Monday, October 30, 2006

sembreak addiction

until the brilliant blue sea
dries up completely

~oOo~

okei...
sa wakas, makakapag-update na rin ako nitong blog ko...
wahahaha...
ang saya saya ...

~oOo~

nobody knows who i really am
i never felt this empty before
and if i ever need someone to come along
who`s gonna comfort me and keep me strong?

~oOo~

huwaw... wala lang... ending song ng bleach. na-adik na rin ako dahil kay april rose ranollo llorente. pinahiram kasi niya ako ng episodes 1 to 20 ng bleach, tapos... bitin!!! huwaaaahhh!!! april... tsk tsk tsk... wala lang... sana meron siyang kasunod nun... nakaka-adik talaga...

at hindi lang ako sa bleach na-adik. nagbalik ang dating addiksiyon ko sa naruto!!! waaaah!!! nakaka-adik talaga... wahahaha. ang saya saya talaga. wala lang share ko lang...

~oOo~

nitong mga nakaraan, dapat ay sembreak namin. kaya lang hindi ko yun maramdaman. bakit? dahil sa journ!! waaaahhh!!! wala lang... sana kapag naipamigay na yung mga diyaryo na pinaghirapan, sana wala kaming makitang tinatapak-tapakan sa daan... ang sakit eh...

tapos may contest si amae nung friday... hindi kami pumunta ni alyssa dahil... sikwet!!! hindi lang yun dahil sa sobrang aga o kaya namin dahil sa sobrang layo... may mas malalim pang dahilan. haaay... pero sikwet na yun... hindi ko pa alam kung anong nangyari eh, kaya sa susunod ko na lang ipo-post...

~oOo~

ay oo nga pala. tapos na ung pangalawang periodic test namin. wala lang. okey lang yun kahit hindi ko makamit yung pangarap ko na 100 perceny. okey na siguro sa akin kahit 99 o 98 percent lang... yun lang kasi yung kaya ko eh.. :)

tapos na rin pala ung dalawang araw na court scene ng crime and punishment. wala lang. sabi ni maam maganda naman raw. wahahahaha. oo maganda yun basta avo ang nag-perform... waaaaahhhh!!!! wala lang. landlady lang naman ako dun eh [pashenka]. tapos si raskolnikov namin si paul daniel rivera bibat. yun. ayoko na maglagay ng masyadong maraming details, atatamad na ko mag-type eh...

~oOo~

o sige mga katoto, yun na lang muna ang sasabihin ko ngayon. antok na kayo... gudnyt world... :D

Monday, September 11, 2006

september eleven memories~

oh wow...
its September 11, 2006 today!

~oOo~
Happy Birthday
Sir Ian Mark Allas!!

:)
~oOo~

naaalala ko tuloy yung nangyari sa araw na ito last year...

una, kasi nga birthday ni sir ian, nagkunwari kami na may away sa room. ayun. para kunwari magalit siya. tapos, nang kunwari nag-iiyakan na kaming lahat at gulong-gulo na ang lahat, saka namin siya binati ng happy birthday. ang saya naman nun... :)

pangalawa, araw kasi ng report namin nito sa mapeh. si kuya francis na ka-group ko, inassign sa akin yung medyo mahaba at mahirap na part ng report o skit namin. maiiyak na ko sa sobrang asar sa kanya. grabeh... ewan ko kung anong nangyari sa akin dito. talagang ayaw ko lang nung topic na ire-report [male reproductive system kasi...]. kaya yun. badtrip na badtrip ako sa araw na ito.

pangatlo, basta may iba pang nangyari. ewan ko. nagbago ang buhay ko sa araw na ito. kaya hinding hindi ko ito malilimutan... hanggang ngayon ay apektadong apektado pa rin ako ng nalaman ko ng araw na ito. tsk tsk tsk...

pang-apat, anniversary ng world trade center bombing. wala lang.

yun lang naman ang mga nangyari last year sa araw na ito. at siguro nga ay hindi ko na iyon malilimutan...

~oOo~

ayan... so balik na tayo sa araw na ito. grabeh. napurga ako sa mga test. as in. tsk tsk tsk. pero ayaw ko nang isa-isahin yun. magbabasa pa ako ng le may at ng crime and punishment. gusto ko lang talagang mag-post dito sa araw ng september 11.

bukod pa dun, may isa pang nangyari. pero hindi ko na yun ilalagay dito. kahit wala namang nagbabasa nito, ayaw ko pa rin ilagay. hindi ko alam kung anong gagawin ko.

`help me some extemporal god of rhyme, for i shall turn to sonnets...` - love' labours lost, william shakespeare. wala lang... :)

yun na lang muna. magpapaka-gc muna si jane. pero mukhang hindi niya magagwa yun hangga`t maraming bumabagabag sa kanyang isipan...

Wednesday, August 30, 2006

buwan ng Agosto

wow! Sa wakas! Pagkatapos ng mahabang panahon, na-update ko na rin ang blog na ito. Masyadong maraming nangyari ngayong buwan ng Agosto, kaya hindi ko masisiguro na maaalala at maisusulat ang lahat ng iyon dito.


~oOo~
Agosto 3. Miyerkules.
Maligayang Kaarawan
Dominic Uy Cheoc!
haha... wala lang...

~oOo~

Agosto 4. Biyernes.
Ang araw bago ang UPCAT [University of the Philippines College Admission Test]. At dahil unang Biyernes ng araw na ito, nagkaroon ng misa sa covered court ng Quesci. Pagkatapos ng misa, pina-bless ang mga lapis na gagamitin para sa UPCAT. Pagkatapos ng misa, nagkaroon ng mumunting pep talk kung saan nagsalita ang dalawang alumni na nakalimutan ko na ang pangalan. Ayun, medyo natuwa lang ako dun sa advice nila na kumain ng maitim na tsokolate habang kami ay nagte-test. Hahaha...

Pagkatapos nun, pumunta na ang flexi [ako, Macy, Amae, Alyssa, Jervie, Steph, Joe, Dominic] sa Saint Claire, sa Katipunan. At dahil wala nang misa, nagdasal na lang kami sa chapel dun saka sa simbahan at nagpa-bless ng pencil. Napaka-tahimik dun. Parang gusto kong pumunta ulit kaya lang wala na akong kasama.

Sumakay na kami sa LRT papuntang Cubao. Kumain muna kami dun sa Gateway. Tapos umalis na sila Jervie at Dominic. Kaming mga naiwan ay nagpa-picture dun sa kung-ano-mang-tawag-doon, at pagkatapos ay nanood na kami ng Just my Luck. Maganda yung pelikula! Nakakatuwa... eto na nga tatawa na ako oh... hahaha...

Tapos yun, bumili na kami ng maitim na tsokolate kung saan man dun, tapos umuwi na kami.


~oOo~

Agosto 6. Linggo.
Naririto na ang araw ng katotohanan. Ang UPCAT. Pang-umaga kasi ako nito, 6:00am, kaya medyo umiikot-ikot pa ang paningin ko ng makarating ako dun sa testing center ko, sa Law Center, Bocobo Hall. Medyo nalula lang ako kasi andaming tao. Hinanap ko kaagad si Renan kasi kasabay ko siya, kaya lang hindi ko siya nakita. [hahaha, mas nauna ako sa kanya!] sa halip, ang nakita ko ay sa Rose Ann. Wala lang.

Okey lang naman yung test. Medyo minadali ko siya kasi time conscious ako eh. Sabi nila mas madali daw yun kaysa sa test nung nakaraang taon. Pero kahit anu pa man, sana makapasa ako dun.

