narito na ang mga mahahalagang nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw...
@N3 TEST RESULT [25]. ano, okey naman siya. hahahaha. masaya na ako dun sa nakuha ko. nakalimutan ko na kung hanggang ilan yung test saka kung ilan yung bonus dun. basta yung una kong score eh 94. eh may isang item pala na maling na-checkan si sir, kaya yun, naging 93 na lang. pero okey lang, sobrang masaya na talaga ako dun. :D
@BAGONG N2 PROF [26]. wowoweeeee. ang saya saya naman. bago na prof namin sa n2. nung una medyo nainis ako sa kanya kasi sinabihan niya yung iba naming kaklase na may quiz kagad kami sa una naming meeting. eh dahil nga sa trauma na natamo namin kay ma`am mejico, medyo na-pressure akong mag-aral kasi baka bumagsak ako [pero dahil sa sobrang pressure, hindi na ako nakapag-aral at NAKATULOG na lang ako. hahaha. kamusta naman yun?!?] tapos, yung quiz namin, yung mga klase ng tanong eh mga tipong `ano ang gusto niyong maging nung bata pa kayo?`, `ano ang paborito niyong laruan nung bata pa kayo?`, `ano ang pinaka-gross na ginawa niyo nung bata pa kayo?`... haha... parang pang slum book lang ah. :)) ayon, napakasaya niyang prof. tawa kami ng tawa. parang hindi n2. [haha.] kaya siguro, magiging masaya na ang n2 namin mula ngayon. :D [ay, pangalan pala niya eh i sir dominic paguio. :)) ]
@NAKAKAWINDANG NA ARAW [27]. pagsasamahin ko na lahat dito. hahaha. first class eh PE, edi ayun, takbo muna ng apat na beses na ikot dun sa may kung saan para sa warm-up, tapos nag skip rope lessons ulit [hindi ko pa rin kayang gumamit ng isa lang na paa... :( ]. nag skip rope race din kami [hulaan niyo na lang kung pano yun. :)) ]. pagkatapos nun, nagcool down kami, minasahe namin ang aming mga partners [actually, may tawag dun, pero nakalimutan ko na eh. :D ]. second class eh histo, eto na ulit ang NAKAKA-LURKEI NA TEST!!! ahahaha!!! yung typical test lang naman siya, identification tapos essay, pero ang cheberloo kasi niya eh. as usual, kahit medyo gumuho ulit yung mundo ng iba kong classmates, ako, wala lang. life goes on. :)) third class e chemlab. ayun, pagod na naman kami dun. pero nakakatuwa naman eh, at least diba, nararanasan kong maghalo-halo ng kung anu-anong klaseng mga kemikal. :)) haaaayy, so magpapasa na naman kami ng lab report...
@WALA LANG [28]. hw kasi namin sa n2 eh magdala ng favorite toy nung bata kami. kaya ayun, andaming may dala ng mga laruan ngayong araw na ito. nakakawindang ang mga tao, parang bumalik sa pagkabata. :)) nakaka-miss tuloy magkaroon ng `imaginary friend`. :)) ayon, hindi naman namin nagamit yun kasi nanood lang kami ng `abakada ina`. okey naman yung movie, cute. :D [tamad na akong magkuwento... ] pagkatapos nun, n3 lab, wala lang, test na pala sa susunod na meeting, kamusta naman yun... tapos comm, comm, COMM. aaaarrrggghhhh. wala lang. parang ang major talaga ng subject na to. nakakainis. :( [see my checklist below.]
uhmmm... ayun lang naman... walang masyadong magandang nangyayari sa buhay ko ngayon. kung nung mga nakaraang linggo eh puyat ako ng puyat, ngayon nman e tulog ako ng tulog. yung tipong habang nagbabasa ng libro eh mamamalayan mo na lang na nakatulog ka na pala at 3:00 na ng umaga at kailangan mo ng maligo pra pumasok??? nakakainis!!! wala akong nagagwang maganda sa buhay ko ngayon!!!
ay meron naman pala, nakapanood ako ng ilang episodes ng naruto shippuuden, napanood ko rin ang ilang special episodes ng card captor sakura [courtesy of migs], nabasa ko na rin latest chapter ng manga ng bleach, na-burn ko ng ouran chapters 19-26 si nikki, at napanood ko na ang original dvd movie ng death note 1 [courtesy of kuya arthur], [ang mahal pala nun]. HAHAHAHA!!! okhei, okhei, andaming kong nagawang mali!!! lya ayan, resolution ko ngayong linggo na ito, WALANG ANIME!!! BUWAHAHAHA!!! go jane!!!. :D
haay andami ko pang gagawin...
__ n3 quiz aral
__ n3 lab test aral
__ n2 reaction paper
__ nstp essay. :))
__ chem depex aral
__ chemlab report
__ histo preparation para sa cosplay
__ pe pratice skip rope [so parang gagawin ko talaga to. :)) ]
__ comm plan of attack
__ comm concept paper draft
__ comm miniplan
__ comm notecards [linteeeekkkk!!!!]
__ panoorin ang death note 2 [asa ka pa jane. :p]
hehehe. i can do this!!! BUWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! at may oras pa ako para gawin itong blog post na ito!!! napakagaling ko talaga!!! haaaayyy... [nevermind, nagma-mumble to myself lang ako.]
o cge, saka ko lang na-realize na wala na pala akong oras para matulog. magbabasa na kong n3. saionara! Ü
No comments:
Post a Comment