Even if there is pain now
Everything will be alright
For as long as the world still turns
There will be night and day
Can you hear me ?
There's a rainbow always
After the rain
Everything will be alright
For as long as the world still turns
There will be night and day
Can you hear me ?
There's a rainbow always
After the rain
~oOo~
haaayyy... pagkatapos ng mahabang panahon, magpo-post na naman ako dito. :)
ayun. masyadong maraming nangyari sa aking buhay nitong mga nakaraang araw. at dahil ginaganahan akong magkuwento, ikukuwento ko na lang siya dito ngayon. :)
~oOo~
MAY 14 [Monday]
wala naman akong masyadong ginawa ng araw na ito. ito ang aking nagsilbing araw ng pamamahinga mula sa mga nakaraang nakakapagod ding araw. ngayon din kasi ang araw ng eleksiyon ng sambayanang pilipino para sa posisyong senator at mas mababa pa. at dahil hindi pa ako nakakaabot sa labingwalong-taong gulang, hindi pa ako maaaring bumoto. ang tanging nagawa ko na lamang ay ipagdasal na sana ay ang maluklok sa puwesto ay iyong mga malilinis ang hangarin para sa bayan.
~oOo~
MAY 15 [Tuesday]
sa araw na ito ay pumuta na naman ako sa makati para pumasok sa aking trabaho. at dahil hindi pa nalalabhan ang aking pampormal na damit [yung slocks], nag-maong na lang muna ako at t-shirt. pagdating namin sa trabaho, ayun na. mali pala ang timing kong mag-maong [dapat kasi naka-formal attire kami mula lunes hanggang huwebes. saka na lamang kami maaaring mag-informal kapag biyernes na.] pumasok na pala kasi si ms. joy cerrafon, yung parang pinaka-mataas na posisyon sa parteng iyon ng synergy. kaya yun, napagalitan kami. pero okey lang, kasi mali naman namin yun...
medyo nanibago pala kami sa araw na ito sa trabaho dahil si ms. joy na ang parang nagbibigay sa amin ng utos. kung dati ay painter-internet lang kami, ngayon ay dumami ang trabaho namin. trabaho talaga. pero sa tingin ko, tama lang naman yun, kasi nga kaya naman talaga kami naroroon ay para magtrabaho, hindi lang para maglaro at mag-internet.
~oOo~
MAY 16 [Wednesday]
ngayong araw na ito ang aming enrollment. ayun, maaga ulit kaming dumating, ngunit pagdating namin dun ay mas marami na palang nauna sa amin. halos sabay lang kami ni noemie blessie madrid [noemie] na dumating. tapos, habang naka-pila kami roon, saka ko lamng napagtanto na kailangan pala ng short brown envelope. kaya ayun, habang nakapila kami dun sa tapat ng hindi pa bukas na registrar, bumili muna si nanay ng brown envelope. ayun, salamat na lng andun yung nanay ko.
tapos ayun, pagkatapos sa registrar, pumunta kami roon sa aming college, sa college of nursing. aming kinuha ang aming form 5, kung saan nakalagay ang aming block at ang schedule, nakita rin namin ang aming adviser, tapos nagpa-asses rin kami roon kung magano ang aming babayaran para sa tuition. pagktapos nun, pumnta namin kami sa office of student's affair [OSA] para mabawasan ang aming tuition dahil bracket C kami. pagkatapos nun, nagbayad na kami sa office of the university of registrar [OUR] ng aming tuition!! halos 14,000 lahat. dumiretso na kami dun sa isang kuwarto kung saan magpapa-litrato para sa ID. ayun. ang panget ko dun. hahaha.
