Tuesday, June 13, 2006

birthday celebration

Binabati ko ang ating bansa ng isang...
Makabuluhang Araw ng Kalayaan!!!
Sana ay matuto tayong mga Pilipino na pahalagahan ang ating pagka-Pilipino...
~oOo~
Ikukuwento ko na lamang ang nangyari sa aking buhay kahapon. At eto na siya... excited na ba kayo? Ako excited na!!!

Dahil sa hindi maaaring pumunta sina Amae at Steph sa aming bahay noong ika-sampu ng Hunyo, naisipan na lamang namin na ituloy ang aming lakad kahapon dahil sa wala rin namang pasok. Para saan ang lakad namin? Kaarawan ko kasi eh... hihihi...

Magkikita-kita dapat kami sa mcdo carpark ng 10:00 am. Kaya lang, 11:00 am na kami umalis kasi late si Cheoc [tsk tsk tsk...]. Dumating daw kasi ang kanyang lola at mga pinsan. Kaya ayun, 11:00 na nga kami umalis dyan sa north. Ang aking mga kasama ay sina Jervie, Macy, Alyssa, at Cheoc. Sumakay na kaming MRT [pangatlong beses na ah...] papunta sa Ortigas. Ang aming destinasyon ay sa SM Megamall. Wala lang, para malayo. Nakakasawa na kasi sa North eh.

Sa SM Megamall, kumain muna kami sa foodcourt doon [paboritong place... kahit sang sm.] Tapos, nanood na kaming The Omen, o ayon dun sa nakasulat sa SM, Omen 666. Maganda naman siya. Para sa akin, hindi siya nakakatakot, nakakagulat lang. Pero kayo, subukan niyong manood, baka makita niyo sina Dumbledore and Lupin. Parang pinagsama-sama ata siyang Harry Potter, The Da Vinci Code, at meron pang iba, nalimutan ko lang. Basta manood kayo kung may pera kayo. 121 php sa megamall...

Tapos, pumunta naman kami dun sa may baba ng megamall [ayaw din naman naming maglibot ano?]. Naglaro sila ng Dance Maniax. Basta may mahabang storya dun. Tapos nagpa-pic na naman kami, yung lalagyan mo pa ng design, borders, etc. Nung na-print na, medyo nagulat ako kasi sobrang laki niya, hindi siya magkasya sa wallet ko... hihihi...

Pagkatapos naming pagsawaan ang megamall, dumiretso na kaming cubao, sa fiesta carnival. Dun naming sasalubungin si Amae. At nung nandun na kami, sinamahan ko muna si cheoc na humanap ng ATM. Medyo naligaw lang kami dun, pero okey lang, may nahanap naman kami, sa Tuazon street yun eh... tapos yun na... basta... hahaha...

Ang saya dun sa fiesta carnival. Una, nag-roller coaster muna kami. Ang saya! Dapat kasi dalawang ikot lang yun, eh kaya lang birthday ko, kaya pinagbigyan kami ni kuya ng isa pa. Salamat kuya!!! Tapos hindi na nakuntento, nag-viking pa kami nina Amae at Alyssa. Wahahaha!!! Ang saya saya talaga!!! At pagkatapos nun... umuwi na kami...

Salamat nga pala dun sa mga regalo niyo! Hindi ko inaasahang may mag-reregalo sa kin... [drama mo!] salamat talaga...

Sana maulit pa ito. Pagkatapos ng UPCAT, para sa selebrasyon ng birthday nina Amae, Cheoc, at Jervie. Sana maulit pa ito flexiii!!!

Saturday, June 10, 2006

ika-15 kaarawan!!!

Nais kong iparating ang aking pagbati kay...
Jane Rose Lim!!!
Wahahaha!!! Ang kulit ko!!!
Happy Birthday sa aking sarili!
~oOo~
Ngayon ay ika-sampu ng Hunyo taong dalawang libo at anim. At ngayon ay ang anibersaryo ng aking kapanangakan. Ang saya saya naman. Ako ay nagtagal ng 15 taon sa mundong ibabaw. At sana nga ay matagal pa akong mamamalagi dito. Ako ay nagpapasalamat sa diyos, sa aking pamilya, mga kaibigan, ang mga importanteng tao sa buhay ko na siyang dahilan kung bakit ako ay naririto pa rin hanggang ngayon, humihinga at buhay.

Nagsimba lang kami kanina sa simbahan ng Sto. Domingo. Dun talaga kami nagsisimba tuwing kaarawan ko. Mula pa sa king pgkabata. Kasama ko yung nanay ko at pinsan ko. Wala lang, sinabi ko lang... hahaha...

