okhei, so busy ako nitong mga nakaraang araw. dahil sa ojt, flexi, at CORREGIDOR!!! wahahahaha!!! yey!!! so kuwento na!!!
una, meron kaming ojt [on the job training] sa synergy, yung nagpapa-scholar sa amin. yeah! at hindi lang siya basta ojt, nasa office kami! sa makati, sa 28th floor ng isang napakataas na building. so, kamusta naman iyon? ayun, nagsimula kami nung miyerkules [april 11]. kuhaan din yun ng card at saka mga pictures kaya parang medyo gusto kong hatiin ang aking katawan. ayun, masaya naman ang aking unang araw kasama ang mga empleyado ng synergy at si cath [catherine joy dela cruz]. nag-puch lang kami ng mga papel at inilagay iyon sa isang filler noong umaga. tapos nun, nag-lunch kami sa jollibee. nung hapon, nag-gupit naman kami ng isang mahabang kraft paper, yung papel na may pagka-manila paper. ginupit namin yun para maging kasing-laki ng manila paper tapos tinupi. mahirap din yun ah!!! kaya yun, sa mga pagkakataong wala kaming magawa, nag-uusap lang kami tungkol sa aming buhay buhay. ahahaha... yun. sa ginawa naming iyon, may 300 php na kami. ang saya talaga. sayang nga kasi wala sa jericho [jericho bustos].
tapos nung uwian na, nag-MRT na ako. so yun. grabeh iyon. nakakatuwa na nakakaiyak. o sige, iku-kuwento ko na ang mga katangahan ko dito. :p
unang una, pumila ako sa maling pilahan. akala ko kasi pilahan ng tiket yung pinilahan ko, yun pala, pilahan na siya papasok sa mismong MRT. grabeh. malay ko ba eh ang haba haba nung pilahan, mas mahaba pa dito sa north edsa. kaya ayun, iniwan ko yung pinagtiyagaan kong pilahan at bumili muna ng tiket, tapos pumila ulit ako dun sa mahabang pila, na ngayon ay na-doble na. kaya ayun. buti na lang nagka-stampede at naka-shortcut ako papasok. :p
tapos dun naman sa may kumpol kumpol na para maka-pasok sa loob ng bus. grabeh yun. dun ako napunta sa kumpol ng mga workers, ahahaha, so ang babango nila at ang tahimik nila, sa kabaligtaran. kaya pagkatapos ng 30 minutes, nagsawa na ako dun kasi hindi man lang ako makalapit sa pintuan ng bus. lumipat naman ako dun sa isang kumpol, mga medyo matitinong lalaki naman ang nandun. at grabeh, medyo naiyak ako sa sinabi nila, meron palang separate na kumpol para sa mga babae... ayun... kaya nagpa-salamat na lang ako sa kanila. pumunta na ako dun sa kumpol ng mga babae, at pagdating ng sunod na bus, naka-pasok na agad ako. ayun. dahil talagang malapit na akong umiyak, nag-text ako kay joe na naiiyak na ako. buti na lang nag-reply agad siya... ahuhuhu.... malaking tulong talaga yun... pagkatapos nun, sumaya na ako... :)
naiiyak ako hindi lang dahil sa mrt experience na iyon. may overnight kasi ang flexi kina joe, kaya ayun, kasi kapag masyado na akong gabi umuwi, baka hindi na ako payagan ng nanay kong sumama sa kanila. pero buti na lang, mahal talaga ako ng flexi, sinamahan nila ako sa aking mrt journey hanggang pauwi. ayun, naramdaman naman ng nanay ko na magiging kontrabida siya kapag hindi niya ako pinayagan, kaya pinayagan niya ako. kaya ayun.. sinundo ako ni dominic dun sa may copytrade [salamat at sorry apala ulit..] , tapos yun, nag-overnoght na kami dun kina joe. madami kaming ginawa eh, hindi ko na iku-kuwento, sa amin na yun. pero siyempre nag-pusoy kami, hindi mawawala yun!!! :p
GER...
sori talaga dun sa sagot ko sa text mo ah. hindi ko na rin na-kuwento sa iyo kasi natapos na unli ko, kaya eto na lang... :)
kinabukasan, pumunta kami ng UPManila para magpa-xray at magpa-check ng stfap. wala lang, shi-nare ko lang hehe.. excited na akong mag-kuwento tungkol sa corregidor eh...
