Monday, April 09, 2007

comeback

oh yes!!!
syaks!!!!
na-miss ko ang blog na ito... naiiyak na ko dahil na-miss ko talaga ito... [asus.. :p], at dahil sa sobrang na-miss ko siya, bago na ang layout niya at may bago pa siyang post!!!! wohooo!!! yey!!! Ü

~oOo~

oo nga pala, syaks, GRADUATE na ako!!! :) yipeeeeee!!! pagkatapos ng apat na taon kong pag-aaral sa quesci, sa wakas... [weyt, paano ko ito dudugtungan??? hindi na ako marunong mag-update ng blog!!! helppp!!!! o sige.. subukan ko pa...] ayun. siguradong mami-miss ko ang mga manok at palaka dito, mga umuugang silya, mga doodols sa blackboard, mga kyut na teacher [wala na akong mahanap na adjective eh.. hehe.. :p], ayun, at mga kapwa kong abnoy na klasmeyt [ayon sa aking kuya arthur.. ] hahaha... ayun, wala na talaga akong masabi. pero talaga, sa totoo lang, sobrang mami-miss ko ang quesci. sobrang binigay nito ang buhay ko... ayun.. thank you sa iyo quesci. Ü

~oOo~

so ngayon, bakasyon na. at kung hindi ko lang pinagkaka-abalahan ang mga messages namin ni jose miguel para sa avo, siguradong nabulok na ako dito sa bahay. ayun nga,web page siya. hahaha. masaya siyang gawin at interesting kaya natapos ko naman. kaya bukas, pupunta ako sa napakalaki at napakagandang bahay nina jose miguel. wahahaha. ayun, para matapos na iyong webpage na pinaghirapan at pinagpuyatan namin, binuhusan ng dugo at pawis, inilagay ang aming mga matataas na pangarap... [asus.. OA... hehe.. :p] so, yun na yun...

~oOo~

oo nga pala, sa up manila na ako mag-aaral, at bs nursing ang course ko dun. maraming kailangang gawin, yung sa stfap, vaccination, medical, at enrollment. ayun. sobrang marami. tapos yung mga future clashmates ko, baka sina paul, vittzy, hannah, jolly, larz, makoi, meme... ayun. yun lang naalala ko eh. tapos yung iba sa kanila baka mag-ateneo pa. oo nga pala, nakapasa din ako sa ateneo at uste. nursing din yung napasa ko sa uste, tapos sa ateneo, amf [applied math major in finance]. sa up naman, napasa ko rin yung intarmed para sa interview. ayun... wala na yun... hehehe... natakot kasi yung pamilya ko sa intarmed at ateneo eh [parang mumu ba.. :p] kaya hindi nila tinanggap... ayun lang...

~oOo~

so ayun, wala na akong makuwento eh... :p yung iba kong kuwento nasa isang blog, pero hanapin niyo na lang siya kung kaya niyo.. huwahahahahaha... so ayun... goodbye na muna.... :)

No comments: