ayan, magkukuwento na lang muna ako tungkol sa aking bagong skul... :D
~oOo~
I. Ang UNIBERSIDAD
ako ngayon ay kasalukuyang nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas, Maynila. [yakkk... formal.... ulit, ulit, ulit. :D] dahil sa pinasahan kong kurso, nag-aaral ako ngayon sa UPM [University of the Philippines, Manila]. ayun, kung akin siyang ilalarawan, sa kabuuan, siya ay mainit, mausok, mabaha, maliit [kung atin siyang ikukumpara sa UP Diliman], MALAYO, walang puno.... ayan, ahaha, napaghahalataang isa akong mareklamo at may natatagong galit na mag-aaral. :)
sa kabilang banda, may mga mabubuting katangian rin naman ang pinilit sa akin... este.... ang napili kong paaralan. una ay katabi lang niya ang Philippine General Hospital [PGH], kaya kung sakaling magkasakit man ako, maaari na ako kaagad na pumunta sa health service roon. isa pa, dahil nga malapit lang ang pgh sa amin, maaaring doon na kami mag-NSTP [na aking ikukuwento mamaya]. isa pa, sa tingin ko, maganda rin iyon para sa aming kurso, kung hindi mo gets, ewan ko sa 'yo. :p pangalawa, yung kalayuan niya [kung ibabatay sa aking pinanggagalingan at pamamaraan ng transportasiyon], tingin ko ay ok lang din sapagkat habang maaga ay nasasanay na akong magpaka-haggard [haha, joke lang. :p], saka mas nakikita ko ang realidad ng buhay dahil na rin sa lokasyon ng aking unibersidad. kung hindi mo rin ito gets, subukan mong maglibot-linot sa paligid ng UPM [siyempre hindi lang sa rob yun. :D]. pangatlo, siyempre, pag UP ka, ok ka, kokey!!! wahahaha!!! :D
II. Ang KURSO
ayun... PAGNANARSES [ayon sa diksyunaryo] ang pinilit sa akin... este... ang napili kong kurso. NURSING yun sa ingles, kung hindi niyo gets. ayun. `masaya` naman siya. haha. paano ko ba sisimulan... basta, sitenta [pitumpu, 70] lang ang tinatanggap ng aming kolehiyo bawat taon. para makapasok ka sa amin, ang tanging paraan lamang ay ang pagkuha ng UPCAT [at siyempre ay pagpasa nung kurso] at hindi puwede ang transferees. ayun, nahahati kami sa dalawang blocks [sections siya kung sa high school], block 25 at block 26. ako ay kabilang sa block 26. anu pa ba... ayun, masaya sa nursing kasi andaming mga organizations [orgs]. ayoko nang isa isahin yun dito, pero ako ay kasapi na ng nac [nursing artists cor], narsilikha [arts group]. ayun... tapos, isa pang masaya sa nursing ay para daw kaming isang pamilya [daw kasi hindi ko pa masyadong feel. haha. :D ] ayun... wala pa palang bumabagsak sa board sa mga nursing students na galing dito, kaya biro nga nila, kung sino man yung kauna-unahang bumagsak sa board, maaring siya ay patayuan ng estatwa, at handaan ng katakut takot na psychological assistance. kung hindi niyo gets, bahala na kayo. :p ay, ay, ay... may mali ako!!! hindi pala kami NURSING STUDENTS... we are STUDENT NURSES!!!wahahaha!!! :D [kung hindi niyo gets ang pagkakaiba nun... ewan... ] at isa pa, ang ollege of nursing sa UP ay ang kauna-unahan sa buong pilipinas, kaya kami ang orig. wahaha... ang yabang. :p
III. Ang mga ASIGNATURA
A. NURSING 1
-ang asignaturang ito ay nahahati sa tatlong seksiyon:
1. Anthropology
kamusta!!! kamusta naman itong subject na ito!!??!! ahahaha... akin munang ikukuwento sa inyo ang tungkol sa propesor namin dito. siya ay si bb. dolores recio, 85 taong gulang. at ang dahilan kung bakit hindi pa siya nagreretiro kahit lagpas 60 na siya ay dahil sa kadahilanang isa siyang PROFESSOR EMERITUS. ayun. hindi ko nga alam kung anung ibig sabihin, basta ang alam ko, kagalang-galang na siya dun sa aming kolehiyo at ayon sa iba, magaling siya at nag-iisa lang talaga ang prof. recio na makikita namin. ayon sa mga kuwento niya, isa ata siya sa mga unang nagtapos ng