ayun. feel ko, yun yung pinakatoxic na ward namin as of now. para sa akin ah. dalawa kasi yung pasyente na naibigay sa akin ni sir. tapos yung dalawa eh ginawan ko ng papers. tapos kelangan talaga nilang bantayang dalawa ng maigi. at dahil med paper ay dun, kelangan ng malaking pagtitiyaga sa pagkopya ng chart, na sobrang kapal dahil ang tagal nang andun nung pasyente ko. tapos humalo pa yung problema sa bahay. tapos parang ang sungit pa ni sir. ahaha. :p pressure talaga yun eh. :p
pero ok naman. sana lang eh magawa ko yung med paper ng maayos. at sana ay matapos ko siya ng maaga. ^___^
ahm. ayun. at dahil natapos namin ang ward 9 at magsisimula na ang aming community, nag-UBE na naman kami! haha. mga adik sa UBE. although 6 anim lang kaming members ng group na nakasama [ako, dave, nikki, kuya mix, lors, koi]. ayun, dun kami sa momo. ok naman siya. malaki ang servings. yun nga lang, medyo hindi ko na-type-an yung in-order namin ni nikki. basta yun, baka mapili lang talaga ako. :p
at saka... wala ba talagang may kakilala diyan ng mga TB patients??? hahaha. sa pateros. :p grabe kinakabahan na ako. sana talaga maging ok lang ang dalawang linggo namin dun. >.< ahaha. :p waaaaahhhhh~~~
ayun. at dagdag pa sa isipan itong mga test sa GE subject. GRABE. natapat pa talaga sila sa community namin. =____= ang sama ng timing.
~oOo~
grabe. feel ko ang GC ko. GC naman talaga ako. ahaha. puro tungkol sa school at duty ang pino-post ko dito. @_@ eh kasi naman, dun lang naman umiikot ang buhay ko at nauubos ang lahat ng oras ko. bwiset. kung pwede lang sana ako magkuwento dito tungkol sa isang magandang anime o tungkol sa isang magandang laro eh ginawa ko na. >.< pero hindeeeeee... huhuhu. >.<
~oOo~
ayun. haaaaayyy. ang lungkot naman ng buhay. lalo na kung hindi mo masyado gusto ang mga pinaggagawa mo. nakakainis. nakakaubos ng enerhiya. para bang hindi nre-refill ang iyong energy stores kahit matulog ka sa weekend ng pagkatagal-tagal. kasi hindi lang naman pisikal na enerhiya yung nauubos sa yo. at siyempre, alam mo na kung ano yung ibang enerhiya na yun na nauubos sayo. =_____=
this is. depressing. T_T
ang laki ng problema ko. alam kong sa sarili ko, ayaw kong makihalubilo sa tao. hanggat maaari, mas gusto kong mag-isa lang ako. makakatagal ako sa isang araw ng hindi kinakausap at hindi pinapansin. pero sobrang mahirap sa akin ang kumausap sa mga tao, lalo na kung ako ang magsasalita. nararamdaman ko yung feeling na parang nakakapagod, ang bigat sa kalooban, at yung nawawala yung konsentrasyon mo sa kausap mo at sa pinag-uusapan niyo. SHAKS. hindi pwede ito. kelangang baguhin ko na ito. kasi hindi to puwede sa kurso ko ngayon. >.< hindi ako makakakuha ng magandang rapport, NHH, at makakapag-intervene ng maayos kung bagsak ang communication skills ko. huhu. anu bang sagot para dito??? ewan. =___=
hindi ako sanay nang gumagawa na hindi ko alam kung anong patutunguhan. pero kailangan kong masanay. dahil yun na ang buhay ko ngayon. @_@
~oOo~
parang ang daming kailangang gawin. parang napakakulang sa oras. bakit yung mga tao nung sinaunang panahon, hindi ganito ka-toxic. nakakainis. napakasimple lang naman ng pangarap ko, ang mabuhay ng masaya at maayos. pero bakit parang ang hirap makamtan nun??? haaaayyyy.. kelangan ko ng inspirasyon. ng isang konkretong rason kung bakit kailangan kong gawin yung mga ginagawa ko ngayon, kung may silbi nga ba sila, kung may patutunguhan nga ba sila. hindi ko alam. ang gulo ng isip ko. inaantok na ako. baka sapat na pahinga lang ang sagot dito. which is imposible.
~oOo~
K,hindi ko alam na ganun lang pala kababaw yung pagkakaibigan natin. pero sorry kasi alam ko may kasalanan ako sa'yo. pero may kasalanan ka rin sakin. pero baka ganito lang talaga ang natural na mangyari kasi nga ganito ang ugali ko, at ganyan ang ugali mo. talagang hindi tayo mag-uusap niyan. pero alam mo namang kahit gaano ka ka-toxic, o kahit gaano ako ka-toxic, gagawa ako ng paraan para sumaya ka kahit konti. pero baka hindi mo lang alam yun. o baka hindi ako effective na entertainer/artist. at siguro nga hindi talaga tayo close friends. ewan. pero kahit ganun, andito pa rin naman ako kung kailangan mo ng tulong. kasi kaibigan mo ako. pero baka hindi na para sa yo. hay. as if naman mababasa mo to. haha. :p
communication is two way.. :)
~oOo~
ahaha. kung kilala niyo si sorata at arashi, baka matuwa kayo dito. :p wala lang. :p