Yun, naghintay lang naman kasi yung nanay ko dun sa chapel dun, kaya pagkatapos ng test, kumain muna kami sa Wendy`s, bumili kami ng sambo sa Brownies pasalubong sa kuya ko, tapos umuwi na kami.

~oOo~

Agosto 7. Lunes.
Maligayang Kaarawan
Jervie Ann Sta. Maria Nunez!

~oOo~

Agosto 10,11,12. Huwebes, Biyernes, Sabado.
Ang mga araw ng unang markahang pagsusulit. Grabeh. Halos wala na akong maalala sa mga nangyari sa araw na ito. Ako kasi yung taong kinakalimutan yung mga masamang nangyayari sa akin. Kaya yun, ayaw ko nang magkuwento. Bisita na lang kayo sa blog ng iba. Hahaha!

~oOo~

Agosto 16. Miyerkules.
Maligayang Kaarawan
Lariela Dianne Santiago!
~oOo~

Agosto 22. Miyerkules.
Maligayang Kaarawan
Kuya Francis Albert Lim Tuazon!
~oOo~

Agosto 25. Biyernes.
Ang araw na pinaghandaan ng buong Avogadro. Ang araw ng aming pagtatangahal ng aming sabayang pagbigkas. Eto yun oh... [wala lang talaga akong magawa]

~oOo~
Filipino ang Wika ng Maunlad na Bansa
ni Pat Villafuerte


Mahina, banayad, pigil yaong tinig
Pilit tumitighaw ngunit ‘di manaig
Pinid yaong dibdib, gapos ng panlupig
Ay, wala na... wala, tinig ng pag-ibig

Sinisikil ang tuwa, pinipigil ang galak
Kinukuyom ang galit, takot ang ginanyak
Panganib, pangamba, at pagkawakawak
Nakamasid, nakalanta, sa lipunang warak

Mangyari ang dila, ang bibig, ang tinig
Nakatikom, takot, di makasambit
Mangyari ang wika ay di maisatitik
Nauumid, namamaos, nawawala ang tigatig

Ito ba ang wikang mula sa silangan
Minana ng lahing malayo`t mayaman
Pinuhunan ng pawis, luha’t dugong mahal
Ano’t ngayo’y nawawaglit, di maitighaw

Anong wika ba itong sinasambit-sambit
Sa nayon, sa lungsod, sa baying kahapis-hapis
Anong wika ba itong mandi`y nananangis
Gapos tanikalang walang bahid dungis

Wikang Filipino! Pundasyon ng tanan
Ng angkang magigiting, matatatag mararangal
Wikang salalayan, kulturang dalisay
Wikang salaminan ng lipunang may dangal

Ngayo`y unti-unting namumulat, nagigising
Ang wikang kumawala sa tinig kong dumaraing
Malamyos, makinis, malambing, mataginting
Wikang Filipinong larawan ng tanging giting

At sumibol, at umunlad ang wikang ating-atin
Inaruga, pinayabong, pinayamang walang tigil
Dayuhang manunubos... dumating, dumating
Hinalay ang wika kong walang lubay sa pagdaing

Binago ang wika, binawasan, dinagdagan
Sumanib ang kulturang dayung-dayong ang larawan
Wikang Filipino`y nagtataka, umaasam
Ano`t baya`y di kumibo, di naglahad ng dahilan

Dahil ba ang wika`y busabos kung ituring
Tulad ng bayan kong inandukha ng hilahil
Wikang Filipino`y kalian pa magigising
Sa pagkakaidlip, libingan ang kahambing

Dumagsa ang mga aklat, mga paaralang bayan
Talino`y nagtagisan, talsik sa isipan
Batas ng Diyos, batas ng tao`y binigyang katarungan
Wikang Filipino ang tanging pinuhunan

~oOo~

Ayun, maganda naman ang aming pagtatanghal, ngunit hindi ito sapat upang aming makamit ang unang puwesto. Ngunit ito ay sapat na upang pumangalawa kami sa pinakamagaling. Ngunit may ibang taong nagsasabing hindi daw nararapat para sa amin ang aming nakamit. Ang aking masasabi, okey lang yun, bawi na lang kayo sa amin sa susunod... [kung kaya niyo... hahaha! Joke lang po yun. Peace.]

~oOo~

Agosto 28. Lunes.
Ang araw na pinakahihintay naming mga journ. Ang District Press Conference. Wala lang. sakit sa ulo. Pero maganda naman ang kinalabasan.

Yun, yung aking sinalihan ay pagsulat ng lathalian, tapos may special event dun na Science Writing na lathalain. Haaaaay, kaya yun, sakit sa ulo. May nakita rin akong mga kaklase ko nung elementarya dun, sina Jessica Jamilla, Glendy Endraca, at Jessamine... Nakalimutan ko na. sorry...

Medyo mangiyak-ngiyak na ko nung awarding, kasi akala ko wala akong makukuha dun, tapos ang galling galling pa nung mga ka-journmates ko. Buti na lang naka-unli ako sa Globe, ka-text ko si Joe. Wala lang. hahaha. Na-enlighten ako dun sa mga text niya, natanggap ko nang maaga ang akin sanang pagkatalo. Hahaha.

Ayun. Second ako sa lathalain.wahahaha!!! nakakatuwa talaga. I love journ! Tapos overall champion pa ang quesci. Wahahaha!!! Ang galing natin quesci! Sana mas lalo pa nating pagbutihin sa Division.

~oOo~

Agosto 29. Martes.
Maligayang Kaarawan
Maria Anna Mae Fitero Geronimo!
Aylabyu!
~oOo~
yun na lang lahat... hanggang sa susunod na post... :)

Saturday, July 01, 2006

tag you!!!

i was tagged by Macy. :D

Instructions:
1. The tagged victim has to come up with 8 different descriptions of their perfect lover.
2. He/she needs to mention the sex/gender of their perfect lover.
3. He/she must tag 8 more people to join this game and leave a comment on their respective sites announcing that they've been tagged.
4. If tagged a second time, there's no need to post again.

Gender: Male. :)

Descriptions:
1.TAll, DArk, and Handsome!!! [TADAH!!!]
Hindi joke lang. Hahaha. Hindi ako naghahanap ng ganitong lalaki noh. Wala lang akong ma-type. Pero sana... hahaha...

2.May takot sa Diyos
Siyempre... gusto mo bang barumbado ang ideal man mo? Hindi ko naman sinasabi dito yung napaka-religious na katulad ni Hermana Penchang at magpapari na... pero yung lalaking mabait at alam ang mga kilos niya, iniisip ang mga tao sa paligid niya [lalo na ako...]. yun…

3.Mapagmahal
Sino ba naming babae ang hindi gusto ng isang lalaking mapagmahal? Yung lalaki na magpaparamdam sa iyo na masarap ngang mabuhay sa mundong ito. Yung sigurado sa kanyang nararamdaman at hindi pabago-bago ng `iniibig`. Yun bang pagmamahal na pakiramdam mo ay ikaw lang at wala nang ibang babae sa buhay niya... hmmm... sana ganito siya...

4.Sweet at Romantiko

Para lang ito sa mga maaarteng babae... hindi biro lang. Siyempre naman, nakakakilig naman yung ganitong lalaki diba? Wahahaha!!! Yun bang tipong madaming surpresa? Yun bang... basta alam mo na yun... kahit naman hindi sweet and romantic ang isang lalaki, kapag nagmahal yan, lumalabas din... siguro... sana...