at sa pag-asang mapunta pa kaming bracket E kahit medyo malabo na, pumunta kami ulit ng OSA ng nanay ko para kumuha ng papel para sa pag-a-appeal ng bracket para sa STFAP. sana n mapunta akong bracket E. :)
~oOo~
MAY 17 [Thursday]
orientation at psychological testing naman ngayon ng mga freshman na nursing at intarmed. ayun. aircon naman dun sa pinagdausan ng aming orientation. ang nangyari dun, isang hilera kasi kaming mga taga-quesci na naka-upo roon, tapos may biglang tumabi sa akin doon [ako kasi yung dulo sa hilera na iyon.] at dahil mahiyain ako, hindi ko na lng siya pinnsin. ngunit dahil pinipilit ako nina meme, lars, at kuya raymark na makipag-kaibigan sa kanya, nakipag-kilala na rin ako. ang pangalan daw niya ay timothy, galing ata siyang grace christian. yun. at siya ay isang INTARMED. medyo nalungkot ako doon, kasi nakagawa na ako ng set of questions kung sakali mang nursing siya. pero hindi eh. kaya ayun, pinakilala ko na rin siya sa kanilng mga scientians, at tumahimik na ako. hahaha.
pagkatapos ng orientation, lumipat na kami sa ibang room para sa psychological testing. pinaghiwalay na ang intarmed at nursing. salant sa diyos. nangliliit kasi ako sa kanila eh. ngunit bago ang aming psychological testing, nagpakilala muna kami isa isa at may isang part roon na kailangan mong magbigay ng... uhmmm... nakalimutan ko na yug tawag. haha. parang phrase siya na gusto mong sabihin. ayun, yung kanila kasi, hlos yung sinasabi nila yung dahilan nila kung bakit nila gustong mg-nursing. ang sabi ko naman `magpakasaya tayong lahat!`. hahaha. ang layo sa character ko. sasabihin ko sana, kaya ako nasa nusing ay dahil ayaw ko sa intarmed. pero parang ang yabang ko naman kung gagawin ko yun, kaya hindi na lang.
nagulat rin pala ako kasi biglang tinawag yung pangalan namin nina reuveal at dalawang iba pa. para pala iyon sa extrang scholarship. tapos iyon na. psychological testing na. medyo minadali ko na siya dahil nakakatamad. haha. pagkatapos nun, pumunta na kami nina reuveal at nung dalawa pa sa OSA, para dun sa extrang scholarship. binigyan kami ng ppel na sasagutan. at hidi lang iyon, gagawan pa namin iyon ng essay at kailangan naming umuhit ng aming vicinity map. at kailangan ay sa mismong araw na iyon ipasa! kamusta naman iyon ano!? kaya yun. dahil may trabaho ako bukas, hindi ko na siya kayang ipasa bukas ng maaga. kaya ayun. 2:00 pm, [hindi pa ako kumakain] umuwi ako ng bahay para masagutan yung mga tanong dun, yung vicinity map, at yung essay. natapos ko siya ng 3:15 pm. nagmadali na akong umalis ng bahay at pumunta ng upm via LRT dahil hanggang 4:00 pm lang sila. ayun. buti na lang naka-abot ako at napasa ko siya.
sa mga panahong ito. sobrang haggard ko na at sobrang tumatagaktak pa ang pawis ko. kaya ayun, kahit sobrang basang basa ko na, pumasok pa rin ako ng robinson para mag-explore [buti na lang hindi ako nagka-sipon. :p] . siguro mga 4:30 na iyon. hinanap ko pa ang food court, tapos kumin na ako sa steak escape. pagkatapos nun, naglibot-libot lang akong onti, pero hindi ko talaga siya makabisado. andun rin pala yung kumanta nung `pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?` ayun, medyo nalungkot lang ako sa kanta. paglabas ko, naligaw pa ako, kasi nilakad ko yung daan palayo ng LRT. haha. buti na lang napanis ko, bakit parang ang layo-layo ng LRT? ayun. naka-uwi na rin ako ng 7:30 pm. salamt sa diyos at buhay pa ako.
~oOo~
MAY 18 [Friday]
panahon na naman para sa pagta-trabaho. ayun. talagang napagod dahil ung mga nakaraang araw at wala pa akong pahinga kaya medyo inaantok-antok pa ako. aircon pa naman dun sa trabaho namin. tapos, yung pinagawa sa akin ay ang mag-ayos ng mga files at folders doon. sakit siya sa ulo alam niyo ba? mas gusto ko pa yung pingawa kin catherine o jericho, mag-xerox o kaya maghanap ng venue sa internet. aaarggh. pero okey lang, trabaho ko naman yun eh, at natapos ko naman siya. :)
ang kulit pa nga namin dun, kasi nagpi-print kami ng lyrics ng kanta [ay si cath lang pala yun. hehe] ang adik kasi nila sa `all i wanna do isa find my way back into love...` kaya naki-print na lang din ako ng lyrics. haha. tapos ng-print din ako ng schedule namin ng block 26. tapos, phinotocopy ko siya ng colored kasi gusto ko siyang subukan. hahaha. kaya ayun. gabi na kami naka-uwi kasi ng ang kulit namin. :)
~oOo~
MAY 19 [Saturday]
ngayon naman ang parang orientation namin ng mga nursing people. yung mga fbc ang gumawa nito, kaya masaya siya. medyo nakilala ko na yung mga ka-nursing mates ko at ang mga ka-block mates ko. ayun. nagpa-kilala kami dun, naglaro, at nagbotohan. nagbahagi rin sila ng kanilang mga kaalaman at karanasan tungkol sa kanilang mga pagiging nursing students.
pagkatapos nun, sumama ako kina paul, jolly, at vittzy sa robinson para kumain ng tanghalian. pagkatapos nun, medyo tumingin-tingin lang kami sa mga tindahan roon, at pagkatapaos ay umuwi na. sumabay ako kay paul pauwi, hanggang sa may parahan ng mga dyip. siguro, hangga`t kaya ko pang magtipid, magdyi-dip na lang ako. sayang rin kasi kung palagi akong mage-LRT. ayun.
~oOo~
MAY 20 [Sunday]
ito ang LSS day pra sa vog youth community. kahit naman abala ako sa upm at sa synergy work ko, sinisikap ko pa ring magkroon ng time para kay god. sayang nga hindi ko nasama yung flexi, kasi dapat nung april pa ito kaya lang na-move, eh nahiya na akong imbitahin sila kasi baka hindi na sila payagan o busy na sila. ayun, okey lang naman ang kinalabasan. haha. ako kasi yung humahawak ng kanilang intercessory, yung mga nagdadasal. okey lang naman [kait may ibang tumakas. lolz.] ayun. gabi na rin natapos na ito. at wala pa akong pahinga simula pa nung martes....
~oOo~
MAY 21 [Monday]
HAPPY BIRTHDAY JENNY!!! :)
ito dapat ang araw ng aming circle C adventure ni Jose Miguel Cabildo Albornoz [haha. ang saya i-type ng pangalan. :p] ayun. 10:00am kasi ang usapan naming magkikita kami sa mcdo carpark, pero 9:45 am andun na ako. kaya lang nagtaka na ako nung mga bandang 10:15am kasi wala pa siya, at hindi naman nale-late yun. kung ma-late man yun, magte-text yun. at dahil unli ako ng araw na iyon dahil birthday ni Jennilyn De Jesus, kinulit ko siya sa text. ayun. nagulat na lang ako ng mag-reply siya, pero kapatid na niya yung may hawak ng may cell phone [si carlos antonio cabildo albornoz]. ayun nga. nabangga daw siya. hindi sana ako maniniwala, buti na lang tinawagan ako ni carlos. ayun. pumunta ako sa heart center...
sasabihin ko sana sa avo, kaya lang pinigilan ako ni carlos eh. natakot naman ako sa kanya kaya hindi ko ginawa. ayun. medyo sinisisi ko pa rin yung sarili ko. ayun. ayoko na ipaliwanag. sorry talaga joe-kun...
~oOo~
MAY 22 [Tuesday]
ito na ang nagsilbing rest day ko mula sa mga nangyari nung nakaraan. medyo nag-isip-isip muna ako ng mga bagay-bagay.
nag-isip. natulog. naliwanagan.
