Wednesday, August 30, 2006

buwan ng Agosto

wow! Sa wakas! Pagkatapos ng mahabang panahon, na-update ko na rin ang blog na ito. Masyadong maraming nangyari ngayong buwan ng Agosto, kaya hindi ko masisiguro na maaalala at maisusulat ang lahat ng iyon dito.


~oOo~
Agosto 3. Miyerkules.
Maligayang Kaarawan
Dominic Uy Cheoc!
haha... wala lang...

~oOo~

Agosto 4. Biyernes.
Ang araw bago ang UPCAT [University of the Philippines College Admission Test]. At dahil unang Biyernes ng araw na ito, nagkaroon ng misa sa covered court ng Quesci. Pagkatapos ng misa, pina-bless ang mga lapis na gagamitin para sa UPCAT. Pagkatapos ng misa, nagkaroon ng mumunting pep talk kung saan nagsalita ang dalawang alumni na nakalimutan ko na ang pangalan. Ayun, medyo natuwa lang ako dun sa advice nila na kumain ng maitim na tsokolate habang kami ay nagte-test. Hahaha...

Pagkatapos nun, pumunta na ang flexi [ako, Macy, Amae, Alyssa, Jervie, Steph, Joe, Dominic] sa Saint Claire, sa Katipunan. At dahil wala nang misa, nagdasal na lang kami sa chapel dun saka sa simbahan at nagpa-bless ng pencil. Napaka-tahimik dun. Parang gusto kong pumunta ulit kaya lang wala na akong kasama.

Sumakay na kami sa LRT papuntang Cubao. Kumain muna kami dun sa Gateway. Tapos umalis na sila Jervie at Dominic. Kaming mga naiwan ay nagpa-picture dun sa kung-ano-mang-tawag-doon, at pagkatapos ay nanood na kami ng Just my Luck. Maganda yung pelikula! Nakakatuwa... eto na nga tatawa na ako oh... hahaha...

Tapos yun, bumili na kami ng maitim na tsokolate kung saan man dun, tapos umuwi na kami.


~oOo~

Agosto 6. Linggo.
Naririto na ang araw ng katotohanan. Ang UPCAT. Pang-umaga kasi ako nito, 6:00am, kaya medyo umiikot-ikot pa ang paningin ko ng makarating ako dun sa testing center ko, sa Law Center, Bocobo Hall. Medyo nalula lang ako kasi andaming tao. Hinanap ko kaagad si Renan kasi kasabay ko siya, kaya lang hindi ko siya nakita. [hahaha, mas nauna ako sa kanya!] sa halip, ang nakita ko ay sa Rose Ann. Wala lang.

Okey lang naman yung test. Medyo minadali ko siya kasi time conscious ako eh. Sabi nila mas madali daw yun kaysa sa test nung nakaraang taon. Pero kahit anu pa man, sana makapasa ako dun.

Yun, naghintay lang naman kasi yung nanay ko dun sa chapel dun, kaya pagkatapos ng test, kumain muna kami sa Wendy`s, bumili kami ng sambo sa Brownies pasalubong sa kuya ko, tapos umuwi na kami.

~oOo~

Agosto 7. Lunes.
Maligayang Kaarawan
Jervie Ann Sta. Maria Nunez!

~oOo~

Agosto 10,11,12. Huwebes, Biyernes, Sabado.
Ang mga araw ng unang markahang pagsusulit. Grabeh. Halos wala na akong maalala sa mga nangyari sa araw na ito. Ako kasi yung taong kinakalimutan yung mga masamang nangyayari sa akin. Kaya yun, ayaw ko nang magkuwento. Bisita na lang kayo sa blog ng iba. Hahaha!