5.Tanggap kung sino ako, at kung sino siya
Isa kasing malaking factor ito eh. Paano mo magugustuhan ang isang tao kung hindi mo naman tanggap kung sino siya at ang iba pang bagay tungkol sa kanya. Saka... kung tanggap ka naman niya... kunwari... paano naman kung hindi niya tanggap kung sino yung sarili niya? Yun bang feeling niya ay wala siyang kuwentang tao? Okey.. Malabo ako. Basta ganito yun... paano mo mamahalin ang ibang tao kung hindi mo mahal ang sarili mo?

6.Andiyan palagi sa aking tabi
Well... iyan ang mga lalaking kapag may problema ka ay laging andyan, matatakbuhan mo, masasandalan, yung magpapatawa sa iyo [yung may mga korning jokes :) ]. Hindi ka ba ma-iinlab sa mga taong ganun? Siguro kayo hindi, pero ako oo. Kaya nga ako, nagsisikap akong lumayo sa mga gentleman na lalaki dyan eh... layuan niyo din ako... baka ako ay magkasala... joke. Basta yun... at kadalasan, ang mga taong yun ay ang mga bestfriend... wala lang... tama na nga...

7.Totoong tao
Basta... ito yung lalaking hindi pakitang-tao lang. Na kung kailan nanunuyo ay saka lang mabait at pinapakita ang kanyang mga good and wonderful traits. Ayoko ng ganitong tao!!! Waaaah!!! Mas gusto ko pang yung kahit medyo hindi maganda ang ugali... at least totoo at honest... hindi plastic...

8.Buo ang loob, walang takot
Hindi naman ito yung mambubugbog ng tao kung may kaaway. Ang ibig sabihin ko lang dito ay yung lalaki na kayang ipagtanggol ang kanyang sarili at ang kanyang loved one mula sa ibang tao. At saka yung hindi mga torpe... at saka buo ang loob – handang ipaglaban ang kanyang pag-ibig, kahit ano pang sabihin ng ibang tao...

~oOo~

Kulang pa ito kung tutuusin. Hindi mo mai-dedescribe ang iyong ideal man sa walong characteristics lang. Pero kung tutuusin, ito ang aking `perfect lover` at hindi ang aking `loved one`. Walang taong perpekto. Saka sa love, nagiging bulag ka na, hindi mo na hahanapin ang mga katangiang yan... pero sana nga... si `ideal man` ay isang `perfect lover`...

Tuesday, June 13, 2006

birthday celebration

Binabati ko ang ating bansa ng isang...
Makabuluhang Araw ng Kalayaan!!!
Sana ay matuto tayong mga Pilipino na pahalagahan ang ating pagka-Pilipino...
~oOo~
Ikukuwento ko na lamang ang nangyari sa aking buhay kahapon. At eto na siya... excited na ba kayo? Ako excited na!!!

Dahil sa hindi maaaring pumunta sina Amae at Steph sa aming bahay noong ika-sampu ng Hunyo, naisipan na lamang namin na ituloy ang aming lakad kahapon dahil sa wala rin namang pasok. Para saan ang lakad namin? Kaarawan ko kasi eh... hihihi...

Magkikita-kita dapat kami sa mcdo carpark ng 10:00 am. Kaya lang, 11:00 am na kami umalis kasi late si Cheoc [tsk tsk tsk...]. Dumating daw kasi ang kanyang lola at mga pinsan. Kaya ayun, 11:00 na nga kami umalis dyan sa north. Ang aking mga kasama ay sina Jervie, Macy, Alyssa, at Cheoc. Sumakay na kaming MRT [pangatlong beses na ah...] papunta sa Ortigas. Ang aming destinasyon ay sa SM Megamall. Wala lang, para malayo. Nakakasawa na kasi sa North eh.

Sa SM Megamall, kumain muna kami sa foodcourt doon [paboritong place... kahit sang sm.] Tapos, nanood na kaming The Omen, o ayon dun sa nakasulat sa SM, Omen 666. Maganda naman siya. Para sa akin, hindi siya nakakatakot, nakakagulat lang. Pero kayo, subukan niyong manood, baka makita niyo sina Dumbledore and Lupin. Parang pinagsama-sama ata siyang Harry Potter, The Da Vinci Code, at meron pang iba, nalimutan ko lang. Basta manood kayo kung may pera kayo. 121 php sa megamall...

Tapos, pumunta naman kami dun sa may baba ng megamall [ayaw din naman naming maglibot ano?]. Naglaro sila ng Dance Maniax. Basta may mahabang storya dun. Tapos nagpa-pic na naman kami, yung lalagyan mo pa ng design, borders, etc. Nung na-print na, medyo nagulat ako kasi sobrang laki niya, hindi siya magkasya sa wallet ko... hihihi...

Pagkatapos naming pagsawaan ang megamall, dumiretso na kaming cubao, sa fiesta carnival. Dun naming sasalubungin si Amae. At nung nandun na kami, sinamahan ko muna si cheoc na humanap ng ATM. Medyo naligaw lang kami dun, pero okey lang, may nahanap naman kami, sa Tuazon street yun eh... tapos yun na... basta... hahaha...

Ang saya dun sa fiesta carnival. Una, nag-roller coaster muna kami. Ang saya! Dapat kasi dalawang ikot lang yun, eh kaya lang birthday ko, kaya pinagbigyan kami ni kuya ng isa pa. Salamat kuya!!! Tapos hindi na nakuntento, nag-viking pa kami nina Amae at Alyssa. Wahahaha!!! Ang saya saya talaga!!! At pagkatapos nun... umuwi na kami...

Salamat nga pala dun sa mga regalo niyo! Hindi ko inaasahang may mag-reregalo sa kin... [drama mo!] salamat talaga...

Sana maulit pa ito. Pagkatapos ng UPCAT, para sa selebrasyon ng birthday nina Amae, Cheoc, at Jervie. Sana maulit pa ito flexiii!!!

Saturday, June 10, 2006

ika-15 kaarawan!!!

Nais kong iparating ang aking pagbati kay...
Jane Rose Lim!!!
Wahahaha!!! Ang kulit ko!!!
Happy Birthday sa aking sarili!
~oOo~
Ngayon ay ika-sampu ng Hunyo taong dalawang libo at anim. At ngayon ay ang anibersaryo ng aking kapanangakan. Ang saya saya naman. Ako ay nagtagal ng 15 taon sa mundong ibabaw. At sana nga ay matagal pa akong mamamalagi dito. Ako ay nagpapasalamat sa diyos, sa aking pamilya, mga kaibigan, ang mga importanteng tao sa buhay ko na siyang dahilan kung bakit ako ay naririto pa rin hanggang ngayon, humihinga at buhay.

Nagsimba lang kami kanina sa simbahan ng Sto. Domingo. Dun talaga kami nagsisimba tuwing kaarawan ko. Mula pa sa king pgkabata. Kasama ko yung nanay ko at pinsan ko. Wala lang, sinabi ko lang... hahaha...

May sasabihin lang ako sa`yo blog. Naasar ako kahapon sa ibang mga tao na... ewan. Pagpasensiyahan niyo na lang ako, mababaw lang talaga si jane. Patawad dun sa isang taong napalo ko kahapon, itago na lang natin siya sa pangalang renan. Ikaw kasi unang nakita ko kaya ikaw napalo ko. Hindi naman yun masakit eh... pero sorry. Saka salamat dun sa isang tao na nagpasaya sa akin kagabi. Salamat talaga...

At bago ko malimutan, salamat sa lahat ng mga bumati sa akin at sa mga gustong bumati na hindi ako makausap [walang load, walang telepono, hindi makapag-internet]. Salamat sa inyo!!! Pinasaya niyo ako sa araw na ito...

