yay!!! isang blog entry!!!! :D
sumabog ang puso ko sa pagtingin ng mga pictures ng mga tao kanina mula sa kanilang mga multiply... tehe. :D
kaya hindi ko nakayanan. kaya magpo-post na lang ako ng isang blog entry. :)
ayun, test sa stat lab kanina. panu nga ba ang masasabi ko dun sa test. mahirap daw eh. uu, mahirap nga, lalo na yung unang part. pero hindi siya yung mahirap na inexpect ko kasi, mahirap i-explain. pero sige. akala ko kasi, may kahit mga 3 tanong na mahihirap tungkol sa baye's theorem, conditional probability, at yung mga tanong tungkol dun. pero nabigo ako dahil wala. hahaha. pero ok lang. mahirap nga ba siya, actually hindi ako nahirapan masyado, kasi MULTIPLE CHOICE siya! ahaha!!! hasle nga lang pumili ng letra kung wala kang sagot. :p
tapos, ayun, gabi na kami nakauwi dahil sa test. >.< at ayun, baha. as expected, cancelled ba class kanina? lasi parang hindi eh. kasi hanggang gabi nagte-test pa rin kami. ahaha. bitter? ayun nga, baha. feel ko hindi ako makakauwi, pero nakauwi naman ako. buti na lang hindi baha a 5th avenue at hindi na akong napilitang dumaan pa sa monumento. :) ayun.
tapos nakita ko na yung grade ko sa n12. ok lang naman siya, feel ko. pero may isang puwang dito sa aking puso na naghahangad ng mas mataas na marka. [oh whatever. :p ] pero hindi nga, ang laki kaya nang hirap ko dun sa community na part... hehehe. ok lang yun. at least nakatulong ako dun sa mga pamilyang nahawakan ko. :)
tapo ayun. hindi talaga ako marunong gumawa ng blog entry na maikli. ohwell. ito naman ang ilbi niya diba. para mapaglagyan ng randomness ng mga tao. ahaha. ayun. :p
malapit na kaming mag small group dicussion, extemporaneous speech, at impromptu speech. [at interviewhin si maam de leon sa sabado. :p] sana hindi ako mautal sa mga tao. >.<
thought:
kamusta na kaya yung 1st family ko dun sa community... nasa tabi kasi sila ng sapa... eh ang lakas lakas ng ulan. >.< baha na siguro dun ngayon, at baka nasira na rin yung makeshift na tulay nila. sana ok lang sila. >.<
No comments:
Post a Comment