~oOo~

Agosto 16. Miyerkules.
Maligayang Kaarawan
Lariela Dianne Santiago!
~oOo~

Agosto 22. Miyerkules.
Maligayang Kaarawan
Kuya Francis Albert Lim Tuazon!
~oOo~

Agosto 25. Biyernes.
Ang araw na pinaghandaan ng buong Avogadro. Ang araw ng aming pagtatangahal ng aming sabayang pagbigkas. Eto yun oh... [wala lang talaga akong magawa]

~oOo~
Filipino ang Wika ng Maunlad na Bansa
ni Pat Villafuerte


Mahina, banayad, pigil yaong tinig
Pilit tumitighaw ngunit ‘di manaig
Pinid yaong dibdib, gapos ng panlupig
Ay, wala na... wala, tinig ng pag-ibig

Sinisikil ang tuwa, pinipigil ang galak
Kinukuyom ang galit, takot ang ginanyak
Panganib, pangamba, at pagkawakawak
Nakamasid, nakalanta, sa lipunang warak

Mangyari ang dila, ang bibig, ang tinig
Nakatikom, takot, di makasambit
Mangyari ang wika ay di maisatitik
Nauumid, namamaos, nawawala ang tigatig

Ito ba ang wikang mula sa silangan
Minana ng lahing malayo`t mayaman
Pinuhunan ng pawis, luha’t dugong mahal
Ano’t ngayo’y nawawaglit, di maitighaw

Anong wika ba itong sinasambit-sambit
Sa nayon, sa lungsod, sa baying kahapis-hapis
Anong wika ba itong mandi`y nananangis
Gapos tanikalang walang bahid dungis

Wikang Filipino! Pundasyon ng tanan
Ng angkang magigiting, matatatag mararangal
Wikang salalayan, kulturang dalisay
Wikang salaminan ng lipunang may dangal

Ngayo`y unti-unting namumulat, nagigising
Ang wikang kumawala sa tinig kong dumaraing
Malamyos, makinis, malambing, mataginting
Wikang Filipinong larawan ng tanging giting

At sumibol, at umunlad ang wikang ating-atin
Inaruga, pinayabong, pinayamang walang tigil
Dayuhang manunubos... dumating, dumating
Hinalay ang wika kong walang lubay sa pagdaing

Binago ang wika, binawasan, dinagdagan
Sumanib ang kulturang dayung-dayong ang larawan
Wikang Filipino`y nagtataka, umaasam
Ano`t baya`y di kumibo, di naglahad ng dahilan

Dahil ba ang wika`y busabos kung ituring
Tulad ng bayan kong inandukha ng hilahil
Wikang Filipino`y kalian pa magigising
Sa pagkakaidlip, libingan ang kahambing

Dumagsa ang mga aklat, mga paaralang bayan
Talino`y nagtagisan, talsik sa isipan
Batas ng Diyos, batas ng tao`y binigyang katarungan
Wikang Filipino ang tanging pinuhunan

~oOo~

Ayun, maganda naman ang aming pagtatanghal, ngunit hindi ito sapat upang aming makamit ang unang puwesto. Ngunit ito ay sapat na upang pumangalawa kami sa pinakamagaling. Ngunit may ibang taong nagsasabing hindi daw nararapat para sa amin ang aming nakamit. Ang aking masasabi, okey lang yun, bawi na lang kayo sa amin sa susunod... [kung kaya niyo... hahaha! Joke lang po yun. Peace.]

~oOo~

Agosto 28. Lunes.
Ang araw na pinakahihintay naming mga journ. Ang District Press Conference. Wala lang. sakit sa ulo. Pero maganda naman ang kinalabasan.

Yun, yung aking sinalihan ay pagsulat ng lathalian, tapos may special event dun na Science Writing na lathalain. Haaaaay, kaya yun, sakit sa ulo. May nakita rin akong mga kaklase ko nung elementarya dun, sina Jessica Jamilla, Glendy Endraca, at Jessamine... Nakalimutan ko na. sorry...

Medyo mangiyak-ngiyak na ko nung awarding, kasi akala ko wala akong makukuha dun, tapos ang galling galling pa nung mga ka-journmates ko. Buti na lang naka-unli ako sa Globe, ka-text ko si Joe. Wala lang. hahaha. Na-enlighten ako dun sa mga text niya, natanggap ko nang maaga ang akin sanang pagkatalo. Hahaha.

Ayun. Second ako sa lathalain.wahahaha!!! nakakatuwa talaga. I love journ! Tapos overall champion pa ang quesci. Wahahaha!!! Ang galing natin quesci! Sana mas lalo pa nating pagbutihin sa Division.

~oOo~

Agosto 29. Martes.
Maligayang Kaarawan
Maria Anna Mae Fitero Geronimo!
Aylabyu!
~oOo~
yun na lang lahat... hanggang sa susunod na post... :)