Thursday, May 11, 2006

flexi trip

ayaw ko talagang mabulok ang blog na ito kaya habang may pagkakataon pa akong lagyan ito ng kung anu-anong bagay ay gagawin ko na... habang hindi pa ako fourth year... habang wala pang UPCAT... habang may internet card pa ako...

ikukuwento ko muna sa inyo ang nangyari kahapon, may 11, 2oo6. kung hindi niyo man nalalaman, kahapon ay ang enrollment ng mga magiging 4th years... seniors... matatanda... gurang... at kasama ako doon. 8:30 am na ako nakarating sa eskuwelahan dahil yun ang kagustuhan ng aking pinakamamahal na inay. pagkarating ko roon ay tila isa akong kaluluwang nawawala sa gitna ng kaguluhan. ang unang taong nakilala ko nga pala roon ay ang aking dating katabi sa silya na si renan [sana katabi ulit kita ngayong taon... para maraming pagkain :) ]. at ako ay nagtiyagang pumila at maghintay upang makapag-enroll. ayaw ko nang pahabain pa ito.

ako ay natutuwa, dahil may bago kaming mga kaklase sa avogadro IV. si albornoz ang isa doon, ang iba ay hindi ko na kilala. [lagot ka sa amin... hehehe... joke.] ngunit ang aking kalungkutan ay mas nangibabaw kaysa sa aking kasiyahan, sapagkat natanggal na ang lima sa aming mga matatalik na kaibigan... ang aming mga kaklase... sina marvi, lou, reuveal, kc, at marjorie. talagang napakalungkot. ngunit kahit ano mang mangyari, kayo ay mananatiling magiging aking mga kaibigan at hindi kayo mawawala dito sa aking puso. [lalo na kayo marvi at lou...]

at syempre, dahil ngayon pa lang ulit nagkita-kita ang flexibles, kailangan naming magsasama. kaya ayun, pagkatapos naming magpa-enroll, kami ay pumuntang cubao. hindi nakapunta sina jervie at reuveal dahil... hindi ko alam. nauna na kami nina macy, steph, at alyssa na pumunta sa aming destinasyon. at sa pangalawang pagkakataon, nakasama ko ulit silang sumakay sa MRT. sina cheoc at amae ay sumunod na lamang dahil... mahabang storya. tingnan nyo na lang sa blog ni macy. kaya ayun, naglagalag at nagkalat ang flexi sa cubao.

dahilan sa tinatamad na akong mag-type, ikukuwento ko na lang ang pinaka-paboritong parte ng aming paglalagalag. at iyon ay ang pagsakay namin sa viking. nung una ay kami lamang nina steph at amae ang sumakay doon. ngunit dahil sa napakahabang dahilan, sa pangalawang pagkakataon, ako ay sumakay muli sa viking kasama na silang lahat. ang aking naramdaman? masaya na malungkot, masarap na nakakasuka, maganda na nakakahilo... haaay. kaya gustong-gusto kong sumakay roon ay dahilan sa aking pangarap na lumipad. gusto kong mapalapit sa langit at gusto kong hawakan ang mga ulap...

silang karamihan ay isinigaw ang kanilang mga sama ng loob at mga sikreto. hindi ko magawa yun. kumanta na lang ako ng `barney song`. i love you, you love me.... wala lang. pero kung may pagkakataon man akong sumigaw ulit sa viking na iyon, gusto kong sabihin na `sorry, thank you, i love you *tooters*`. yun. wala lang.

hapon na kami nakauwi. dapat ay pupunta dapat kami ng aking pinakamamahal na inay sa doktor, ngunit hindi na iyon natuloy dahil nga hapon na akong nakauwi. at iyon. iyon na ang katapusan ng aking kuwento para sa araw na ito.

2 comments:

roanne d=) said...

waaah.. seniors n tau.. grabe.. enjoy ntin 2.. haha..

sana.. "tell me is it.." na lang.. haha.. juk lng po.. :)

Macy said...

hehe.
sikreto ko lahat, nabulgar. :)

nyahaha. :D
4th years na tayo!!!
waaaaaaaaaaaaaah. :)