~oOo~
MAY 23 [Wednesday]
work day ulit. ayun. abala na talaga kami simula ng dumating si ms. joy. ayun. [sa totoo lang tintamad na akong mg-type eh. hehe.] ang dami talagang ginagawa... pero indi ko na iisa-isahin yun. basta, talagng pagktapos ng bawat araw ko sa trabaho, pagod na pagod ako...
ayun. nagpa-load na rin pla ako. kasi tawagan ko sana si carlos [kung sakaling hindi pa gising sa jose miguel]. ayun. tinanong ko kung puwede kami dumalaw. puwede naman daw, kaya niyaya ko yung flexi na dalawin namin siya.. 6:00 ang usapan namin at diretso na kami sa heart center. na-late nga ako kasi late kaming pinalabas sa trabaho. ayun. sakay agad sa mrt, baba sa GMA station, kahit hindi ko alam kung paano sakay dun, bahala na. haha. sa kabutihang palad, naka-punta naman ako sa heart center ng maayos, at mga 6:30 na ako nakarating. hinintay pa namin si steph nung andun na ako para sabay sabay na kaming pumunta sa kinalalagyan ni joe-kun. ayun, pagdating namin dun, nakaupo siya at naglalaro ng rubix cube... mas maayos na yung hitsura kaysa nung nakita ko siya nung monday, salamat.
sana tuloy-tuloy na yung paggaling niya. :)
~oOo~
MAY 24 [Thursday]
work day na naman. at dahil nangako ako kay jose miguel na ipapadala ko sa kanya yung mga korneeeng jokes ko ng jiniEM ko nung lunes, nag-unli na naman ako. ayun. jiEM habang nagta-trabaho. wala na akong maita-type kasi ayoko nang magreklamo. haha. sabi ni joe-kun, ngayong araw na siya ilalabas galing sa hospital, kaya ayun. medyo hindi ko na siya kinulit.
pag-uwi ko, umuulan pa. ayun. basang-basa na naman ako ng ulan. pagkagaling ko kasi nung lunes sa heart center, sobrang lakas rin ng ulan, kaya sobrang nabasa rin ako. medyo nagtataka na nga ako kung bakit hindi ako nagkkasakit sa mga lagay na ito. haha. ayun lng. text text pagdating ng gabi. grabeh kasi yun mga jiEM eh...
~oOo~
MAY 25 [Friday]
today is journ day!!! hahaha. ayun, ngyong araw na ito, pumunta ako sa journ/staff room para sa paggawa ng aming yearbook. ayun, salamat kay amae at sa kanyang dedikasyon dahil kung wala siya, siguro walang patutunguhan yung yearbook namin. ayun, dahil may virus naman yung ibang mga pc oon, at mabagal din naman yun adobe photoshop dun sa laptop ni amae, medyo hindi rin kami nakagawa. naghati-hati na lang kami ng mga gagawin.
ayun. hanggang 5:00 pm kami dun sa journ room. umulan pa nga, kaya medyo nag-stay pa ako sa sm. andun yung cueshe, kaya medyo nakinig ako ng mga kanta nila. pagkatapos nun, nag-libot-libot ako sa national bookstore sa taas at sa baba. wala lang. na-miss ko na kasi eh. sobrang andaming alaala kasi ang naiwan ko doon eh...
~oOo~
MAY 26 [Saturday]
SYDP day!!! ayun. at dahil hindi ko alam ang venue, nakisabay na lang ako kay cheoc na pumunta dun sa pagdadausan, sa Quezon City Polytechnic University. akala ko naman kasi yung QCPU ay andun lang banda sa may San Francisco High School, malapit lang sa QueSci. marami pa palang branch `yun. kaya ayun. akala ko late na ako at iniwan na niya ako pagdating ko dun sa 7eleven kasi wala pa siya. haha. mas late pa pala siya sa akin. :p ayun, alam na pala niya kung papaano papunta, kaya yun, pumunta na kami.
medyo late na rin nag-umpisa yung orientation kasi marami ring late. hindi rin pala pumunta si steph kasi may dadalawin ata siyang kamag-anak. kaya ayun, dalawa lang kami, tapos sakto namang andun si reuveal, kaya tumabi na lang siya sa amin. nakaka-antok yung orientation kasi mainit at medyo paulit-ulit na rin yung sinasabi ni kuya ferdie ba yun o fredie. nakalimutan ko na, kasi nga inaantok na ako. haha. ayun, mga 11:30 am na ata siya natapos. si reuveal, umuwi na sa kanilang tahanan. kami ni cheoc, pumunta na lang sm.