CORREGIDOR!!!
yey!!! so eto na yun!!! thish ish dee dheeiiii!!! meeting place namin sa skul, at medyo na-late pa ako kaya nahiya naman ako sa mga kasama ko.. pero dpat maging masaya sa araw na ito kasi thish ish dee dheeiiii!!! hehehe... pagkatapos nun, pumunta na kami dun sa may daungan ng sasakyan naming mini-barko sa may... hindi ko alam eh.. hehehe...
ayun, na-late pa nga sina jericho and others, pero buti na lang may mrt [helpful siya ngayon!] at naka-habol sila sa amin. kaya, yehey!! kumpleto ang fourth years.. [oo nga pala, treat pala ito sa amin ng nagpapa-scholar sa amin, yung synergy, kaya sobrang saamat sa kanila... :)] tapos nun, sumakay na kami dun sa aming mini-barko. wahaha... medyo inaantok pa nga ako kaya natulog na lang ako dun sa aming mini-barko. ang saya nga kasi hindi ako nahilo at nasuka. wahahaha!!! pagka-gising ko, malapit na kami sa corregidor. siyempre, mukha siyang isla kasi isla naman talaga siya...
nung dumaong na yung aming mini-barko, sumakay naman kami dun sa aming mini-bus. [puro min ah...] natuwa ako dun sa aming mini-bus kasi open siya, kaya kitang kita mo talaga yung labas. as in, bukas siya!!! wahahaha... ayun, at dahil kaka-bigay pa lang sa akin ng grad gift ni kuya arthur na 6600, kuha naman ako ng kuha ng picture. ayun. puntahan na lang ninyo sa multiply ko yung mga picture. so sa pangkalahatan, ang ganda ganda ng corregidor!!! waaaaaaahhh!!! sa susunod na yung detailed description kasi... tinatamad ako.. hehehe... basta, kung mahilig kayo sa nature at history, pumunta kayong corregidor, sobrang ma-appreciate niyo ang dalawang bagay na ito. magsama rin kayo ng maraming kaibigna para masaya!! ayun, na-miss ko ang flexi. pero okey lang. [ei, flecci, wala akong pasalubong kasi ang mahal ng mga bilihin dun. as in, sobra. bumili ako ng bracelet, 80 php. pero okey lang. yun lang naman ang gastos ko sa pagpunta dun eh. :p]
nakasabay rin nga pala namin si mikaela [ <--tama ba spelling?] ng goin bulilit sa aming mini-bus. nagpaiwan daw sila ng kanilang parents pagkatapos ng shooting ng goi bulilit. wahaha. wala lang. sharing lang ulit. so what naman. :p
ayun. pagka-galing dun, bumalik na ulit kami ng manila sa pamamagitan ulit ng aming mini-barko. tapos, kumain kami sa tapa king, sagot ulit ni sir magcale [yung nagpapa-aral sa amin.. :) ] wahaha... ang sarap ng baked spaghetti [ normal na spaghetti pa rin, pero pina-ganda lang yung tawag. pero ang sarap talaga eh.. :D ] tapos nun, umuwi na kami... yey.
ayun. yun yung nangyari sa buhay ko ngayong linggo. wahahahaha. kaya tulog ako ng tulog kanina kasi pagod na pagod na ako. may ojt ulit ko bukas kasama sina jericho at dennis, isang third year. ayun.. so.. babay na ulit.