Tuesday, April 28, 2009

ang buhay ko sa apat na buwan. :|

kamusta naman at alas-tres na ng umaga. at kailangan kong pumasok mamaya ng alas-siyete para sa stat lab. hahaha. ayan. wala lang. bigla ko lang naisipang gumawa na naman ng isang blog entry kasi wala lang. hahaha. :p

~oOo~

January. ayun. nag-finals at nag-removals ako sa isang major subject namin (N12). sobrang depressed talaga ako nung nalaman kong kelangan kong mag-finals, lalo na nung nalaman kong kelangan kong mag-removals. ohwell, dahil nga nalungkot ako, tinapos ko yung d gray man. ahaha. 103 episodes in almost 1 week (gabi gabi ko lang kasi pinanood kaya matagal. :p) saka 8 episodes ng akazukin chacha. ^___^. ohwell. whatever. nakapasa naman ako sa removals kaya ok lang. parteeey. hehehe. tapos nag-duty na din kami nito sa OBAS (OB Admitting Section ba yun? hahaha. :p) nag-cord care (paligo at linis at putol ng umbilical cord) kami dun ng mga babies, at naglaro, kasi sobrang onti ng mga babies kaya hindi kami naka quota (tig 5 kasi dapat per student, naka 2 each lang kami). ayun. masaya naman silang paliguan. ^_^

February. anu nga ba duty namin dito... ah. sa N12, ung sa MIA Health Center (HC) sa Pasay at saka sa Ward... something. pasensiya na blurred na memorya ko.. :( ayun, ung sa HC, nagbakuna kami dun ng mga babies at pde na ring nanay, nag-Leopold's maneuver (kapa kapa tiyan ni mommy), at iba pa. masaya dun, lalo na at masaya din ang CI (clinical instructor) namin, si Prof. Iellamo. teehee. ung sa Ward duty namin, tapat un nung OBAS eh, dun dinadala ung mga mommy na kakatapos lang manganak (postpartum). ayun. sobrang nagustuhan ko ung duty ko dun kasi magaling ang CI namin (Prof. Barcelo, president ng PNA [philippine nurses association]). magaling talaga siya, at masaya. :D ayun. sa N11 naman, duty namin sa Ward 14-B, CI eh si Prof. Iellamo na naman. hindi na nagsawa. hahaha. ayun. nag-duty na rin nga pala kami sa Fabella at nagpa-anak. wala lang. ang saya kasi ang dudulas ng mga baby. at malungkot din kasi ang babata nung ibang mga mommy at preterm ung ibang bata/meconium stained/sobrang hina nila at malapit na silang mamatay. ohwell.

March. is hell. hahaha. hindi naman masyado. duty namin sa community, which is Maricaban, Pasay. masaya ang duty, puwera na lang sa mga times na tatakbuhan/tataguan/tatanggihan ka ng mga pamilyang nais mong alagaan, at sa ilang kasungitan ng mga staff ng health center dun. ohwell. bitter ako sa kanila. ayun na nga. ang CI namin dito ay si Prof. Villarta. magaling naman pala siya eh, at mabait. tapos medyo dumali pa ang buhay ng group namin kasi nagbakasyon siya kasi um-attend sila ng seminar sa Hawaii for one week, so parang may free one week kami para mag-assess/maghanap pa ng pamilya. yun nga lang, ang loser kasi na-extend ang paggawa namin ng papeles. :p tapos nakapagpaanak na pala ako sa community. wiiiI!!!! ahahaha. biglaan lang yun. kasi ung nanay ng second family ko, kabuwanan na pala, kaya ayun. jackpot. masaya kasi dagdag sa experience, at the same time nakakainis kasi DAGDAG sa papers. haaay. ayun. balak ko pa sana ilagay Incident Report ko dito kaya lang wag na lang. :)) nag-duty na din pala kami dito sa N11 sa Ward 4 with Sir Peralta. ohwell. benign kasi ung Ward nung kami na ung nag-duty, kaya wala kami halos nagawa masyado. ang looooser. -____-

April. is extension of hell. watda!!! hanggang sa mga panahong ito ay ginagawa ko pa rin ang papers ko nito. tapos ayun. nakakainis talaga kasi, pagkapasa namin ng papers, kinabukasan ay pasukan na para sa summer class namin. ANU BA YUN?!?! hindi ko man lang naramdaman ang one week na bakasyon. T_T. tapos ung incident report na yun, grabe, sobrang nakaka-badtrip ah. parang nung nakaraang linggo lang ako tumigil sa pagbalik sa san pablo health center para dun. hindi ko na ikukuwento dito ung details, kasi mahaba. :p pero hindi bale, at least tapos na siya ngayon. hehehe. :p sana nga lang ay pumasa kami dun at mataas magbigay ng grade si maam villarta. ^___^

ayun, summer class na namin ngaun. summer na nga, toxic pa rin. panu ba naman kasi, ito ang subjects ko: Math 101 (statistics) lec, Math 101 lab, Comm 3 (speech), at PE (modern jazz)(HAHA!) ayun. sobrang nakakapagod. at dinrop ko na ang PI nito. sa mga susunod na sem ko na lang siya kukuhain...

~oOo~

ayun, pasensiya na at ang tanging goal ko lang naman sa blog entry na ito ay ma-update itong blog ko kung anung nangyari sakin. hahaha. saka na lang ako magpo-post ulit. :)

*note: kahit na puro "masaya" ang sinasabi ko tungkol sa duty ko, hindi lang yun ang nararamdaaman ko pag nagdu-duty ako. kasama na din dun ang pagod, puyat, sakit ng kamay kakasulat/type ng papers,sakit ng tiyan pag nalilipasan kumain, sakit sa ulo kakaisip ng mga ibang subjects na hindi na naiintindi, sakit sa damdamin dahil hindi na makapanuod ng anime, at marami pang ibaaaaa. ahahaha. at may 3rd year at 4th year pa ako para maranasan ulit ang mga iyon. :)

No comments: