ahahaha. eto na. aandar na naman ang pagkamasayahin ko. :))
OMG!!!! totoo ba talaga yung naging score ko sa 2nd depex sa chem?!? wahahaha! ang taas niya! woooohhhhhhhhhhooooooo!!!! grabe. sobrang nakakagulat talaga. bakit? ganito kasi yun...
[eto yung mga partida ko. :))] sabado kasi yun. so nung friday ng gabi eh nandun pa kami sa skul namin sa manila at nagco-cosplay ng mga historical na tao sa Pilipinas. eh sobrang gabi na natapos yun, at kumain pa kami sa KFC pagkatapos [so mga mababait kaming bata; may test na nga bukas, may gana pang kumain. :))] tapos yun, umuwi na ako. sa LRT pa ako sumakay nun kahit may bomb threat. :)) lakas ng loob eh. :D
tapos kinaumagahan paggising ko, what!?! umaga na pala. :)) kasi may balak sana akong mag-aral nung gabi, kaya nga lang nakatulog ako. :)) so ayun, mga 6:00 ng umaga yun, nagsimula na akong maghapit mag-aral. kay LeMay [libro sa chem; Chemistry: The Central Science. ewan ko nga ba kung bakit si LeMay lang ang sikat sa kanila eh 3 naman silang authors. :))] lang ako nagbasa at sa ginto kong notes. tapos ayun, 1:00 ng hapon ko kasi balak mag-test, pero pumasok pa rin ako ng maaga para sa mga ka-block kong naghihintay sakin. mga 10:00 na ata ako nakarating run. so medyo sabog-sabog pa utak ko nun. :))
tapos pagkadating ko, kain na kaagad. :)) hindi man lang ako nakasali sa aral nila, onti lang. tapos punta sa LRC kung saan kami magte-test [sosyal kami eh, si sir junie B. kasi prof namin. :D] tapos ayun, medyo natakot pa kami kasi yung batch na nauna sa aming mag test eh mga taga-OT, nag-overtime na sila dun sa loob ng room. tapos pagkalabas nila, ang hirap hirap daw nung test...
yun nga, mahirap nga. :))
pero bakit?!? anung nangyari?!? bakit ganun ang score ko?!? :))
wala lang. nakaka-pressure kasi. [nakana. yabang.] tapos yung 3rd depex, ang hirap. totoo na talaga yun. mahirap siya, pramis. yun yung pinag-aralan ko pero dahil naman ata sa sobrang nag-aral ako dun eh sumakit na ulo ko sa time ng test kaya hindi na ako nakapag-isip ng mabuti. :)) ayun, nakakahiya naman kung bumaba yun...
pero bakit ba, score ko naman yun eh. anung magagawa nila kung biglang bumaba. bwahahahaha!!! :))
pero in fairness, natuwa ako sa facial expression ni sir junie B. ng malaman niyang ako si `jane rose lim`. para bang nagulat siya. :)) kasi one time, nahuli ata niya akong natutulog sa klase. ahahahahaha!!!! :)) kasi naman, nakaka-antok talaga pag time niya. ang sarap matulog. ayun, wala lang. ahahaha. nakakatuwa lang talaga yung mukha niya. tapos parang ayaw pa niyang ibigay yung paper sakin. `jane rose?` wahahahaha!!! :D [o ayan, nababaliw na ako.]
pero ayun, masaya na ako. kasi nataasan ko ata yung CL ko. :)) [anu yung CL?!? bwahahaha!!! martha!! martha!! :D] ayun. so kelangan pala mag-aral ako para sa 4th depex. kaya ko naman pala eh. :D hehehehe. nabuhayan muli ang aking pag-asang makakuha ng uno at pantayan ang aking CL. Ü
ayun. wala lang. blog KO naman to eh kaya puwede kong ilagay kahit ano mang gusto ko. :)) sobrang masaya ako kaya tingin ko naman dapat ko lang siyang i-share dito. :D ahahaha. diba?!? diba?!? o ayan, pasensiya na sa mga tinangay ng buhawi dahil sa kayabangan ko. :D
yey! 101! :3
No comments:
Post a Comment