nursing sa up, kaya may karanasan pa siya noong panahon ng digmaan. ayon, at dahil ng prof emeritus siya, lagi niyang idinidikdik sa mga kukote namin na hindi daw siya sinusuwelduhan sa pagtuturo niya sa amin, transportation allowance lang daw ang ibinibigay sa kanya. yun ang mga linyang pangpa-inspire niya sa amin para mag-aral kaming mabuti. lol. isa pala sa mga magandang katangian niya ay ang kanyang magandang pananalita at choice of words [lintek, anak ng bathala (with matching action pa yun... ituturo ko na lang pag nagkita tayo. :D)... etc.] ahahaha... sabi nga ng ibang prof. namin, na naging prof. din siya [isang katunayan na matanda na talaga si ma`am recio] medyo mabait na daw si ma`am recio sa amin ngayon, dahil dati daw sa kanila, mas malala pa ang mga murang binibigkas sa kanila. [buti na lang recently lang ako pinanganak. haha. :p] anu pa ba, si ma`am recio, ang lecture niya, about 10% tungkol sa subject, 5% siguro sa panlalait at pangangaral niya sa amin, at 85% ng pagkukuwento niya tungkol sa kanyang nakaraan at karanasan. bawal din pala late sa kanya, pati yung maaga ng onti. kailangan 30 minutes before the time, andun ka na, kundi, masasaraduhan ka ng pinto at absent ka na sa klase niya. [7:30 am nga pala ang klase namin sa kanya, at galing pa akong quezon city. napakasaya ng buhay. :) ] ayun, ang mga test pala niya ay karaniwang essay. mali ka na pag mali ang grammar mo [english major ata siya eh, hindi ko lang sure... :D] ayun, ganun kasi ang finals namin eh, eh puro daw kami bagsak kasi mali mga english namin, kaya ayun nag-retest kami. at hindi ko na alam kung anu nang nangyari dun sa aming finals...
2. Psychology
pagkatapos ng aming madugong anthro, psych naman ang susunod. si gng. merle mejico /mehiko/ ang aming propesor dito. ayan. madugo rin itong parte ito ng N1. okey lang naman si ma`am mejico, marami kang matutunan sa kanya at sa subject niya. yun nga lang, medyo nabigla lang ako sa unang dalawang araw ng lecture namin. bawat meeting kasi namin, may quiz na mga 50-60 items siguro. nung una, essay yung pina-test. buti na lang nagbasa ako ng kahit kaunti, pero hindi pa rin sapat yun apara makakuha ako ng mataas na marka. dun naman sa pangalawa, objective na yung type ng test. nag-aral naman ako, kinabisado ko siya. pero pagdating nung test... ANU NGA ULIT YUNG SALITANG YUN??!!?? ahahaha!!! ang saya saya. medyo nakalimutan ko na kasing magmemorize ng dibdiban kasi hindi ko naman ginagawa `to nung fourth year. kaya nung pangatlong test na, ayun, objective ulit, tumass na ang score ko. ahaha. share lang yun. :) tapos yung mga pinag-aralan namin dun, nakakatuwa kasi may mapupulot ka talaga. sa ngayon, ang pinakana-appreciate ko na nakatulong talaga sa akin e yung mga dahilan kung paano effectively mata-transmit ang laman ngiyong short term memory sa iyong long term memory [NOTE:
hindi pala sakit ang short term memory. ahaha. kapag pinag-uusapan natin ang attention span, dun na mare-relate yung STM. it can only hold 7 items, plus or minus 2, and it lasts only for about 20 seconds... halaaaa, nag-lecture na... :p ] ahaha. yun yung nakatulong sa akin para mapataas ang score ko sa test. :) sa psych rin pala, mahalaga rin yung recitation sa kanya. as in recitation na mag-eexplain ka ng isang parte ng inyong lesson... ayun, mukhang babagsak ako dun, kasi nahihiya akon mag-recite, kasi baka barahin ako ni ma`am. pero may paliwanang din dun sa pag-iisip kong yun. siguro nung bata pa ako... [TAMA NAAAA!!!!] ahahaha... gusto ko talagang magkuwento tungkol sa lesson namin, kaya lang masyado nang mahaba ito. so yun na lang muna. on-going pa ang psych nmin ngayon, so hindi pa tapos ang storya....
