~oOo~
Ito ang ilang dahilan kung bakit ayaw kong mag-nursing...
1. Ayaw ko sa UP Manila dahil malayo. Sobrang hindi ako sanay dahil simula ng mag-aral ako ng kinder 2 sa Esteban hanggang 4th year high school sa QueSci, nasanay ako na tricyle o lakad lang ang ginagawa ko. Ayun, sa totoo lang gusto kong mag-Ateneo kasi mas malapit siya sa amin at mas gusto ko ang atmosphere [hehe. :p] Malinis kasi dun eh. Kaya lang pinigilan ako ng aking magulang dahil baka raw i-discriminate ako ng mayayaman. [edi idi-discriminate ko rin sila kung bakit hindi sila mahirap. LOL. :D]
2. Gusto ko ng Math/Engineering na course. Ahaha. Gusto ko talaga na kahit anong related sa Math o Physucs [yack... kadiri... :D ] Mas gusto kong maghanap ng solusyon sa mga problema kaysa mag-labisado ng maraming salita. Ayon. Yun lang. Gusto ko sanang kunin yung Applied Math sa Ateneo, kaya lang pinigilan nga nila ako, tsaka ano naman daw ang magiging trabaho ko un. Puwede rin naman sana yung ECE sa UPD, kaya lang, mahirap daw mag-excel ang mga kababaihan dun...
3. Hindi ako marunong mag-alaga ng ibang tao [?] Ahehe, hindi ko pa 'to alam. Wala kasi sa ugali ko ang mag-alag ng ibang tao. Kadalasan, wala akong pakialam sa kanila. Ahahaaha. :p Joke lang.
4. Ayaw ko ng malaking responsibilidad. Yah. Ayaw ko `yun. I hate iit. Parang ang laki-laki ng ekspektasyon nila sa akin. Hindi lang ng pamilya ko kundi pati na rin ang college of nursing at ang mga pasiyente sa pgh. [hehe. ang feeling. :p] GRRR... Ewan.. Ahaha... Parang hindi ko kayang ganito...
5. Wala lang. Tinatamad na akong mag-aral. Ahaha. Joke lang. Mas lalo akong magiging insomniac pag hindi ako nag-aral. :D
So ayun, ayun na ang mga naiisip kong dahilan kung bakit ayaw kong mag-nursing. Wala lang. Gusto ko lang ilabas ito dahil bigla ko na lang maisipang lumipat ng course. Ahehehe... :p Sabi nga ng kuya ko, "kung patuloy kang mabubuhay sa nakaraan, paano mo gagawin ang best mo sa kasalukuyan, at paano mo haharapin ang kinabukasan?' [churva. :p]
~oOo~
so ayun. tungkol sa theme ko ngayon, HALF EMO, HALF MANGKUKULAM ba talaga??? T.T kainis naman o... ayaw kong palitan, bahala kayo. :p
No comments:
Post a Comment