May sasabihin lang ako sa`yo blog. Naasar ako kahapon sa ibang mga tao na... ewan. Pagpasensiyahan niyo na lang ako, mababaw lang talaga si jane. Patawad dun sa isang taong napalo ko kahapon, itago na lang natin siya sa pangalang renan. Ikaw kasi unang nakita ko kaya ikaw napalo ko. Hindi naman yun masakit eh... pero sorry. Saka salamat dun sa isang tao na nagpasaya sa akin kagabi. Salamat talaga...

At bago ko malimutan, salamat sa lahat ng mga bumati sa akin at sa mga gustong bumati na hindi ako makausap [walang load, walang telepono, hindi makapag-internet]. Salamat sa inyo!!! Pinasaya niyo ako sa araw na ito...

Regalo ko ah... Joke lang!!! Sige comment/post na lang kayo para mas lalo niyo pa akong mapasaya!!!

Thursday, June 08, 2006

sa fourth floor

Nais kong iparating ang aking pagbati kay...
Kanlouise Nielsen Tejada
Belated Happy Birthday!!!
[June 7, 2006]
~oOo~
Grabeh... fourth year na nga ako. Parang hindi ako makapaniwala . parang dati lang nagbubungkal pa lang ako sa madamong lupa ng Esteban Abada kasama ang iba kong kaklase [para may ma-trap na estudyante, tapos mahuhulog dun... bad.] tapos ngayon, papatapos na ako ng hayskul parang ang tanda ko na!!! Siyaks!!! Haaay... wala na akong ibang masulat, masyadong akong nabigla sa mga pangyayari... fourth year na ko... fourth year na ko... fourth year na ko... fourth year na ko... fourth year na ko...

Magbibigay na lang ako ng reaksiyon tungkol dun sa aming klasrum na nasa pinakataas ng mathay. Fourth floor. Ganito kasi ang napansin ko. Kapag umaakyat ako sa mga hagdanan ng mathay, ako ay hinihingal at napapagod. Medyo magha-hang muna ako ng sandali pagdating sa room at hindi kikilos. Kapag bababa naman, parang ang tagal bago ako makaabot sa baba. Grabe.

Tapos, kapag kakain ka, kailangan dadalhin mo na lang sa taas yung pagkain mo. Kasi kung doon ka sa canteen kakain, pag-akyat mo sa taas, ubos na kaagad ang kinain mo. Gutom ka na naman dahil sa kaa-akyat. Kung gusto mong uminom, magbaon ka na lang ng tubig, huwag mo nang balakin na asahan ang canteen para sa iyong tubig.

Kung gusto mo naming pumayat, maganda kung doon ang room mo sa fourth floor. Exercise talaga. As in EXERCISE. Papayat ka talaga. Ngayon ko lang naintindihan kun bakit karamihan ng mga fourth years ay mga payat... saka maganda din naman dun kung gusto mo ng sariwang hangin. Talagang MAHANGIN. Tatangayin ang palda mo [kung babae ka]. Haaay...

Yun na lang muna... may mga gawaing-bahay pa ako na dapat gawin…

Monday, June 05, 2006

first day

`Every job is a self-portrait of those who did it...`
Dr. Romulo B. Rocena

~oOo~
huwaw... first day of classes kanina!!! nyahahaha!!! nakakita na naman ako ng maraming checkered na asul na palda at mga bowtie. haaaay... nakaka-miss rin pala ang quesci kahit na puro pahirap ang binigay sa `kin nito [siyempre may mga masasayang sandali rin naman :) ].

ayun. medyo nabaliw lang ako kanina kasi nakita ko na naman ang mga mukha ng mga kaklase ko. nyahahaha. tawanan kami ng tawanan. medyo late ako sa flag ceremony kanina dahil sa isang mahabang kuwento na tinatamad na akong i-type. kaya... pagdating ko sa aking eskuwelahang mahal, hinanap ko kaagad ang flexi at pumila. natutuwa rin pala ako kasi may bago na kaming punong-guro! si Mr. Romulo Rocena. may quote nga pala siya na andun sa taas. siya ay isang idealistic na tao, at sana ang kanyang mga ideals ay magka-totoo.

may journalism pa rin kami kanina. yun lang ata ang subject ko kanina. kailangan daw magpasa kami ng articles sa wednesday kasi kailangan na ang first issue ng aming dyaryo [yehey! may first issue ulit!] ayun. medyo matagal din yung `klase` namin.

tapos bumalik na kami sa room. sa 4th floor. ang taas grabe. hiningal talaga ako. pero okey lang, 4th year na ko eh. 4th year = 4th floor. :) sa room, naglaro lang kami nung killer, celebrity, saka 7 up. kasama sina alyssa, amae, steph, at macy. tapos, bumaba na naman kami kasi may orientation sa conference hall. nakaka-antok yung orientation. ang sarap matulog. hahaha.

ayun. kailangan kaming magpakasaya sa mga unang araw kasi siguradong mawawala na yun sa susunod na linggo. balita ko masisipag ang mga titsers namin. okey lang. mas mabuti yun...