3. Sociology
ayon kay ma`am mejico, dahil wala si prof. añonuevo na dapat ay popesor namin sa parteng ito ng N1, si MA`AM RECIOulit ang magtuturo sa amin sa socio. KAMUSTAAAA?!? ayun, ayon sa mga higher years na dumaan din sa mga kuko t pangil ni ma`am recio, magre-report daw kami sa socio, report na may kasmang panlalalit ni ma`am recio [kasi nga diba english major siya?!?] nakakainis. pero wala akong magagawa. kailangan kong pagbutihan ito. ayokong makita muli ang pagmumukha ni ma`am recio next year. AYOKONG MAG-REPEAT!!! T.T
B. NSTP [National Service Training Program]
nstp... ahehehe... ayun, parang maagang training ito para sa aming mga student nurses. basta ang bawat block, hinati sa tatlo. yung tatlong yun, dinestino sa iba't ibang lugar: Out Patient Department (OPD) sa PGH, Cancer Institute (CI) sa PGH rin, at sa Kanlungan [tatawid ka pa ata mula sa CN bago makarating dun]. ang grupo na kinabibilangan ko ay napunta sa CI. ayun, masaya naman siya. bawat linggo, may iba't ibang activity kaming gagawin na parang ipe-present namin sa mga cancer patients dun. eto yung mga ginawa namin: one-to-one talk with the patients, fun with the pedia :p, bible study with the oldies, and a presentation about proper hygiene and nutrition. ayun, dapat kahapon, pupunta kami kasama ang mga pedia patients sa munting paraiso, kung saan manunuod dapat kami ng movie. kaya lang hindi yun natuloy dahil sa bagyo. kaya ayun. next week daw, by pair, kami yung parang magsisilbing bantay ng mga patients, as in kami yung maglalakad ng mga pangangailangan nila. ayun. ung medyo mahirap lng sa CI, eh yung mag-isip kung paano niyo ipe-present yung naka-assign sa inyo. wala lang. haha. pero sa totoo lang, mas mahirap ang trabaho ng mga nasa OPD at Kanlungan. ahehehe. ayun. sa kabilang banda, kaya naging masaya sa CI eh kasi makikita mo naman sa mukha ng mga pasiyente ng na-appreciate nila yung mga ginawa namin para sa kanila. ayun... :) napaka-fulfilling at nakaka-inpire. :D [parang hindi ako yun ah. :p]
C. PHYSICAL EDUCATION
table tennis ang PE ko. ahahaha. kamusta naman yun. TAKOT AKO SA BOLA!!! kahit anong klaseng bola. papalapit pa lang ang bola, napapapikit na ako. so, i-imagine niyo na lng kung anung pinaggagawa ko kapag PE namin. haaaaaayyyy... yoko talaga ng PE na ito. ayun, nag round roin na pala kmi [yung isa isa mong kakalabin ang mga classmates mo.] isa lang ang panalo ko. ahaha. kawawa naman ako. pero sa tingin ko naman nag-improve ako kahit konti. nakaka-third set nga ako. eh. :p lol. WHATEVER. ayoko talaga nito. T.T [tito nga pala ni renan yung teacher namin dito, si mr. nuestro. ahahaha. hindi joke yun :D]
D. COMMUNICATIONS 1
si ms. charette pagtalunan ang propesor namin dito. ayun. ok lang namin ang english namin kung ikukumpara mo sa ibang sections. hahaha. :D nakakatuwa yung teacher kasi ang kyut ng pagsasalita niya ng english, tapos ang kyut ng mga binibigay niya sa aming articles at exercises, tapos ayun. wala na akong masabi. ahahaha. :D basta, siguro, ok lang naman tong subject na ito. :3
E. SOCIAL SCIENCE 1
si mr. abe padilla ang propesor namin dito. long hair at may katandaan na siya [pero sobrang mas bata naman siya kung ikukumpara mo kay ma`am recio. hahaha. :D] ayun. masaya naman siyang mag-discuss, halos puro jokes. yung iba namang jokes eh mga green jokes. kung saan nakiki-ride naman yung iba sa mga lalaki kong blockmates. ayun, haha, ewan ko kung matutuwa ako o maiinis dun. :p basta, yung type ng test niya eh pangkaraniwang enumeration. kaya medyo nabigla rin ako dun sa first test namin, kasi hindi ko pa alam. pero oky lang, mataas na rin yung score ko para sa akin. uhmmmm... yun lang ang masasabi ko sa subject na ito eh. natutuwa lang din ako pag socsci time na kasi ang lakas ng aircon sa room natin dito. :p
F. PHILOSOPHY 1