Regalo ko ah... Joke lang!!! Sige comment/post na lang kayo para mas lalo niyo pa akong mapasaya!!!

Thursday, June 08, 2006

sa fourth floor

Nais kong iparating ang aking pagbati kay...
Kanlouise Nielsen Tejada
Belated Happy Birthday!!!
[June 7, 2006]
~oOo~
Grabeh... fourth year na nga ako. Parang hindi ako makapaniwala . parang dati lang nagbubungkal pa lang ako sa madamong lupa ng Esteban Abada kasama ang iba kong kaklase [para may ma-trap na estudyante, tapos mahuhulog dun... bad.] tapos ngayon, papatapos na ako ng hayskul parang ang tanda ko na!!! Siyaks!!! Haaay... wala na akong ibang masulat, masyadong akong nabigla sa mga pangyayari... fourth year na ko... fourth year na ko... fourth year na ko... fourth year na ko... fourth year na ko...

Magbibigay na lang ako ng reaksiyon tungkol dun sa aming klasrum na nasa pinakataas ng mathay. Fourth floor. Ganito kasi ang napansin ko. Kapag umaakyat ako sa mga hagdanan ng mathay, ako ay hinihingal at napapagod. Medyo magha-hang muna ako ng sandali pagdating sa room at hindi kikilos. Kapag bababa naman, parang ang tagal bago ako makaabot sa baba. Grabe.

Tapos, kapag kakain ka, kailangan dadalhin mo na lang sa taas yung pagkain mo. Kasi kung doon ka sa canteen kakain, pag-akyat mo sa taas, ubos na kaagad ang kinain mo. Gutom ka na naman dahil sa kaa-akyat. Kung gusto mong uminom, magbaon ka na lang ng tubig, huwag mo nang balakin na asahan ang canteen para sa iyong tubig.

Kung gusto mo naming pumayat, maganda kung doon ang room mo sa fourth floor. Exercise talaga. As in EXERCISE. Papayat ka talaga. Ngayon ko lang naintindihan kun bakit karamihan ng mga fourth years ay mga payat... saka maganda din naman dun kung gusto mo ng sariwang hangin. Talagang MAHANGIN. Tatangayin ang palda mo [kung babae ka]. Haaay...

Yun na lang muna... may mga gawaing-bahay pa ako na dapat gawin…

Monday, June 05, 2006

first day

`Every job is a self-portrait of those who did it...`
Dr. Romulo B. Rocena

~oOo~
huwaw... first day of classes kanina!!! nyahahaha!!! nakakita na naman ako ng maraming checkered na asul na palda at mga bowtie. haaaay... nakaka-miss rin pala ang quesci kahit na puro pahirap ang binigay sa `kin nito [siyempre may mga masasayang sandali rin naman :) ].

ayun. medyo nabaliw lang ako kanina kasi nakita ko na naman ang mga mukha ng mga kaklase ko. nyahahaha. tawanan kami ng tawanan. medyo late ako sa flag ceremony kanina dahil sa isang mahabang kuwento na tinatamad na akong i-type. kaya... pagdating ko sa aking eskuwelahang mahal, hinanap ko kaagad ang flexi at pumila. natutuwa rin pala ako kasi may bago na kaming punong-guro! si Mr. Romulo Rocena. may quote nga pala siya na andun sa taas. siya ay isang idealistic na tao, at sana ang kanyang mga ideals ay magka-totoo.

may journalism pa rin kami kanina. yun lang ata ang subject ko kanina. kailangan daw magpasa kami ng articles sa wednesday kasi kailangan na ang first issue ng aming dyaryo [yehey! may first issue ulit!] ayun. medyo matagal din yung `klase` namin.

tapos bumalik na kami sa room. sa 4th floor. ang taas grabe. hiningal talaga ako. pero okey lang, 4th year na ko eh. 4th year = 4th floor. :) sa room, naglaro lang kami nung killer, celebrity, saka 7 up. kasama sina alyssa, amae, steph, at macy. tapos, bumaba na naman kami kasi may orientation sa conference hall. nakaka-antok yung orientation. ang sarap matulog. hahaha.

ayun. kailangan kaming magpakasaya sa mga unang araw kasi siguradong mawawala na yun sa susunod na linggo. balita ko masisipag ang mga titsers namin. okey lang. mas mabuti yun...

Tuesday, May 30, 2006

Huling Pagkakataon

`Reach for the STARS... for if you fall short... you will land on the MOON`
- sharing ng aking kuya arthur


~oOo~

Bago ko malimutan, isang pagbati ang nais kong ipa-abot kay
Desiree Bas Alastoy
Happy Birthday!


~oOo~
medyo ginaganahan akong mag-update ng aking mumunting blog ngayon... ayan... pumunta kasi kami ng aking nanay at kuya arthur kahapon [may 29, 2oo6] sa dagat-dagatan, kung saan nakatira ang aking kuya tirnan at ang kanyang asawa na si ate luisa, dahilan sa 2nd wedding anniversary nila. siyempre, ano pa ba naman ang gagawin ko roon kung hindi ang kumain ng kanilang handa. pero meron din naman kaming ibang ginawa... pinag-usapan namin ang tungkol sa mga napili kong course sa UP.

kung inyong napapansin, ang mga pinili kong course nung nakaraan ay puro chemical engineering. may kinuwento lang kasi ang aking kuya tungkol sa mumunting course na iyon. yung ate daw kasi ng katrabaho niya, na graduate ng qeusci, na tinapos ang chem eng sa UP, ay mas mataas pa ang mumunting sahod ng aking kuya kaysa dun sa ate ng katrabaho niya. wala lang. medyo kinabahan ako. kasi parang pa-tsambahan lang pala ang pagpili ng magandang trabaho sa kursong chem eng. pero kung aking iisipin, maging sa ibang kurso din naman eh :) . kaya ayun, pinayuhan ako ng aking kuya. at sa huling pagkakataon ay nagbago ang aking isip...

at kaninang umaga, ako ay pumasok sa aking eskuwelahan, upang kuhain ang aking pinaghirapang UPCAT form upang baguhin. at ngayon, sa huling pagkakataon, nabago ko na siya...

UP Manila - BS Nursing , BS Biochemistry
UP Diliman - BS ECE , BA Journalism

ngayon, masaya na ako diyan sa mga course ko. hindi ko alam kung bakit, pero masaya ako. nagpapasalamat nga pala ako kina reuveal, rico, desiree, at ate rizel [isang alumni] dahil sa pagtulong nila sa akin na pumili ng mga kurso ko ngayon. eto na ang aking huling pagbabago... ang huling pagkakataon...

tulad nga ng quote sa itaas na galing sa aking kuya, i will reach for nursing [hahaha!!!], dahil kung hindi ko talaga siya ma-reach, babagsak naman ako dun sa tatlo pang iba... at kung hindi pa rin... meron pa naman diyang ibang eskuwelahan... at least i tried for the courses i really liked...

sana nga makapasa tayo kung saan natin gusto mga ka-batch mates!!! :)

Saturday, May 27, 2006

flexiii movie trip

`Maikli lang pala ang buhay. Minsan ka lang matakot, malaki na ang mawawala sa `yo...` - Zanjoe:)


~oOo~
naririto na naman ang inyong abang lingkod na magku-kuwento tungkol sa mga nangyari sa kanyang buhay... at dahil sa tinatamad akong mag-isip, kokopyahin ko na lang ulit ang mga nakalagay sa aking Public Diary. ito na ang pangalawang beses na makakasilip kayo sa aking mumunting talambuhay...

