Thursday, May 03, 2007

circle adventure. :p

blog skin update!!!
at ito ay para kay amae...
ayun, salamat sa pagpuna.. :)

~oOo~


magkukuwento naman ako ngayon tungkol dun sa libre ni martha. ayun. usapan kasi, 7:00 am dapat andun na sa circle sa tropical hut. pero dahil ako si jane, mga 7:30 am na ako nakarating doon. usapan kasi namin ni joe, magkikita muna kami sa tapat ng city hall kasi hindi ko alam kung saan yung tropical hut. ayun, at dahil ako nga si jane, alam ni joe na late na ako makakarating [magaling, magaling. :p] kaya yun, late na rin siyang pumunta. pero na-sobrahan ang late niya dahil sobrang bagal ng jeep na nasakyan niya. ayun, muntik na nga siyang mamatay eh, sabi niya. hahaha...

pagdating niya, saka ko lang nalaman na hindi na pala tuloy yung circle. kaya lang daw siya pumunta kasi pumunta na ako. ayun [so parang kawawa naman kasi ako kung mag-isa lng ako dun sa circle. ahehehe...] kaya yun, nag-bisikleta na lang kami. wahahaha. ayun, nakakapagod siya pero masaya. ang gandang exercise. :p [nag-promote daw.] pero ayun, dahil sa isang malaking katangahan, ako ay nasagutan sa bandang hita ata yun, malapit sa paa. akaya ayun, may sugat ako ngayon. haha.

pagkatapos kong masagutan, pinagpatuloy naming mag-bike. nagulat na lang ako nang biglang nangyaya si joe na mag-picture daw kami. abaaaaaaaa... atsaka ako nagduda, `si jose miguel nga ba talaga itong kasama ko? baka kinidnap na yun o kaya naman sinapian na `tong tao `to...` siyempre, duh naman, siya talaga yun. kaya ayun, nag-photo shoot kami dun sa circle. hahaha. ang saya talaga nun. pero sana mas masaya yun kung andun yung buong flecci.. diba flecci? rarrrr...

pagkatapos nun, napagdesisyunan na naming lisanin ang circle at dumaan muna sa sm para magpalamig. ayun, nagugulat talaga ako kay joe kasi siya pa ang nagtuturo sa akin ng mga ruta ng jeep doon. pati sakayan at babaan, syaks. grabeh na ito. haha. kaya ayun, sa wakas, nakapunta na kaming sm the block. doon naman, nakita namin sina jerbs at larz, kaya napagdesisyunan naming sabay na kaming pumunta kina martha. pero bago yun, naglibot muna kami at nagphoto-shoot gamit naman ang camera na dala nila. may exhibit kasi dun sa the block eh, kaya ayun...

pumunta na kami dun sa bahay nina martha. andun na rin pala sina steph at amae. sina cheoc at alyssa daw dun na sa circle di-diretso. kaya ayun, hinatid na kami sa circle c ng daddy ni martha, tapos kumain sa shakey`s. tuwang tuwa naman si amae sa mga pizza [hehe. peace tayo amae. :p] ayun. sa kabuuan, masaya at masarap ang pagkain namin dun. salamat talaga martha sa treat. grabeh.. :)

pagka-kain namin, naglibot muna kami sa circle c, bibili ata sana sila ng mga debede [dvd]. sakto naman, may raid ng raw na yun. haha. buti na lang at patapos na kundi baka nahuli pa kami. :p hindi ko nga alam eh, pero sabi nila andun daw si edu manzanas [hehe. natawa sila dun. grabeh.] pero hindi ko naman nakita. kaya ayun, bumili na lang kami ng dalawang ice cream, at ayun, umuwi na kami kina martha.

sa bahay naman nina martha, nanood kami ng saw 3 ata yun. grabeh, ang saya niya. nakaka-inspire maging doktor. wahahahaha. ayun, na-enjoy ko ang movie. hehehe. pagkatapos ng movie, umuwi na kami. pero sinamahan muna ako ni joe sa clinic ng daddy at mommy ni martha para ipalinis ulti ang aking sugat. [grabeh joe, salamat talaga sa pagsama.] kaya ayun, gabi na kami umuwi...

[sa kabila ng aking pagtatangkang itago ang aking sugat mula sa aking mga kapamilya, nakita pa rin nila ito. nakakalungkot naman. :( pero dedma lang naman sila eh, kaya medyo okey lang. :) ]

ayun na ang lahat. salamat talaga martha. pinasaya mo ang buhay ko ng araw na iyon. :)

~oOo~


isang pagninilay-nilay tungkol sa sugat...

sa panahong aking nakasama ang aking sugat dala ng aking katangahan sa circle, ako ay nakapag-isip ng ilang mga bagay tungkol sa mga sugat...

~kahit gaano mo man pagsisihan ang mga pangyayari, hindi mo na maibabalik ang oras upang ~itama ang mga pangyayari
~sa panahon ng iyong pagkadapa, malalaman mo kung sino talaga ang iyong tunay na mga kaibigan
~kahit gaano mo man hindi pansinin ang sakit, ito ay mananatili pa rin, kahit ano pa ang gawin mong hindi pagpansin
~hindi maiiwasang punain ng ibang tao ang bakas na dala ng iyong sugat
~kahit gaano man kasaklap ang nangyari, isipan mo na lang na may natutuhan ka mula sa iyomg karanasan, at ang mahalaga ay magamit mo ito sa hinaharap upang hindi ka na msugatang muli...
`ang mga sugat ay nag-iiwanan ng isang marka sa iyong katwan, na maaring iyong dalhin habang buhay...

[hehe. ang senti naman ng pagkakaroon ng sugat. :p]

No comments: