Saturday, August 08, 2009

two down. [and still a lot more to go. @_@]

ward 2 is soooo finished. \:D/

ayun. at tapos na ang grup D sa 105 sa ward 2 [surgery ward]. at tapos na rin ang aming physical exam kay ma'am manahan. hoooraaaahhhh!!!! :D

anu bang nangyari dun.. hindi naman toxic sa ward 2, siguro sa unang araw lang, kasi nagbagsakan ang papers nang kinagabihan nun. hehe. at pagkatapos eh hindi kami natutukan masyado ni ma'am sa aming duty kasi nga siya ang nag-check ng aming technique for physical exam. at muntik na nga kaming hindi matapos kasi nga kinulang kami sa araw. [wala kasing pasok nung wednesday. dahil kay cory. condolence. and we lab you. ^:)^] ayun. :p mabait naman si ma'am manahan. labyu ma'am. mwaaah. ang galing galing mo. medyo bangag nga lang ako dun sa test nung ward class, kaya nagkaroon ako ng gross mistakes. haha. ohwell, bahala na si superbatman. :p

medyo lumilipad rin yung utak ko nung duty. at kahit hindi duty. hanggang kaninang pumunta kaming pateros. at lagi akong may nalilimutan/naiiwanan/may mga times na hindi ako maayos kausap. @-) hindi maaari ito. FOCUS JANE. FOCUS. @-)

hindi ko alam kung pwedeng ikuwento dito, pero sige kukuwento ko na lang. wala namang masyadong nagbabasa nito eh. :)) ang case kasi ng pasyente ko dun ay flame burn, 40%. at siya ay isang 18 y/o pa lang. at dahil siya nasunog ay dahil sa isang hindi maiiwasang pangyayari sa kaniyang trabaho. TRABAHO. oo nagta-trabaho na siya. at oo nakakaguilty, kasi sa murang edad niya eh nagta-trabaho na siya at tumutulong na siya sa pagbuhay sa pamilya niya [wala pa naman siyang asawa. pamilya in this case = mother + father + 8 siblings]. ayun. at naaksidente pa siya dahil sa trabaho niya. [pero buti na lang at ang employer niya ang may sagot sa pagpapagamot sa kaniya.] ayun, nakakaguilty kasi habang siya ay nagtatrabaho, ang mga masusuwerteng batang katulad ko ay nag-aaral, nagne-net, at nagpapaka-sarap sa buhay [though hindi naman talaga masarap ang buhay ko], at ano ang igaganti ko sa buhay? pagsisisi at pagmamaktol. tsk tsk tsk.

ayun. alam ko na naman dati pa yun. pero minsan eh may mga bagay na nalilimutan ko dahil sa sobrang hirap na idinudulot ng studies ko. pero sana nga naiisip ko na mas masuwerte ako ng hindi hamak sa nakakarami sa mga tao sa mundong ito. >.< [pero suwerte nga ba ako. wahaha. :p]

ohwell. sana maisip ko rin ito pag nagcocommunity ako. wahaha. :)) para magkaroon ako ng lakas na hindi sumuko sa anu mang panlalait na maaaring ibato sa akin. dun pa naman ako mahina. :))

ang susunod na ward eh kay ma'am iellamo. sana maging ok lang naman ako dun. ok lang naman daw eh. :p

~oOo~

ahhhmmmm. ayun na yung tungkol sa duty. ahaha. anu pa bang maaaring makuwento dito. ahehehe. ayun. medyo nakakalungkot. kasi, wala lang. merong may birthday ngaung buwan. :)) gusto ko sana siyang batiin sa araw ng birthday niya, o ibigay yung regalo ko sa kaniya, kaya lang hindi ko magawa. kasi ayoko ng gumagawa ako nang para sa wala. para sa isang taong hindi ko na kilala. wahaha. ewan. hindi ko na alam ang gagawin ko. >.<

at bukod dun, may isa pang bagay na gumugulo sa isipan ko. wahaha. ewan ko kung maniniwala pa ako sa paniniwala ko na walang tama o maling desisyon, blah blah. argh. kasi if everything is relative, then we cannot be critical, sabi ni ma'am baustista na prof namin sa hum. ewan. =____= hindi ko na talaga alam kung anong gagawin. >.<

~oOo~


[snapshot mula sa "Sad Movie" [2005] si snow white yung mascot. haha. :)) ]

teka, may naalala lang akong i-share. trivia ito. ahaha. :)) badong na trivia. :p

"You know why none of the Dwarves hooked up with Snow White? They couldn't tell her how they felt. Not one! They were all ashamed of being dwarves. In fact... In fact, Snow White had a thing for short guys. When the Prince dismounted from his horse, he was goddamned... uh... really short. This is a secret, but actually he was the youngest.The eight, who was adopted away...." - seven dwarves from the "Sad Movie"

at saka isang quote. :)

"You know why the bitchy queen died so miserably? She was tricked by the mirror! When you look at your sweetheart, you don't look with a mirror, you look with your heart..." - - seven dwarves from the "Sad Movie"

ahehe. pero minsan hindi mo talaga maiiwasan na gayahin ang pagkakamali ng queen... :|

ewan. ahaha. sige, sana masundan ko pa itong blog entry pagkatapos namin sa IMU. ^___^

ja! :)


No comments: