Sunday, September 06, 2009

4 and 93/100 down! :D

well, kaya may butal yan, dahil.. hindi pa ako tapos sa community. ahaha! kulang pa sa evaluation part. :p at dahil umalis nga si prof dones upang pumunta sa ibang bansa, mukhang hindi namin kagad malalaman kung pumasa nga kami o hindi. ohwell. bahala na si superbatman. sana ay makapasa kaming lahat. ^__^

ayun. bale ang duty namin ngayon ay community, sa pateros. kailangan naming mag-handle ng isang family na ang isang member ng pamilya ay may sakit na under sa napag-aralan na namin [oxygenation, fluid and electrolyte imbalance, reproduction, sexuality, hi-risk neonate]. at ang pinaka-basic/recommended na maaaring i-handle ay yung family na may hypertensive member at yung may TB. ohyes. at masuwerte naman ako na iyon nga ang mga nakuha ko. hehehe. ayun nga lang stroke patient yung sa hypertensive patient ko. pero keri lang. hehe.

ayun. mahaba kasi ang istorya ng aming kasiyahan at kalungkutan sa maricaban. pero sige, ikukuwento ko. hahaha. wala lang. for fun. :p

day 0 [sunday]: hindi pa namin duty, pero dahil excited ako, o ang mas tamang term eh kinakabahan, naghanap na ako ng patients ko. haha. nakakita ako ng posibleng hypertensive, asthma, at post kidney transplant patients. ngunit, lahat sila ay problema sa skedule at hidni ko mami-meet tuwing weekdays. siyempre hassle yun. kaya ayun, wala ring nangyari sa huli. haha. pero at least, nagkaroon ako ng momentum sa paghahanap. ;)

day 1 [monday]: salamat kay lors at nakahanap ako ng aking family na may hypertensive patient. ayun, dalawa lang silang oldies sa kanilang bahay, at masaya kasi pinapakain nila ako. hehe. siyempre masama namang tumanggi diba? hindi naman ako nagpapakita ng motibo para alukin/bigyan ako ng food eh. kaya yun. pero dahil sa sobrang daldal nila, IDB at onting NHH lang ang natapos ko. =___=

day 2 [tuesday]: itinuloy ko ang aking assessment sa aking HPN family. at nung magtatanghali na, pumunta kami sa Masikap Health Center para makakuha ng cases ng TB pxs. huwaw. they are like so rare. :)) nakuha na yung iba ng aming mga klasmeyt, at yung iba eh busy sa kanilang trabaho. >.< naka-interview naman ako, kaya lang yun nga, busy sa trabaho, so medyo alanganin... so nung hapon, naghanap ulit ako ng isa pang px, na sa pagkakataong ito ay isang hi-risk pregnancy. naging hi-risk siya kasi less than 18 yrs old lang siya pero...

day 3 [wednesday]: ...hindi pde yung hi-risk pregnancy. dahil yung age lang ang ikina-hi-risk niya. ang loser naman nun diba? saka 9 months na yung baby niya, so wala na akong masyadong magagawa para dun. ayaw ko namang magpa-anak ulit sa community diba? =___= yung sa TB eh, mukhang hindi rin pde, kasi nga magkokonflict ang mga sked namin. so ayun, kamusta naman at wala pa akong 2nd patient, at kinabukasan na ang pasahan ng aming papers. take note: FINAL PAPER!!! watda. kamusta naman yun. @-) so ayun, sinugod namin ang Masikap [kami ni nikki, kasi nga kami na lang ang wala pang 2nd px nung mga panahong yun]. at ayun, meron naman, pero nasa kabilang ibayo pa siya ng pateros, sa may border ng pateros at taguig. pero keri lang, para sa ikapapasa!!! wahaha. so ayun, buti na lang at mabait at masaya naman ang pamilya na napunta sa akin.. pero yung kay nikki...

day 4 [thursday]: ...hindi maganda. dahil ayaw nung tatay na magpainterview o kahit magpa-rinig man lang ng breath sound. at eto pa, pinagsabihan/pinagalitan kami sa may daanan, kung saan maraming tao ang tumatambay. >.< nakakaiyak talaga yun, ohwell, nakakaiyak nga kaya nag-iyakan kami ni nikki sa may tricyle, dahil 1. napahiya kami sa may daanan, at 2. paano na ang 2nd family ni nikki??? ayun, buti na lang at medyo nagkaroon ng paraan, kaya medyo umayos naman. at oo nga pala, ngayon ang pasahan ng FINAL PAPER for BOTH FAMILIES. hehe. parteeey. :)) kaya ayun, naki-stay ako sa dorm ni nikki upang gumawa ng papeles, super overdrive yun. grabe. sana hindi na ulit maulit yun sa buong buhay ko. pero mukhang mangyayari pa rin yun habang nasa nuring ako. ahaha. :p