~oOo~

May 25, 2006

Flexiii Movie Trip

... at sa araw na ito sumaya ang flexiii! wahahaha!!!

nung umaga, pumunta na naman kami ni nanay dun sa aming doktor sa Tondo, Manila. niresetahan na naman ako ng napakamahal na gamot. 50 php each, dalawang beses isang araw, 15 days = 30 pcs. haaay... Ano ba? naghihirap na kami!!! pero kailangan eh... tsk tsk tsk...

pagkatapos nun, pumunta akong school kasi tumawag daw si Lowela sa amin. ayun, nagbayad na ako dun sa UPCAT. buti na lang hindi ako kinausap ni ms. monteclaro [yehey!!!] . at pinalitan ko ang course ko dun sa form dahil sa isang lalaking nagngangalan na Van/s o kahit ano mang pangalan niya. natakot ako sa mga pinagsasabi niya tungkol dun sa UP Manila... kaya ngayon, eto na course ko...

UP Diliman - BS Chem. Eng. + BS Chemistry
UP Los Banos - BS Chem. Eng. + BS Statistics <---- ano `to?

sana talaga makapasa ako dun sa diliman... haay... sana nga....

mga 2:30 pm na ata dumating ang flexiii dito sa aming mumunting bahay. sila ay sina alyssa, amae, cheoc, macy. wala si steph kasi, hindi ko alam, sayang... una naming napanood yung `da vinci code`. hindi ako masyadong nagandahan kasi malabo [mga pirata!!! hahaha!!!] pero ayon kina macy at amae, may mga nakakaasar na scenes doon, na pinutol dun sa aming pirated copy. haaay...

tapos, nagpasikat ang aming pusang si Milky, at siya ay nang-murder ng ipis!!! nakuuu... may criminal record ka na naman... tsk tsk tsk... ang brutal mo dude... tapos umalis na si cheoc , kasi bawal daw siyang gabihin at mamalengke pa siya... haaay...

kaya kaming apat na lang ang nanood ng `Dick and Jane`. at malinaw siya! kaya maganda... hihihi... ang saya saya talaga at nakakatuwa... yung `If Only` na balak sana naming panoorin at saka na lamang naim panonoorin kapag kasama na namin si Steph.

sana nga maulit ito flexiii... :)

-JRL

Friday, May 19, 2006

UPCAT form

`light cannot exist without darkness... good cannot exist without evil... therefore... happinness cannot exist without loneliness...`

~oOo~

isang napaka-kulay na araw ang aking hinarap sa araw na ito. kung gusto niyong malaman kung ano ang mga nangyari, sige basahin niyo. kung ayaw niyong basahin, okey lang. basta ako gusto ko lang mag-post...

[sa totoo lang pangalawang beses ko na ito ita-type... kasi biglang namatay ang pc kanina... at nawala ang pinaghirapan kong post...]

sa araw na ito, ako ay pumunta sa aming pinakamamahal na eskuwelahan, at ang aking mga kasama ay sina macy at alyssa. kami ay pumunta sa lugar na iyon dahil ang akala namin ay may journalism, ngunit wala pala... [maraming namamatay sa maling akala... tsk tsk tsk...] kaya hinintay na lamang namin si ms. monteclaro upang kumuha ng form para sa UPCAT. dumating naman siya, ngunit sa kasamaang palad, hindi kami nakakuha kaagad dahil sa napakaraming dahilan, at ayoko nang isa-isahin ang mga iyon. pagkatapos nang napakahabang panahon, sa wakas, kami ay nagkaroon ng pagkakataon na kumuha ng aming inaasam-asam na UPCAT form. ngunit hindi lamang iyon... kami ay sinermunan pa, dahil nga late na kaming kumuha ng form na iyon. inaamin ko nakalimutan kong kumuha noong enrollment [excited kasi sa cubao eh...]. pero kung alam lang sana niya na halos araw-araw akong naroroon para lamang magkaroon ng pagkakataong makita siya, at kung nariyan naman siya ay iniisnab lamang niya kami. kaya nga... nakaka-inis... GRRRRRRRR...

dahil sa natamo naming trauma mula sa mga pangaral ni ms. monteclaro, aming napag-desisyunan na lisanin ang aming abang eskuwelahan at puntahan ang isang gusaling napakalapit lamang roon, at iyon ay ang SM. kaming tatlo ay naglagalag sa lugar na iyon. sina macy at alyssa ay nagkaroon ng dalawang pagkakataon upang mag-DMX [dance maniax]. hindi ako naglalaro dahil... wala lang... tinatamad ako... pagkatapos.. [fast forward... nakakatamad mag-type]. pumunta kami ni macy sa McDo upang hintayin namin si Cheoc doon dahil sa sari-saring kadahilanan. at habang hinihintay siya, kami ay gumawa ng plano tungkol sa seating arrangement ng avo4. sa kasamaang palad, ito ay malabo pa rin. come what may na lang siguro sa pasukan...

nagpalitan kami ni Cheoc ng reviewer, yung kanya galing sa expert guides yung akin galing dun sa skul [sana may matutunan siya dun kahit onti... saka gudluck... :) ] kaya pagdating ko sa bahay, nag-review agad ako. unang pagkakataon kong ginanahang mag-review. hahaha.

sana makapasa ako at ikaw ng UPCAT.

Monday, May 15, 2006

brigada eskuwela

ngayong araw na ito, ako ay pumunta sa aming eskuwelahan para sa brigada
eskuwela
. sa totoo lang kaya ako pumunta doon dahil lang sa journ eh,
kaya wala akong dalang kahit anong panlinis. ayun, naglinis kami ng kuwarto ng fleming-IV.
at nakakatuwa ang walis na ginamit namin, dahil nagkakalat siya. may mga `mumunting
palay
` [yun ang description ni marvi] na lumalabas galing dun sa
walis. kaya kung wala kag magawa sa bahay mo, bumili ka nang ganung klaseng
walis at maglinis ka ng bahay mo ng walang katapusan. :)


tapos sa journ naman. teacher na sa journ si ms. moreno! syempre sa
pilipino yun, sa banyuhay, creative section [naks!]. kaya nga tuwang-tuwa
si dei kanina eh. hehehe. ginawan ko rin pala ng isang mumunting article
yung tungkol sa viking [fiesta carnival] o anchors away [enchanted
kingdom]
. bakit ba kasi ang daming tawag dun eh? ginawa ko lang inspirasyon
yung pagsakay namin dun ng flexi. :)


hindi pa rin kami nakakuha ng form ng UPCAT. sabi kasi ni ms.
monteclaro
, mamayang 1:00 pm na lang daw. nung bumalik ako ng 1:00 pm,
sarado naman yung guidance center. haaay buhay...


medyo naasar lang ako kanina sa aking buhay. buti na lang nandun sila marvi
at lou
. wala lang. hinding hindi ko talaga kayo malilimutan. :)


~oOo~


INFERIORITY COMPLEX:


sense of being inferior: an overdeveloped sense of being inferior to
others.

In extreme cases it can manifest itself in either withdrawn or aggressive
social behaviour.

Microsoft® Encarta® Premium Suite 2005. © 1993-2004
Microsoft Corporation. All rights reserved.

ayan, isa sa mga lumalalang sakit ko. ewan ko kung bakit
ako nagkaroon ng ganyan. pero alam ko sa sarili ko na may ganyan akong sakit.
hindi ko alam kung paano yan ginagamot. kailangan ko siguro ng psychologist
ata tawag dun. naaapektuhan na ng sakit na ito ng masyado ang buhay ko [tulad
kanina, nung... waaah! kainis talaga]. may kakilala ba kayo? baka naman puwedeng
magpagamot ng libre oh... o kaya naman baka ikaw, puwede mo akong payuhan ukol
sa mga bagay-bagay. seryoso ako.

Friday, May 12, 2006

doktor+quiapo

ako ay magkukuwento para sa araw na ito... may 12, 2oo6. medyo maraming nangyari sa aking mumunting buhay sa araw na ito.

maaga akong ginising ng aking butihing inay dahil ngayon palang matutuloy ang aming pagpunta sa doktor. at siya ay napaka-malayo, nasa tondo pa siya. kaya kailangan talaga naming umalis ng bahay ng maaga. kami ay nakarating roon ng 8:30 am, ngunit ang doktor ay dumating na ng 11:00 am. sayang ang napaka-halagang oras, ngunit wala na kaming magagawa roon. ayun, ako kasi ang may sakit eh, at ayaw kong sabihin kung ano yun. ngunit aking napatunayan ang napapabalitang napaka-mahal ng gamot dito sa pilipinas. na 3 sa 5 pilipino ang namamatay dahil sa kamahalan ng gamot. grabeh. ang gamot ko na tila isang napaka-liit na kendi ay 51 php, at mura pa iyon doon. kailangan kong uminom ng 15 piraso nun, pano kung wala kaming pera [tulad ngayon :( ], edi hindi na talaga ako gagaling... tsk tsk tsk...

at dahil biyernes ngayon, dumiretso kami ng aking inay papunta sa simbahan ng quiapo. napakaraming tao. at sa lugar na ito ay makikita mo ang kahirapan ng pilipinas. kung dati ay maituturing na mura ang mga bilihin dito, ngayon ay tila hindi na. maski ang mga gulay ay tindera na mismo ang nagsasabi na mahal talaga. kaya nga hindi nakapagtataka kung bakit maraming nagsisimba sa simbahan na iyon, yun na lang ang tangi nilang makakapitan...

pag-uwi namin sa bahay ay kuamin muna ako at kasabay kong umalis ang aking kuya papuntang sm. siya ay didiretso sa kanilang outing sa antipolo. sila ay magsi-swimming [kung kailang maulan... hahaha]. ako naman ay pupunta sa eskuwelahan upang kumuha ng libro at form sa UPCAT, na aking nakalimutang kunin dahil sa sobrang excited para sa cubao. sa kasamaang palad, hindi ako nakakuha ng form, ngunit nakabili ako ng libro.

napag-alaman ko mula kay ms.marie na sila ruphy at dei ay naroroon pa sa staff room. at dahilan sa gusto ko silang makita, pumunta din ako doon. ayun, nagkuwento na naman si sir rex ng tungkol sa mga bagay-bagay. at pagkatapos nun, umuwi na kami.

at ngayon, ako ay naririto... nag-iisip ng mga bagay-bagay... na hindi dapat mangyari...

Thursday, May 11, 2006

flexi trip

ayaw ko talagang mabulok ang blog na ito kaya habang may pagkakataon pa akong lagyan ito ng kung anu-anong bagay ay gagawin ko na... habang hindi pa ako fourth year... habang wala pang UPCAT... habang may internet card pa ako...

ikukuwento ko muna sa inyo ang nangyari kahapon, may 11, 2oo6. kung hindi niyo man nalalaman, kahapon ay ang enrollment ng mga magiging 4th years... seniors... matatanda... gurang... at kasama ako doon. 8:30 am na ako nakarating sa eskuwelahan dahil yun ang kagustuhan ng aking pinakamamahal na inay. pagkarating ko roon ay tila isa akong kaluluwang nawawala sa gitna ng kaguluhan. ang unang taong nakilala ko nga pala roon ay ang aking dating katabi sa silya na si renan [sana katabi ulit kita ngayong taon... para maraming pagkain :) ]. at ako ay nagtiyagang pumila at maghintay upang makapag-enroll. ayaw ko nang pahabain pa ito.

ako ay natutuwa, dahil may bago kaming mga kaklase sa avogadro IV. si albornoz ang isa doon, ang iba ay hindi ko na kilala. [lagot ka sa amin... hehehe... joke.] ngunit ang aking kalungkutan ay mas nangibabaw kaysa sa aking kasiyahan, sapagkat natanggal na ang lima sa aming mga matatalik na kaibigan... ang aming mga kaklase... sina marvi, lou, reuveal, kc, at marjorie. talagang napakalungkot. ngunit kahit ano mang mangyari, kayo ay mananatiling magiging aking mga kaibigan at hindi kayo mawawala dito sa aking puso. [lalo na kayo marvi at lou...]

at syempre, dahil ngayon pa lang ulit nagkita-kita ang flexibles, kailangan naming magsasama. kaya ayun, pagkatapos naming magpa-enroll, kami ay pumuntang cubao. hindi nakapunta sina jervie at reuveal dahil... hindi ko alam. nauna na kami nina macy, steph, at alyssa na pumunta sa aming destinasyon. at sa pangalawang pagkakataon, nakasama ko ulit silang sumakay sa MRT. sina cheoc at amae ay sumunod na lamang dahil... mahabang storya. tingnan nyo na lang sa blog ni macy. kaya ayun, naglagalag at nagkalat ang flexi sa cubao.

dahilan sa tinatamad na akong mag-type, ikukuwento ko na lang ang pinaka-paboritong parte ng aming paglalagalag. at iyon ay ang pagsakay namin sa viking. nung una ay kami lamang nina steph at amae ang sumakay doon. ngunit dahil sa napakahabang dahilan, sa pangalawang pagkakataon, ako ay sumakay muli sa viking kasama na silang lahat. ang aking naramdaman? masaya na malungkot, masarap na nakakasuka, maganda na nakakahilo... haaay. kaya gustong-gusto kong sumakay roon ay dahilan sa aking pangarap na lumipad. gusto kong mapalapit sa langit at gusto kong hawakan ang mga ulap...

silang karamihan ay isinigaw ang kanilang mga sama ng loob at mga sikreto. hindi ko magawa yun. kumanta na lang ako ng `barney song`. i love you, you love me.... wala lang. pero kung may pagkakataon man akong sumigaw ulit sa viking na iyon, gusto kong sabihin na `sorry, thank you, i love you *tooters*`. yun. wala lang.

hapon na kami nakauwi. dapat ay pupunta dapat kami ng aking pinakamamahal na inay sa doktor, ngunit hindi na iyon natuloy dahil nga hapon na akong nakauwi. at iyon. iyon na ang katapusan ng aking kuwento para sa araw na ito.

Tuesday, May 09, 2006

Nakakatamad...

Nakakatamad din palang mag-update ng blog...
Haaay... wala ako sa mood ngayon...
Hindi na nga ako makatulog sa gabi, mag-uupdate pa ako ng blog?
Namimi-miss ko na ang ang paghihirap ko sa quesci, pero baka bawiin ko tong sinasabi ko kapag pasukan na... Oo nga pala, malapit na ang pasukan. Malapit ko na namng makita ang nakakasawang mukha ng mga scientian. Pero kahit nakakasawa gusto ko pa rin silang makita...

~oOo~
Kagabi ko lang nalaman na may isang taong nagmamahal pala sa akin... Kagabi ko lang nalaman na may isang tao palang sinasaktan ko ng hindi ko alam... At dahil doon, patawarin mo sana ako, hindi ko sinasadya. Sinaktan mo rin naman ako eh... Pero salamat din pala sa iyo sa lahat lahat... Patuloy kitang magiging kaibigan...

