Ito ang entry ko sa aking `Public Diary` nung May 6, 2006... pero sa totoo lang tungkol ito sa nangyari sa akin nung May 5. Ayan, may special access kayo sa aking diary... :)
~oOo~
National Museum + Kuya's Graduation
May 6, 2006
Isang nakakapagod na araw ang aking hinarap kahapon. Grabeh... sobrang nakakapagod...
5:30 am ako nagising kahapon kasi kailangan 7:00 am naroroon na kami sa school para sa Journalism. At nung paalis na ako at naroroon na ako sa SM, naalala ko na nakalimutan ko pala ang pitaka at cellphone ko. Sa lahat ba naman ng bagay yun pa ang maiiwan ko. Tsk tsk tsk. Kaya ayun wala akong nagawa kundi bumalik ng bahay at kunin ang mga bagay na naiwan ko.
7:30 am na kami umalis ng school. Mga kasama kong third year ay sina Ger, Ruphy, Alyssa, Macy, at Melai. Tapos kasama din naming ang ibang second year at saka si Sir Rex at ang kanyang napaka-cute na anak, si Moira. Matagal-tagal din ang biyahe. Pagdating dun sa lugar, naglibot-libot muna kami. Tapos, kumain kami sa Jollibee para sa tanghalian. Sinita pa nga ako ni Sir Rex kasi may tira pa doon sa chicken ko eh. Hehe. Tapos, kaya pala kakaiba ang disenyo ng mga building doon, kahit yung Jollibee, eh kasi batas pala yun. Kailangang sundin yung architectural design ng parke o kahit anong historical landmark. Tapos yun mga business establishments ay hanggang first floor lang ang puwede ipatayo.
10:00 am pa kasi puwede pumasok doon sa National Museum, kaya yun nga, naglibot at kumain pa kami. 30 Php ang entrance fee para sa mga batang tulad namin at 100 Php para sa mga matatandang katulad ni Sir. Maganda naman sa loob, maraming bungo, palayok, plato, porselana, at mga jars. Meron ding mga damit at kagamitan na lumang-luma na. Sayang nga lang, sarado pa ang seksiyon ng mga painting kaya hindi namin nakita ang `Spolarium`. Tsk tsk tsk. Sayang talaga...
Napag-alaman ko rin kay Sir Rex na kumpara sa mga museo ng ibang bansa, halos 25 porsiyento lang ang pondo ng Pilipinas para sa ating mga museo. Pero sa totoo lang, mas marami tayong puwedeng ilagay sa ating mga museo at ipagmalaki kaysa sa ibang bansa. Nalaman ko rin na gumagamit pala ng `systematic archaeology` ang mga archaeologist kapag nagbubungkal sila ng mga fossils / artifacts. Basta, mahirap i-explain.
Tapos nung paglilibot namin sa museo, pagod na pagod na kami kasi nga bibihira lang ang upuan sa loob. Kaya ayun, pumasok kami sa loob ng souvenir shop kasi may upuan at malamig doon. Bumili rin ako ng dalawang key chain na hugis sumbrero...
Sa SM North na sana ako uuwi, kaya lang napansin ko na dadaan rin pala ng jeep sa SM Manila. Kaya ayun, doon na lang ako bumaba…
Tapos nakakaasar pa dun sa SM Manila. Una kasi, nung nandun ako sa Department Store, biglang may lumapit sakin na lalaki at nagtanong ng oras. Tapos tinanong kung puwede ba daw niya ako makasama muma kasi ang tagal daw nung ka-date niya. ASA KA PA! ANG BASTOS MO! Grrr...
Tapos nung nandun naman ako sa Booksale at tumitingin kung merong librong Les Miserables ni Victor Hugo, may kumalabit sa aking lalaki tapos binulungan ako, `Follow me outside,` ASA KA PA BOY! MANYAK KA! KADIRI! Grrr... Kunwari wala akong naramdaman at hindi ako marunong umintindi ng English. Hahaha...
5:30 pm nag-text ang kuya ko na on the way na raw sila. Sa mga oras na iyon, naroroon ako nakaupo sa Foodcourt dahil ang sakit-sakit na ng mga pa ko. Kaya yun, pumunta akong National Bookstore kasi baka dun nila ako sunduin. Nagbasa muna ako ng `By the River Piedra I Sat Down and Wept` ni Paulo Coelho. Maganda siya! Kaya lang nakakahiya nang magbasa kasi padaan-daan yung guard sa harapan ko eh. Hehehe...
6:30 pm sila dumating sa SM Manila. Doon kami kumain sa `Inasal Chicken Bacolod` ata yun. Tapos yun na... ayaw ko nang sabihin kung anong nangyari sa gabi ko... masyadong... arghhh!!!
~oOo~
... Nababaliw na ako... nababaliw na talaga ako... sasabog na utak ko... ayan na... 5... 4... 3... 2... 1 3/4... 1 1/2... 1 1/4... Waah! Grrrrrr! Sorry... sorry diary... binababoy na kita... my thoughts are very discordant because of that bloke [syaks... english yun ah...]
yeah jane, you're so very PATETEK... you should be buried six feet under the ground. you do not deserve to live in this world. you`re so ugly and dumb. no one loves you. etcetera... etcetera... blah... blah...
buti na lang nagagawa ko pang ngumiti, tumawa, at maglambing sa pamilya ko. buti na lang naririyan sila. kung hindi baka nasa libingan ako sa Bagbag o nasa Mental Hospital. huhuhu... buti na lang naririyan sila...
masyado na kong nababaliw. mag-e-empake na ako papuntang Mental Hospital. Baka may mahawa pa sa akin... -JRL
~oOo~
Ayan... may sneak peak na kayo sa diary ko... yung huling part nasa diary ko pa rin yan... kaya lang may pinutol ako sa unahan.. :) ehehehe. yun... wala lang...
1 comment:
alay lakad un.. haha..
yak naman ung mama.. dapat sa mga ganun, tinotorture at hindi na hinahayaang mabuhay sa mundo.. haha.. :D ingat!!
Post a Comment