whoaaaa!!!! i'm exercising my stubbornness to the highest level!!!
hahahaha... wala lang. gusto ko lang talagang maglagay ng bagong entry dito sa aking blog. ^_^ kasi alam kong matagal ko na naman siya bago malagyan ulit [sem break!!!]. at dahil wala rin naman akong kausap dito sa bahay, ku-kuwentuhan ko na lang itong blog ko. :D
wala akong nagagawang productive ngaun... nanonood lang ako ng dexter [hah. morbid.], tina-try maglaro ng mga larong matagal nang pinapalaro ni mark [BI ka. -_- ], nag-download ng naruto at bleach manga [tanggap ko nang hindi na ako makakapanood ng mga anime episodes kahit kelan. :(( ], i-drawing si kaoru-chan [ako.], at magpaka-OC at mag-ayos ng gamit ko dito. YUN. yun lang. haaaaaayyyyy...
pero sa pasukan, mami-miss ko 'to. kasi, binabalak [sana matuloy] kong patayin ang sarili ko sa susunod sa sem. ^_^ hahaha. pipilitin kong mawala ang lahat ng katamaran ng bumabalot sa akin at ituon ang aking buong puso't pag-iisip sa pag-aaral [eeewwnesss]. ohwell. hindi siya para sa grade. para siya sa matututunan ko. pero kasama na rin naman ata yun... kung naintindihan mo yung subject, malamang dapat mataas grade mo dun? [hindi sure? :p depende na rin siguro sa ugali ng prof. :D]
ayan. so ibig sabihin, minsan ko na lang gagamitin si YM!, at yun ay sa mga panahong kailangan ko na talaga ng tulong. :D ibig sabihin nun... goodbye CL. aaaaahhhhhh!!! T_T di bale, araw-araw naman taung magkikita sa skul eh. hahahaha. :)) eniweiz, wala naman akong intensiyong mapalapit sa'yo ng sobra. hahahaha. :)) [at most 2 tao lang siguro ang makakaintindi ng paragraph na ito. hahahaha. :p ]
oo nga noh. happy birthday steph!!! kahapon!!! [kahit hindi niya mabasa tong entry na ito] haaaaayyyy... uu nga noh, malapit na rin pala ang birthday ko. hahaha!!! hulaan niyo na lang kung kelan. ^_^ wala nga pala akong cellphone kung sakaling babati kayo. :) kaya siguro, yung mga makakabati sa akin, mamahalin ko ng sobra. hehehe. :D
ano pa ba... birthday... so dapat may wishlist? o eto... wala sa order. :)
1. ayaw kong makipag-socialize sa araw ng birthday ko [na napaka-imposible dahil sa date. -_- ]
2. sana batiin ako ng CL ko... hahaha. landi. :)) [hindi nga niya na-realize na birthday ko yung date na yun. walang kuwenta!!! HMMMPPPHHHH!!!]
3. gusto kong makapag-cerealicious. o chocolat. o kahit anung store na pedeng kainan na may tindang chocolate-based na pagkain. [isa itong malaking JOKE. sobra. hindi kaya nang schedule ko. -_-]
4. uhmmmm... maagang dismissal? :D
5. ichikon. ung stuffed toy sa comic alley. [na out-of-stock na. :p sana may mabili si kuya arthur dun sa kinalalagyan niya ngayon. :D]
6. sana makasama ko ang les flecci. :p [ahaha. nasa puso ko naman kayo palagi eh. :p ]
7. sana wala akong sakit sa araw na yun. ^_^
8. sana naman walang masamang mangyari sa pamilya ko [including our taxi and our cat milky. :) ]
9. sana, simula sa araw na ito, maging sobrang magaling na student-nurse na ako!!! [wohooo!!! AHAHAHA!!!]
10. ***************************** [lol. ito ang pinaka-imposible sa lahat. hulaan niyo na lang kung ano. :p]
... ohwell. yan. yan ang aking wishlist!!! wiiiiiiiiii!!!!!!! ahahaha!!!!!!!!! sana may matupad kahit isa. :)
ahhhhhh. yun. wala na akong masulat eh. haaaaaayyyy... salamat sa mga nagbasa nito. ^_^
oo nga pala mga flecci. ahaha. magpakasaya tayo bukas!!! wohooooo!!!!
No comments:
Post a Comment