Monday, May 08, 2006

National Museum+Kuya's Graduation

Ito ang entry ko sa aking `Public Diary` nung May 6, 2006... pero sa totoo lang tungkol ito sa nangyari sa akin nung May 5. Ayan, may special access kayo sa aking diary... :)
~oOo~
National Museum + Kuya's Graduation
May 6, 2006

Isang nakakapagod na araw ang aking hinarap kahapon. Grabeh... sobrang nakakapagod...

5:30 am ako nagising kahapon kasi kailangan 7:00 am naroroon na kami sa school para sa Journalism. At nung paalis na ako at naroroon na ako sa SM, naalala ko na nakalimutan ko pala ang pitaka at cellphone ko. Sa lahat ba naman ng bagay yun pa ang maiiwan ko. Tsk tsk tsk. Kaya ayun wala akong nagawa kundi bumalik ng bahay at kunin ang mga bagay na naiwan ko.

7:30 am na kami umalis ng school. Mga kasama kong third year ay sina Ger, Ruphy, Alyssa, Macy, at Melai. Tapos kasama din naming ang ibang second year at saka si Sir Rex at ang kanyang napaka-cute na anak, si Moira. Matagal-tagal din ang biyahe. Pagdating dun sa lugar, naglibot-libot muna kami. Tapos, kumain kami sa Jollibee para sa tanghalian. Sinita pa nga ako ni Sir Rex kasi may tira pa doon sa chicken ko eh. Hehe. Tapos, kaya pala kakaiba ang disenyo ng mga building doon, kahit yung Jollibee, eh kasi batas pala yun. Kailangang sundin yung architectural design ng parke o kahit anong historical landmark. Tapos yun mga business establishments ay hanggang first floor lang ang puwede ipatayo.

10:00 am pa kasi puwede pumasok doon sa National Museum, kaya yun nga, naglibot at kumain pa kami. 30 Php ang entrance fee para sa mga batang tulad namin at 100 Php para sa mga matatandang katulad ni Sir. Maganda naman sa loob, maraming bungo, palayok, plato, porselana, at mga jars. Meron ding mga damit at kagamitan na lumang-luma na. Sayang nga lang, sarado pa ang seksiyon ng mga painting kaya hindi namin nakita ang `Spolarium`. Tsk tsk tsk. Sayang talaga...

Napag-alaman ko rin kay Sir Rex na kumpara sa mga museo ng ibang bansa, halos 25 porsiyento lang ang pondo ng Pilipinas para sa ating mga museo. Pero sa totoo lang, mas marami tayong puwedeng ilagay sa ating mga museo at ipagmalaki kaysa sa ibang bansa. Nalaman ko rin na gumagamit pala ng `systematic archaeology` ang mga archaeologist kapag nagbubungkal sila ng mga fossils / artifacts. Basta, mahirap i-explain.
Tapos nung paglilibot namin sa museo, pagod na pagod na kami kasi nga bibihira lang ang upuan sa loob. Kaya ayun, pumasok kami sa loob ng souvenir shop kasi may upuan at malamig doon. Bumili rin ako ng dalawang key chain na hugis sumbrero...

Sa SM North na sana ako uuwi, kaya lang napansin ko na dadaan rin pala ng jeep sa SM Manila. Kaya ayun, doon na lang ako bumaba…

Tapos nakakaasar pa dun sa SM Manila. Una kasi, nung nandun ako sa Department Store, biglang may lumapit sakin na lalaki at nagtanong ng oras. Tapos tinanong kung puwede ba daw niya ako makasama muma kasi ang tagal daw nung ka-date niya. ASA KA PA! ANG BASTOS MO! Grrr...

Tapos nung nandun naman ako sa Booksale at tumitingin kung merong librong Les Miserables ni Victor Hugo, may kumalabit sa aking lalaki tapos binulungan ako, `Follow me outside,` ASA KA PA BOY! MANYAK KA! KADIRI! Grrr... Kunwari wala akong naramdaman at hindi ako marunong umintindi ng English. Hahaha...

5:30 pm nag-text ang kuya ko na on the way na raw sila. Sa mga oras na iyon, naroroon ako nakaupo sa Foodcourt dahil ang sakit-sakit na ng mga pa ko. Kaya yun, pumunta akong National Bookstore kasi baka dun nila ako sunduin. Nagbasa muna ako ng `By the River Piedra I Sat Down and Wept` ni Paulo Coelho. Maganda siya! Kaya lang nakakahiya nang magbasa kasi padaan-daan yung guard sa harapan ko eh. Hehehe...

6:30 pm sila dumating sa SM Manila. Doon kami kumain sa `Inasal Chicken Bacolod` ata yun. Tapos yun na... ayaw ko nang sabihin kung anong nangyari sa gabi ko... masyadong... arghhh!!!

~oOo~
... Nababaliw na ako... nababaliw na talaga ako... sasabog na utak ko... ayan na... 5... 4... 3... 2... 1 3/4... 1 1/2... 1 1/4... Waah! Grrrrrr! Sorry... sorry diary... binababoy na kita... my thoughts are very discordant because of that bloke [syaks... english yun ah...]
yeah jane, you're so very PATETEK... you should be buried six feet under the ground. you do not deserve to live in this world. you`re so ugly and dumb. no one loves you. etcetera... etcetera... blah... blah...
buti na lang nagagawa ko pang ngumiti, tumawa, at maglambing sa pamilya ko. buti na lang naririyan sila. kung hindi baka nasa libingan ako sa Bagbag o nasa Mental Hospital. huhuhu... buti na lang naririyan sila...
masyado na kong nababaliw. mag-e-empake na ako papuntang Mental Hospital. Baka may mahawa pa sa akin... -JRL
~oOo~
Ayan... may sneak peak na kayo sa diary ko... yung huling part nasa diary ko pa rin yan... kaya lang may pinutol ako sa unahan.. :) ehehehe. yun... wala lang...

Wednesday, May 03, 2006

journ+kahapon

Naririto na nga pala ang inyong bang lingkod... na magkukuwento sa mga nangyari sa kaniya kanina...
Isang bagong umaga na naman ang natanglawan ni Jane kanina, at ang ibig sabihin niyon, may 3 na, araw na para pumunta sa staff room ng QueSci para sa journalism. Ako ay nakarating doon ng 9:05 ng umaga, at aking napagtanto ng kakaunti pa lamang kami. Ngunit pagkatapos ng napakahabang panahon, dumating na rin ng iba. Naroroon sina macy, alyssa, gerlene, melai, desiree, ruphy, wilson, at iba pang mga taong hindi ko na alam kung ano ang kanilang mga pangalan (syempre naroroon din si sir rex). Ayun, nagkuweno at nagsalita si sir tungkol sa ilang mga bagay, at pagdating ng takdang oras, natapos na rin (yahoo!). pagkatapos ng lahat ng iyon ay pumunta na kami sa isa sa aming paboritong lugar sa sm, sa foodcourt, at kami ay kumain. Hulaan niyo kung ano ang ginawa namin pagkatapos... naglibot ng kaunti at umuwi na sa aming mga bahay-bahay.
[what a lame story!!!]

