oh yes. tapos na kaming group D sa NICU!!! yey. ang CI namin dun ay si Ma'am at napakabait niya. :D sana lahat na lang ng CI ay katulad niya: nagpapatulog ng estudyante. :)
hehehe. ayun, ok lang naman sa NICU. feel ko benign na siya compared sa ibang wards [and their respectives CIs. hehehe. :D] kaya OA lang ako sa pagbubunyi kong ito. pero ayun nga, sana ma-maintain ko yung tinuro sa min ni ma'am tejero: matulog. dahil ito ay importante para sa amin at sa aming mga pasyente.
matagal na naman naming alam yun, pero ako, ngayon lang akong na-pressure na isabuhay yun kasi sinabi niya. ahaha. not enough sleep, no duty. hehehe. panalo talaga. :D
well, bukod dun. masaya sa NICU. lalo na pag kapiling mo ang mga babies. ang ku-kyut nila. ^__^ yun nga lang eh may mga sakit sila. at kaya kami andun ay para tumulong sa pag-aalaga nila. :D at feel ko ok naman ang pag-aalaga namin kasi feel namin lahat ay bumuti naman ang kalagayan nila mula nung first day namin sa kanila. at yung akin nga eh napunta sa NICU 2 nung last day ko na. :D [sa NICU 3 kasi kami nag-duty. sa NICU 2, dun inililipat yung mas hinding malalang case. :) ] kaya ayun.
ngayon, ang susunod namin ay... ward 2 kay ma'am manahan. wahaha. sana ay maging maganda ang performance ko run. sa kanya pa naman yung PE namin. hehe. kaya ngayon ay nakikipag-close ako kay Bates para ipamana niya sa akin ang kanyang kaalaman. :D
o siya. may date pa kami ni Bates. ahaha.
ja!
P.S. may goal na pala ako sa buhay ngayon. at ito ay ang...
maka-ngiti ako ng ganito pagkatapos ng sem. :p ahehehe. short term lang muna, para hindi pressure tuparin. yey! :D[ang pic ay mula sa The Melancholy of Haruhi Suzumiya, episode 9. ^___^ ]
No comments:
Post a Comment