day 5 [friday]: walang duty, dahil 4 days lang dapat ang duty. kaya ayun, inayos ko lang ang mga papeles ko kahit alam kong hindi na siya ipapa-pass ulit. ahehe. :p

day 6 [saturday]: siyempre, nakakahiya naman sa mgaa grupmates ko sa 119, so ayun pumunta ako ng pateros para sa 119. pero nag half day ako para maassess yung iba pang family member nung sa TB px ko. ayun lang. hehe. :p

day 7 [tuesday]: hindi na ko pumunta nung sunday at monday, dahil ubos na ang physical, mental, emotional, at kahit anu pang types ng energy na meron ako. :)) so ayun, tuesday na naman. home visit ko na to! o diba ang bibbo kid ko, nagpa-home visit ako kagad. hahaha. yung pina-home visit ko kay mam ay yung TB patient ko. :D buti na lang talaga at masayahin at makuwento yung pamilya ko dun, at mukhang naging maganda naman ang kinalabasan, altho may iba akong pagkukulang at pagkakamali, keri lang. hehehe. :D

day 8 [wednesday]: bumalik ako sa TB px ko para ituloy ang aking interventions. yosh! :D

day 9 [thursday]: ako nagsimula na ng aking interventions sa aking HPN. ayun, alam niyo naman, madaldal sila, kaya medyo nagtagal ako dun. hahaha. pero keri lang. :D medyo may hindi laang ako natapos kasi hindi naman talaga katapos-tapos yun nung araw na iyon, at sa monday/tuesday ko pa matatapos yun. :D

day 10 [friday]: achievement exam!!! ohmaygaligawd. medyo mahirap yung test, kasi hindi ako masyado nakapagaral kasi gumawa ako ng progress notes na hindi ko rin naman napasa kasi hindi ko pa tapos yung evaluation ko. ang loser talaga nun. =__= pero ok lang, nag-UBE naman kami pagkatapos! yay! [sori walang picture, wala akong dalang cam eh. >.<] at ito ang pinakagusto kong UBE kasi sa karate kid kami, na sa tingin ko ay ang pinakamura na sa lahat ng pinag-UBE-han namin at ang pinakanabusog ako. :D [unlimited rice + unlimited iced tea banzai!] hahaha. :p at nung hapon eh mas sumaya pa ako. :p

haha. ayun. maaksiyon ang community duty. malungkot minsan. masaya. nakakatawa. nakakaiyak. at mami-miss ko ang pagpapahinga sa mansion ni dean tuazon dun [c/o lors], ang 21 Php na sulit na burger ng buns and burger, ang mahal na tricycle fare lalo na kung mag-isa ka lang sasakay, ang pag-commute papuntang pateros, ang paggamit sa sira kong community shoes [yes. sira na siya. at hindi ko mapalitan kasi wala akong time na bumili. >.<], sa mga pamilya ko na napakasaya, at marami pang iba. pero alam mo yun, napaka-fulfilling pag natapos mo na, lalo na kung ang CI mo eh si mam dones. hehehe. pero ayun nga, hindi pa kami tapos. so hindi pa buo yung sense of fulfillment na ito. :p

~oOo~

HINDI PA TAPOS ANG MEDPAPER KO. at ang masaklap dun, nung friday pa ang pasahan niya. at ang pinakamasaklap pa, may minus 2 sa bawat araw na ma-late, including weekends and holidays. aargh. nakakainis talaga. bakit ba kasi tumapat yun sa community duty namin? at bakit ba kasi naapaka-lupit namn ni sir arnold para hindi kami bigyan ng extension. huhuhu... at ayun nga. inuuna ko paito kaysa gumawa ng medpaper. hehehe. nice. :D at bukas [or rather mamaya] ay pupunta kaming pateros para sa 119 namin. heheh. goodluck na lang sakin. :D

~oOo~

wahahaha. nasa episode 11 na ako ng season 2 ng melancholy of haruhi suzumiya!!! wahaha!!! ok naman siya. pero nakakainis talaga yung episodes 2 to 9 eh. argh. sayang sa airing time [tama ba?] ayun. hehehe. gusto ko sana maglagay ng spoiler kaya lang.. ;))



~oOo~



masaya ako nung friday. at maraming salamat dun sa taong nagpasaya sa akin. hehe. :D
suwerte nga ba talaga ako at saktong sakto na si haruhi ang nakuha natin sa capsule? :p
at malungkot, masaya, at maganda yung UP. at mas magandaa kasi kasama kita nanuod. hehehe. ;))

~oOo~

may ishe-share na lang ulit akong picture. isa na ba itong hobby na magshare ng picture sa dulo ng blog entry? :))