nakakainis talaga... wait lang, bago niyo 'to basahin, nais ko lang iparating na nagpapakatotoo lang ako sa sarili ko. oo, aaminin ko gc talaga ako. as in super gc ako. pero hindi naman yung sa point na halos patayin ko na yung sarili ko kakaaral. well... minsan oo. hehehe. pero kung ganun man ang mangyari, minsan lang yun mangyari sa buhay ko [tulad nung sa physics nun 4th year na pinagpupuyatan ko talaga para m-gets yung mga problem set ni sir kulong. :D ]. at ngayon, dumating na yung isa pang pagkakataon para gawin ko ulit yun...
haaaayyy... eto, description ng mga subjects namin ngyon summer:
1. MATH 1
section C, 12:00nn - 2:00 pm, prof. regaspi
-ok. ok lang naman yung subject. mga basic principles lang siya ng logic, geometry, trigonometry, statistics, calculus, and others. sa tingin ko nga, at sa tingin rin ng iba, at tingin ko ay isa siyang katotohanan, mas madali lang siya sa math 11 [naging subject namin nung 1st sem]. pero alam mo yun, ewan ko lang kung dahil sa katangahan ko o dahil sa pabago-bagong mood ko o dahil sa naging bobo na ako o dahil sa ibang subject na kasabay nito [hehehe. ---v ], ang baba ng grade ko dito. [ok. sori, gc ako so mababa na yun para sa standards ko.] so yun. wala lang nakakainis.
2. CHEMISTRY 31 [organic chemistry]
section B, 9:45 - 11:45 am, prof. robidillo
-ok. mahirap siya. as in. T.T para sa akin, sobrang mahirap talaga siya. nasabi ko na bang mahirap siya? [hahaha!!!] eto na yung subject na tipong pinagkagastusan ko para sa books at photox. [may natulong naman... pero sa mga susunod na hahawakan ni sir robi, kung ako sa inyo, huwag na kayong bumili ng book. AS IN. sayang.] pero alam mo yun. ang dami-dami nang kelangang aralin, pagkakasyahin mo pa lahat yun sa isang buwan. sa dami ng photox, mauubos na ang oras mo sa pagbabasa kaya medyo mawawalan ka na ng panahong mag-memorize at mag-analyze at mag-practice magsagot ng mga problem. ako kasi yung tipo ng estudyante na hindi magaling mag-memorize. kelangan pang paulit-ulit kong binabalikan ang isang word para lang tumatak sa isip ko... [nice. at nag-nursing pa ako...]
ayun. hindi ko siya kinaya. pumasa naman ako pero mababa pa rin yung grade ko. ayaaaaannnn... siguro medyo nagkasama-sama na rin yung panic na mapanatili yung grade ko at mapantayan yung CL ko... pero hindi eh, masyado talaga siyang mataas. sobrang taas. -_-
so ayun. ngayon, medyo malungkot ako. haaaayyy. nag-iisip ako kung kulang ba o sobra yung ginawa kong pag-aara. pero whatever. andyan na iyan. wala na akong magagawa. at least, nawala na yung pressure na i-maintain yung dato kong grade ko. harharhar!!! i'm free na!!! medyo nawala na yung pressure. ^_^
ok. whatever. hindi lang naman yun yung nangyari sa akin. eto. enumerate ko na lang:
~oOo~
1. wiii!!! nagka-ulcer ako!!! hahaha!!! pero pramis, ang sakit niya ah. T_T at kung hindi mo siya pinansin, paulit-ulit lang siyang babalik. tatalong gabi kaming napuyat dahil sa kakapunta sa mga ospital. [maarte yung tiyan ko, namimili ng makakagamot sa kanya. :p ] ayun. akala ko mamamatay na ko nun. pero hindi pa naman. gusto pan ipatikim na maawaing langit ang hirp ng orgchem sa akin. hahaha!!!
2. kinasal yung uncle ko. wala lang. hehehe. medyo nakakahiya kasi yung nangyari sa akin dito nung nagpaalam ako kay sir robi para umabsent -_- . hehehe. anu yun? secret na lang. :p
3. yun. sa unang pagkakataon, naka-dalawang absent ako sa isang semester. HUWAAAHHHH!!! actually, tatlo. nung first day, nung nagka-ulcer ako, at nung kinasal yung uncle ko. wow. @.@
4. tapos ko na yung ghost hunt at season 1 ng code geass!!! wahahahaha!!! wala lang. maganda naman sila pareho. ^_^. eto, yung ghost hunt, interesting. hehehe. tungkol kasi sa mga multo at iba pa. [duh. kaya nga ghost hunt.] yung code geass, ewan, siguro kung wala itong inner abhorrence [tama ba??] ko para sa mga robots, mas maa-appreciate ko siya. pero ayun, hindi ko kasi masyado ma-gets yung mga mecha terms eh. -_-. pero kung sa storya at sa 'bitin' effect lang naman. maganda siya. :)
5. ok. sumama ung cellphone ko sa mang-uumit. hehehe. kaya huwag niyo muna akong i-text o tawagan dun. ine-enjoy ko pa ang buhay ko ng walang cellphone. :)
6. hahaha. nami-miss ako ng CL ko. harharhar. whatever. :p
~oOo~
ayun. ayun lang naman yung mga naalala kong nangyari sa buhay ko. hehehe. kelangan kong maging masaya ngayon para masulit ko naman yung 'bakasyon' ko. :) wiiiii!!!!! :D
No comments:
Post a Comment