BABEHS. ahahaha.. ayun, masaya naman sa grupong ito. kain, gala, saya, photohunt, gbox, kain, kain, kain.... ahahaha. :p ayun. pero siyempre, nakikisama pa rin ako sa iba, katulad ng sa FAMILY. ahehehe. ayun. inaamin ko nung mga first day, medyo hindi ko na-feel ang mga classmeyts ko dahil sa iba't ibang factors, pero ngayon, medyo nakikita ko na ang kanilang good and bad sides. ayan, mas na-eenjoy ko na ang buhay ko ngayon...

ang buhay ko pala ngayon, medyo planado na [kagagawan to ng aming psychology. masyado akong naimpluwnesiyahan. :p] haaaayy... ang best place ko ngayon sa skul namin eh ang LIBRARY, lalo na yung mga may naka-separate na table at upuan na pang-isahang tao lang. sobrang nakakatulog... este... nakaka-aral ako ng mabuti dun :D ayun, kung ayaw kong mag-aral o matulog, magmumuni-muni lang ako. wala namang nakikialam eh. ahaha. tapos, kapag nag-aaral ako, hindi ako puwedeng makinig ng music habang at pagkatapos mag-aral, titingin lang ko sa malayo o kaya matutulog. gumagana siya sa akin, ang saya saya. hahaha...

pag-uwi naman, nung mga unang araw, nagji-jeep ako papunta at papunta. mas mura kasi siya ng kalahati kung mage-LRT ako kahit medyo haggard. pero habang dumadami ang mga ginagawa namin, naisip ko na siguro mas maganda kung mage-LRT na nga lang ako. haaaay... ayun, isang dahilan pa nga pala kung bakit masayang mag-jeep pauwi, kasi ang ruta ko dun, sasaky muna ako papuntang quiapo, tapos project 7. sa quiapo, may tindahan dun ng mga hopia. eh maiinit pa yung mga hopia nila at masasarap. wala lang... nami-miss ko na yun...

ayun lang... wala na akong mai-kuwento eh. ahahaha. :p sana kayo masaya sa buhay niyo ngayon. Ü nasa panahon pa lang ako ng pag-aadjust ngayon eh. yah. kalahating taon pa ito. :D yun lang. :)

~oOo~

~hindi ko alam kung bakit ko ba ginawa ito eh may test pa kami sa socsci at philo at hindi ko pa nagagawa ang term paper ko sa N1...

~patawarin niyo ako kung masyadong hindi organized ang aking mga thoughts and ideas. ahahaha... improptO lang ang pagsulat na ito eh. :D

~ang ganda ng `will of the heart` ni shiro sagisu, piano piece siya, sa BLEACH... haaaaayyy...

~may topic na ako para sa next blog entry: bakit ayaw kong mag-nursing. :p

~oOo~