si ms. jimenez ang propesor namin dito [kapatid ata niya si joyce jimenez, hindi nga, no joke] ayun. trademark na ng guro namin dito ang magsalita ng mga favorite expressions niya tulad ng `do you understand`, 'let me pause`, at `do you follow?`. ahahaha. medyo napabayaan ko lang ang unang test ko dito, bagsak ako dun eh. essay kasi, para sa akin tama naman ang mga sagot ko, eh may hinahanap pa ata siyang mga specific na salita at phrases at kung anu-ano. haaaayyy... pero pramis, pagbubutihan ko na. medyo may pagka-math na hindi ang topic namin ngayon eh. logic. ahaha. ang kyut. :)
G. MATH 11
STRESS RELIEVER KO `TO!!!! haaaayyy... si sir solano ang propesor namin dito. ayun, halos mga lessons lang nung first at second year ang pinag-aaralan namin dito, kaya masaya. ahahaha. nag-first departmental na kami dito, puro true or false ang mali ko. ahahaha... yakkkk. kailangan kong basahin talaga ng mabuti ang module. wala lang. talagang eto angstress reliver ko kapag nag-aaral ako ng ibang subjects, kapag kunwari masakit na ang ulo ko kaka-memorize, magsa-sagot muna ako ng kahit isang problema sa module namin. ahahaha. mami-miss ko ang math.. T.T
IV. Ang Mga WALA LANG
ayun. puro kuwento lang ang andito. kukuwento ko na lang ang buhy ko ng mga unang araw ko sa UPMla. Dahil nga likas ako na loner, at hindi ako sanay na may maingay sa aking kapaligiran na hindi naman kailangan at hindi naman nakakatuwa [NAIIRITA AKO...], mas pinipili kong mag-isa nung mga unang araw. medyo lumayo muna ako sa mga scientians kasi wala lang, feel ko lang. :D observe observe, feel feel muna. pagkatapos nun, medyo napapansin kong may mga nabubuo ng mga grupo sa amin. kaya, nakisama ako sa mga grupo na iyon. ahahaha. FLEXIBLE naman ako eh. :p pero sa huli, ayun, bumagsak ako sa kamay ng mga BABEHS. ahahaha.. ayun, masaya naman sa grupong ito. kain, gala, saya, photohunt, gbox, kain, kain, kain.... ahahaha. :p ayun. pero siyempre, nakikisama pa rin ako sa iba, katulad ng sa FAMILY. ahehehe. ayun. inaamin ko nung mga first day, medyo hindi ko na-feel ang mga classmeyts ko dahil sa iba't ibang factors, pero ngayon, medyo nakikita ko na ang kanilang good and bad sides. ayan, mas na-eenjoy ko na ang buhay ko ngayon...
ang buhay ko pala ngayon, medyo planado na [kagagawan to ng aming psychology. masyado akong naimpluwnesiyahan. :p] haaaayy... ang best place ko ngayon sa skul namin eh ang LIBRARY, lalo na yung mga may naka-separate na table at upuan na pang-isahang tao lang. sobrang nakakatulog... este... nakaka-aral ako ng mabuti dun :D ayun, kung ayaw kong mag-aral o matulog, magmumuni-muni lang ako. wala namang nakikialam eh. ahaha. tapos, kapag nag-aaral ako, hindi ako puwedeng makinig ng music habang at pagkatapos mag-aral, titingin lang ko sa malayo o kaya matutulog. gumagana siya sa akin, ang saya saya. hahaha...
pag-uwi naman, nung mga unang araw, nagji-jeep ako papunta at papunta. mas mura kasi siya ng kalahati kung mage-LRT ako kahit medyo haggard. pero habang dumadami ang mga ginagawa namin, naisip ko na siguro mas maganda kung mage-LRT na nga lang ako. haaaay... ayun, isang dahilan pa nga pala kung bakit masayang mag-jeep pauwi, kasi ang ruta ko dun, sasaky muna ako papuntang quiapo, tapos project 7. sa quiapo, may tindahan dun ng mga hopia. eh maiinit pa yung mga hopia nila at masasarap. wala lang... nami-miss ko na yun...
ayun lang... wala na akong mai-kuwento eh. ahahaha. :p sana kayo masaya sa buhay niyo ngayon. Ü nasa panahon pa lang ako ng pag-aadjust ngayon eh. yah. kalahating taon pa ito. :D yun lang. :)
~oOo~
~hindi ko alam kung bakit ko ba ginawa ito eh may test pa kami sa socsci at philo at hindi ko pa nagagawa ang term paper ko sa N1...~patawarin niyo ako kung masyadong hindi organized ang aking mga thoughts and ideas. ahahaha... improptO lang ang pagsulat na ito eh. :D
~ang ganda ng `will of the heart` ni shiro sagisu, piano piece siya, sa BLEACH... haaaaayyy...
~may topic na ako para sa next blog entry: bakit ayaw kong mag-nursing. :p
~oOo~
No comments:
Post a Comment