Sorry kung walang kakuwenta-kuwenta ang aking kuwento. Pero... sa totoo lang... wala lang. Utang na loob ko kay macy kung bakit ako napunta sa elective na ito. Kung magtatagumpay man ako dito sa propesyon na ito, salamat macy. Pero kung hindi... tsk tsk tsk... better luck again next time jane... pero wala nang next time, 4th year na eh. Pero sana hindi ako magsisi sa elective ko ngayon, hindi tulad nang nangyari sa unang dalawa kong elective na... wala lang... no comment...
~oOo~

`pana-panahon ang pagkakataon
maibabalik ba ang kahapon?`
`lumilipas ang panahon
kabiyak ng ating gunita...`

Maibabalik nga ba natin ang kahapon? Alam natin ang kasagutan diba? Hindi. Ano naman ngayon? Wala lang, ang punto ko kasi eh, dapat, kung ano man ang gusto nating gawin eh dapat talaga nating gawin para wala tayong pagsisisihan sa huli. Pero bakit ganun? Ang ibang bagay na gusto mong gawin ay sadyang hindi mo magawa, hindi kayang gawin. Naririyan ang ibang mga salik para hindi mo magawa ang mga bagay na iyon: takot, pangamba, pagka-tamad, hiya... at marami pang iba. At sa kasalukuyan, ako ay naaasar sa aking sarili dahil sa mga bagay na hindi ko magawa, sa mga pagkakataon na lumilipas at nasasayang... Pero siguro, wala pa ang tamang oras at panahon... kailangan pang magtiis at magdusa ng inyong abang lingkod.

Patawad kung wala kayong maintindihan sa mga pinagsasabi ko... kung gusto niyong maka-relate... wala lang...

Tuesday, May 02, 2006

A Sad Story...

Uy... basahin nyo oh... hehehe...
~oOo~
A Sad Story...

Whatever you read
be sure not to do it ... It’s painful!
I don't know why...

As I sat in my English class, I stared at a girI next to me. She was my so called 'best friend' I stared at her long, silky hair, and wished she were mine. But she didnt notice me like that, and I knew it. After class, she walked up to me and asked me for the notes she had missed the day before. l handed them to her She said 'thanks' and gave me a kiss on the check. I Want to tell her I want her to know that I don't want us to be just friends I love her but I'm just too shy ... and I don’t know why.

Two summers had passed. One fine afternoon, the phone rang. On the other end, it was she. She was in tears, mumbling on and on about her love that broke her heart. She asked me to come over because she didn’t want to be alone, that she wanted someone talk to. So I did. As I sit next to her on the sofa, I stared at her soft, brown eyes, wishing she were mine. After three hours, one Freddie Prinze, jr. movie, three bags of chips, and a pool of tears, she decided to go to sleep. She looked at me, said 'thanks' and gave me a kiss on the cheek. I want to tell her, I want her to know that I don't want US to be just friends. I love her but I'm just too shy... and I don’t know why.

Senior year, the day before prom, she walked to my locker "My date is sick so he wont be able to go," she said. Well, I didn't have a date, and by the way, we made a promise when we were on our 7th grade that if neither of us will have a date, we wouId go together just as 'best friends" So we did.

Prom night, after everything was over, I was standing at her door?step. I stared at her as she smiled at me and stared at me with her crystal eyes. I want her to be mine, but she doesn't think of me like that, and I know, it. Then she said, "I had the best time, thanks!" and gave me a kiss on the cheek. I want to tell her I want her to know that I don't want us to be just friends. I love her, but I'm just too shy, ... and I don't know why.


A day passed, then a week then a month. Before, I could blink, it was graduation day I watched her as her perfect body floated like an angel up on the stage to get her diploma I wanted her to be mine, but she didn’t notice me like that and I knew it. Before everyone went home, She came to me in her smock and hat, and cried as we hugged each other. Then she lifted her head from my shoulder and said, "You're my best friend... thanks!" Then she gave me a kiss on the cheek. I Want to tell her, I want her to know that I don't want us to be just friends. I love her, but I'm just too shy ... and I don't know why.

Now I sit in the pews of the church. That girl is getting married. That, girl is getting, married…now I watched her say 'I do' and drive off to her new life, married to ... another man I wanted her to be mine but she didn’t see me like that, and I knew it. But before she drove away, she draw near me and said, "You came!" She said 'thanks' and kissed me on the cheek I want to tell her, I want her to know that I don't want us to be just friends. I love her, but I’m just too, shy ... and I don't know why

Years passed, I looked down at the coffin of a girl who used to be my 'best friend'. At the service, they read a diary entry she had written in her High School life. This is what it read.

"I stare at him wishing he was mine: but he doesn't notice, me like that and I know it. I want to tell him. I want him to know that I don't want us to be just best friends. I love him, but I'm just too shy... and I don't know why. I wish he would tell me he loves me!"

I wish I did too ...if only I had the courage to do so, then I could have not lost the girl l only loved... my BEST FRIEND.


Do yourself a favor. Tell what YOU feel about him/her that you love him/her. Even if you don't know how he/she'll react, just let him/her know how you really feel deep inside because THEY WON'T BE THERE FOREVER


-Adapted

~oOo~
Ito ang istoryang ayaw makita ni Macy... sorry kung pi-nost ko dito ah... hehehe...
Ito pala ay post ni Roanne sa forums ng quesci batch 2007 at kinopya ko lang dito... wala lang talaga... roanne kinopya ko ah, wag kang magagalit... peace tayo.
Yun na lang muna... okey... wala lang talaga akong malagay... hehehe...

Sunday, April 30, 2006

Avogadro Tres...

My second post...


I hope I am improving at this...


Well... I would just like to warn you that not everything I
would write here would be direct and specific...


Syaks... ang hirap palang mag-Ingles sa blog na ito...
hahaha... unang una sa lahat, nais kong magpasalamat kina...


+ Chito, Macy, at Ruphy para sa lahat ng kanilang
tulong suporta, at pagtuturo sa napaka-ignoranteng si Jane sa mundo ng blog.


+ Alyssa at Desiree para sa pagwawasto ng wika sa parting Ingles ng blog na ito.


+ Amae,Macy, Nat, Renan, at Ruphy, ang mga unang nagtiyagang tumingin dito sa aking
hamak na blog.


+ Angel of Memory, kung sino man siya, para sa disenyo at pabalat ng aking blog.


+ At sa lahat ng nagbigay inspirasyon upang pilitin ang aking tamad na sarili
upang magsayang ng internet card at oras para gawin ang blog na ito.


~oOo~


If we hold on together

I know our dreams will never die

Dreams see us through to forever

Where clouds roll by, for you and I


Sa mga oras na ito, ang tanging naiisip ko ay ang avogadro tres. Hindi ko alam kung bakit pero naiisip ko ang mga kaklase ko at sabik na sabik na akong makita sila. Bakit kaya? Siguro kasi, ito ang paborito kong seksyon, gusting-gusto ko ang mga ugali ng tao dito, at mahal na mahal ko sila. Kahit minsan nagsasawa na ako sa mga pagmumukha nila, mahal na mahal ko pa rin sila. Bakit? Kasi dito lumabas ang tunay na ako, dito ako nagkaroon ng mga tunay na ate at kuya, dito mas tumibay ang flexi, dito ko naranasang hindi matulog sa napakaraming gabi, dito ako nakatawa ng malakas at umiyak.. at marami pa. Baka tamarin ka lang magbasa kapag sinabi ko lahat. Walang kapantay ang AvoTres dito sa aking puso. Ang korni ko talaga, pero totoo lahat yun. Gusto ko na kyong maging kaklase ulit! Mukhang imposible na hindi tayo mabawasan o madagdagan ngayong pasukan. Pero alam ko na hindin-hindi tayo magkakalimutan!


I LOVE AVO3!

Tuesday, April 25, 2006

~First Post~

okey........
ito ang first post ko............
ahahaha.........
ang saya saya naman...........
wala lang........
unang-una sa lahat, salamt kay macy sa pagtulong nya sa akin dito......
ayun.......
saka na lang ako magpo-post ng iba........
hihihi.........