blog entry. wow. matagal-tagal ko na ring hindi nagagawa ito. ^_^
so yun, ngayon, january 9, 2008, nag-ta-type ako sa notepad, nakikinig ng isang sailormoon song. ahahaha. nakakatuwa naman..
anu bang dapat kong i-type dito. kahit anu na lang. ayun, kakanuod ko pa lang ng d gray man. episode 36 na ako. bakit nga ba ako nanunuod kahit may pasok na ako? ewan. bukod sa maganda yung anime, ewan. ahahaha. :p
haaaaaaayy. o sige, tungkol na lang sa nursing. ewan. napapaisip pa rin ako kug tama nga ba itong tinahak kong landas. oo, natutuwa naman ako at andito ako sa upcn, na mababait naman ang mga klasmeyt ko, na nakakapasa pa naman ako kahit papano... oh well. pero parang hindi ako masyadong interesado. pero gusto kong tumulong sa mga tao. argh. siguro, nagdadalawang-isip lang ako ngayon kasi baka nahihirapan lang ako. saka wala akong inspirasyon. ohwell, meron naman.
inspirasyon. ahahaha. oo tao siya. pero para sakin wala siyang pinagkaiba dito sa mirmo stuffed toy dito sa tabi ko. mas mabuti pa nga itong si leucine [pangalan ni mirmo ko dito], nakakausap ko, at feel ko sasagot naman siya kung nakakapagsalita lang siya, kaya lang yung CL [yung tawag ko sa inspirasyon ko] ko hindi. ah, oo, kakausapin niya ako kung kakausapin ko siya. pero kung hindi naman, hindi rin niya ako kakausapin. ayun. bakit ko ba siya naging inspirasyon... ahhh. kasi nga pala mabait siya sa akin. :) parang siya lang yung nakakatagal na kumausap sa akin, dati. ngayon hindi na. feel ko.
eniweoz, may naalala pala ako. naiinis na pala ako sa mga taong naninisi sa akin kung bakit hindi ako nag-intarmed...
*warning. naiinis lang talaga ako. although hindi ko na talaga naalala kung sino yung mga kinaiinisan ko na yun, eto lang yung nasa isip ko ngayon*
grabe. although kahit pabiro lang naman siguro yun, medyo nasaktan rin naman ako sa mga comment na kung bakit hindi ko tinanggap yung kumikinang na offer ng intarmed. hindi naman ako masyadong stupid para tanggihan lang un. mayron akong mga sariling rason para tanggihan yun. naiinis lang ako kasi walang may karapatang tawagin akong tanga or stupid kahit pabiro lang dahil sa isang desisyong ginawa ko sa buhay ko na hindi niyo alam kung bakit ko ginawa.
anyways. wala lang. gusto ko lang maglabas ng inis.
hapon lang ang pasok ko mamaya. nakakatamad na namang pumasok. sayang pa sa pamasahe. mas mahaba pang travel time ko kesa sa klase ko. ohwell, that's life. gusto ko naman yung subject namin, kaya sige, papasok na lang ako. :) ahihihi. :D
gusto ko pa sana magkuwento kaya lang alangan naman magkuwento ako dito tungkol sa inspirasyon ko. ahahaha. :p bangag na ako dahil sa kakapanood nitong d gray man. pero eto, malapit na akong matulog. pramis, mamaya, gagawa ako ng mas maayos na blog entry. :)
ja!
No comments:
Post a Comment