pagdating namin sa sm, ayun, tumingin muna kami ng frame ng salamin para sa kanya. ayun. haha. nakakatuwa siya, andami niyang sinukat. yung pinili na lang niya pagkatapos eh yung isang frame na kulay blue, na medyo kamukha daw nung frame ni vittzy. [tingin ko naman hindi pa rin yun yung bibilhin niya eh. haha.] pagkatapos nun, napadaan kaming watsons, tumingin ng mga bagay-bagay. :p tapos, tumingin naman kami ng sneakers at tsinelas para sa kanya. una sa penshoppe, tapos sa department store na. ayun, medyo wala kaming napili. haha. ang mamahal kasi eh, kulang budget. :p pagkatapos nun, napagdesisyunan naming pumunta ng trinoma, yung bagong mall malapit sa sm. pero bago yun, nadaanan namin yung plato wraps, at naalala naming hindi pa pala kami kumain. kaya ayun, bumili kami nung chicken churva [mahina memorya ko eh, hindi ko na maalala yung pangalan. :p] may cucumber pala yun, eh hindi ako kumakain nun. binibigay ko sa kanya, sabi niya kainin ko daw. waaaaaahhh!!! inisip ko na lang pampa-healthy din yun, sige na nga. tatlong piraso din yun...
ayun, dumaan muna kami sa the block kasi doon naman talaga ang daanan. haha, parang may exhibit doon ng shrek 3, yung `far far away sari sari store store`. argh, ang korni. pro may mas korni kaming naisip, dapat `far far away away sari sari store store` na lang. haha. ayun, pagkatapos nun, dumiretso na kami sa TRINOMA!!! yehey!! haha. ayun, malaki pala talaga siya. may joke nga dun si migs eh, ang ibig sabihin daw nun eh TRIexits NO MAp. tama nga naman. ayun, naglibot-libot kami dun. para sa akin, ang pinakamagandang part dun eh yung parang garden sa labas. wala lang, parang ang ganda kasi ng view, parang paraiso. mararamdaman niyo rin ang feeling na yun pag andun na kayo. :p sabi ni cheoc, mas maganda pa daw yun pag gabi, may lighting effects pa daw kasi. ayun. pagkatapos nun, nagdesisyon na kaming umuwi, pero nakita pa namin si noemie at kanyang nanay malapit sa may entrance. ayun, pumunta na nga kaming sm.
pagdating sa sm, as usual, pumunta kaming food court at umuwi ng tubig. haha. mga naghihirap na bata. :p pagkatapos nun, umuwi na talaga kami. haha. ayun cheoc, salamat talaga sa pagsama, ikaw na naman unang kasama kong pumasok sa trinoma na ito. [pati kasi sa the block eh] haha. ayun. yun lang ang nangyari ngayong araw na ito. :)
~oOo~
MAY 27 [Sunday]
today is god day ulit. haha. ngayon pala ang 3rd year anniversary ng Voice of God [VOG] youth community. nung umaga, tumulong muna ako sa paglinis dito sa aming bahay. at pagdating ng hapon, pumunta na kami sa bungad para sa party! yay! ayun, masaya siya. puro kasi talentado ang mga tao doon. kung sana nga lang may mga talagang ka-close ako dun, sana mas na-enjoy ka pa yun... mahiyain kasi ako eh... at parang hindi ako bgay sa mga mundo nila... haaaay...
gabi na siya natapos. at pagdating ng gabi... ayan! nagta-type na ako ngayon nito!!! yesssshhhh!!! tapos na!!!
nais ko lang batiin dito ng...
ADVANCED HAPPY BIRTHDAY
STEPHANIE DAPOGRACION!!!
[istep. :) ]
yey!!! birthday na niya bukas... :)
~oOo~
Life's full of challenges
Not all the time
We get what we want
But don't despair, my dear
You'll take it each trial
And you'll make it through the storm
Cause youre strong
My faith in you is clear
So I say once again
This world's beautiful
Let us celebrate life
That is so beautiful
So beautiful... :)
No comments:
Post a Comment