Monday, April 07, 2008

first sem summer break

wow!!! new blog entry!!! yipeeeee!!! :D

hindi planado ang blog entry na ito, kaya depende na lang kung anong maisip ko, isusulat ko na. :) [nalagyan ko siya ng mga heading!!! hahaha. :)) ]

ayan, bakasyon na. :D at ngayon lang ako nagkaroon ng oras para makagawa nito. harhar. actually , meron naman, kaya lang mas inuuna kong maglaro ng Diablo II: LOD o kaya manood ng anime. hahahaha.

***DIABLO II: Lord of Destruction

ayun, Diablo II: Lord of Destruction. dati kasi, nung bata pa ako, hindi pa ata ako nag-aral nun or whatever, yung mga kuya ko ang naglalaro nito. ayan, natapos naman nila. at ako ang kanilang avid viewer, hahaha. pero ngayon, in-install ulit ni kuya arthur yung DII, kaya, yipeeeee!!! hooray!!! nakakapaglaro na ako ngayon. :D

[*for DII people, magkaintindihan tayo sa paragraph na ito. :D] at ang pinili kong character ay sorceress, kasi wala lang, parang ang cool. hahaha. at tatlo ang skills na pedeng ma-master ng sorceress: cold, fire, at lightning. at dahil sa pag-iisip ko, dahil mga kampon ng diablo ang aking kakalabin which is from hell which is so manainit, siguro magm-master na lang ako sa cold. :D ayun. level 26 na ang sorceress, at nasa act III pa lang ako. wala lang, ang cool ng character ko, harhar. pero dapat matapos ko na siya bago mag-pasukan kasi sobrang daming oras ko ang kinakain niya, at saka, sobrang creepy na nung story. hahaha. nago-over react lang ako. :p

[NOTE: hindi ko na siya natuloy!!! di bale, isasabay ko siya sa summer class. pang-detox kapag talagang ngarag na ang aking utak!!! :D ]

***ANIME

uhmmm, so yun. ngayong bakasyon, ang napanood ko ay ang... DEATH NOTE!!! huwaaahhh!!! natapos ko siya in two days!!! harhar. :D ang cooooooooollll ni L, kaya lang, kaya lang.. :( [yipeeee, ayoko magbigay ng spoiler!!! L :D ] medyo hindi ko pa rin naintindihan yung logic nung mga huling nangyari kaya siguro papanuorin ko ulit yung huling episode. :D

sinunod ko na yung lucky star, 6 episodes na lang tapos ko na. :D haaaaay. dahil sa sobrang ka-busy-han ko, mukhang hindi ko na masusundan. :(

***STUDIES

tungkol naman pala sa aking pag-aaral, ayun, ok naman siya. :) may isang problema na lang ako ngayon sa aking studies. at iyon ay ang N2!!! lintek na subject yan... ayan, medyo kinakabahan lang talaga ako dun, sana naman hindi ako bumagsak dun. :( [WAIT!!! tinawagan ako ng aming college secretary at pinapapunta ako kay ma'am mejico. T.T may kulang daw akong requirement. haaaaayyy. pinag-iinitan ba niya ako?!? mahabaging langit, wag naman sana. :( ]

ayon, may sapilitan kaming summer class. organic chem. math 1, at PE (sana). haaaaaayyy. ayokong mag-summer class sa totoo lang. okey lang sana kung malapit lang dito sa bahay namin, pero hindi eh. andun siya sa may manila!!!! linteeek. ang init, ang usok, ang toxic... huhuhu. yun. yun lang naman ang ayaw ko kung bakit ayaw ko mag-summer class dun. pero sa kabilang banda, okey na rin yun. kaya nga naging four years lang ang course namin diba. :D

isa ko pang problema. nawawala ang CRS password ko!!! sabi ng isang tao sa aquarium [o yung parang office sa dun sa cn. oo. yun yung tawag dun. :)) ], sa enrollment pa raw ng 2nd year ata ako pwede makakuha ng bagong password. ang tagal nun!!! torture!!! :( di bale, wala na akong magagawa. hihintayin ko na lang. :(

***SUMMER BREAK

tapos, ayun, parang wala akong break ngayong summer break na ito. :)) mga tatlong araw kasi akong pabalik-balik sa pgh para magpabakuna at sa kaloob-looban ng makati para sa scholarship ko. in fairness, NAKAKAPAGOD SIYA. nakaka-lurkeiiiiii. [whattaword. :)) ] ayun. pagkatapos ng 3-day marathon na yun, nagkasakit ako: sipon, ubo, trangkaso, headache, at stomachache [dahil sa kakaubo, sumakit na tiyan ko]. hanggang ngayon. harhar. siguro dahil na rin yun sa pagod [marathon], puyat [kakanood ng anime], pag-iisip [BUDGET ko!!! san kita kukuhain!!! wala akong allowance!!! :( ] at sa mga live but weakened hep A virus na binakuna sakin. :))

nakapagsaya rin naman ako. :D una, naglakwatsa kami ng ibang flecci sa trinoma. yun. pangalawa, "surprise" overnight with some flecci. hahaha. dapat surprise birthday greeting lang yun eh. ahahaha. :D ayun. salamat mga F at napasaya niyo kahit papano ang aking bakasyon. :)

***SCHOLARSHIP

nabanggit ko na rin naman yung scholarship, ikukuwento ko na rin... kasi ung sa scholarship namin, nire-require nila makakuha kami ng 90% na grade sa aming mga subjects. at sa grading system ng UP, halos katumbas na yun sa UNO. eniweiz, hindi naman ako ganun ka-nerd at gc para makamit yun. gusto ko pa rin namang ma-enjoy aking buhay kolehiyo kahit sa simpleng pa-petiks petiks lang. isa pa, ang pinakakilala ko lang na nakakuha ng average na uno sa sa UP ay si Fudolig, at siguro yung iba pa niyang ka-level. at masakit mang aminin, HINDI KO SIYA KA-LEVEL. hindi ako katulad ng ibang mga henyo diyan na kahit hindi mag-aral eh nakakapasa o mataas ang nakukuha na grade. pinaghihirapan ko ang mga grades ko, at kung ano mang nakukuha ko ngayon e siguro e yun lang talaga ang kaya kung kunin.

ohwell. kung talagang pipilitin nila yung UNO policy na yun sa 'min, sigurado namang walang makaka-retain ng scholarship sa amin eh. parang gusto na talaga nilang kaming alisin dun. ang sa akin lang naman, kung hindi na talaga nila kayang magpa-aral ng mga college students, sabihin na lang nila sa amin ng maayos, hindi yung dadaanin nila sa pagpapagawa sa amin ng bagay na hindi namin kaya, para namang nakaka-insulto sila eh.

haaaaayyy. sa kabilang banda, nagpapasalamat ako sa kanila dahil sa lahat ng tuloy na nabigay nila sa akin hanggang ngayon. really. :D lalong lalo na sa free food at free school supplies sa canteen dti sa quesci. :)) kaya nga kung balak naman talaga na nila kaming bitawan, siguro eh ok lang. at kahit na i-retain nila yung scholarship namin o hindi, maghahanap pa rin ako ng ibang scholarship. harhar. :p

[anyways, i'm looking forward to the subic overnight fieldtrip that they are planning for us in May. i hope that it would be fun, although it may be the last one...]

***HOME

arrrggggh. [oo nga pala, first time ko ata magkuwento tungkol sa bahay namin. :)) ] ayun. masaya naman ang pamilya namin. :) wala na ang tatay ko eh. yung kuya kong panganay, kakauwi pa lang mula sa kanyang pagbabarko, yung pangalawa kong kuya, tumataba dahil sa kakaupo sa harap ng computer, yung nanay ko e kumukulit, siguro e dala ng katandaan. dito naman sa bahay namin eh kasama namin ang isa kong auntie at tatlo kong uncle. ayun, ikakasal na yun isa. ewan ko ba kung mag-iistay kami dito o lilipat kaming bahay pagkatapos niyang magpakasal. pero kung sakaling lilipat kami, sana naman e mapalapit kami sa school ko kahit onti lang. :p

ayun. masaya sa bahay. kaya nga ayaw ko mag-dorm eh. :p nakakapagcomputer ako at nakakanood ng TV. kahit wala akong sariling kuwarto e okey lang, at least nakakapag-aral pa naman ako ng maayos kahit na minsan e ang iingay ng mga matatanda dito. harharhar. sila naman ang nagpapakain at gumagastos sa akin kaya wala akong karapatang magreklamo [parang may bitterness dun ah. hahahaha. :)) ] ayun, isa pa, mas malamig naman dito kaysa sa manila [labo]. :))

***OTHERS

ohwell. sa mga araw ngayon, parang iritable, masungit, mataray, madaling mainis, magtampo, maghinanakit, at chorvang iba pa. wala lang. siguro dahil sa panahon? o sa pagpupuyat? sa insomnia? haaaaaaaayyyyy. ewan. sobrang nalulungkot at nade-dedepress ako ngayon. whatever. pinipigilan ko naman siya kaya wag kaung mag-alala. shinare ko lang siya dito kasi wala lang. malay mo mabawasan. wala namang masyadong maraming babasa at papansin nito eh. hehehe. :p

wala lang. sori sa mahabang post. multiply ko naman to eh. hehehe. wala na akong makuwentuhan masyado ngayon eh. haaaaaaaaaaayyy. :( parang ang pangit pangit [tama ba yung term?!?] ng communication skills ko. :( parang feel ko pag magsasalita ako walang makikinig. hindi ako nagO-OA. at nung tinype ko ung mga phrases na un e parang ang sakit, pede na akong paiyakin.

hahaha. wala lang. mumble mumble mumble....