Wednesday, July 22, 2009

N105 finals at iba pa

isa itong common na blog entry tungkol sa mga tests at sa mga paghihirap na kaakibat nito at ang epekto nito sa isang simpleng mag-aaral. ^___^

huwaw. tapos na namin ang finals para sa isa naming major subject -- N105. at ayun, ok lang naman siya. as usual. madali lang.

madali lang hulaan.

ahahaha. :)) hindi rin eh. yung isang part ng exam eh may "identification". at hindi lang siya simpleng "identification". bonggang bonggang identification siya. @_@

ayun. basta hindi niyo maiintindihan. >.< basta ang alam ko, tapos na ang finals. at sa friday eh may removals para sa mga hindi makakapasa sa theoretical portion ng N105. ayun nga pala. theoretical portion lang. dahil ang gagawin namin para sa mga susunod na araw ay ang mag-duty/clinicals. yeeessss. ito na to. at pinapangalangin ko na sana eh hindi ako bumagsak sa clinicals part. dahil dun mataas ang mortality rate ng mga students na nagte-take ng N105. >.<

pero hindi naman makapasa lang ang goal ko. sana pagkapasa ko ng N105 eh malapit na ako sa pagiging isang pro na student nurse. kasi, nung nagdu-duty ako nung last last sem, nakaka-bilib talaga yung mga fourth year na nakasabay naming mag-duty eh. napaka-pro na nila. sana maging kagaya ako nila. :)

ayun. at dahil nga katatapos lang ng finals kanina, nag-UBE [ultimate bonding experience] kami ng N105 group D kanina. grabe, sobrang naubusan ako ng pera dun eh. hindi ako nakapaghanda. ahaha. :)) pero ok lang. masaya naman eh. :p tapos, pagkatapos ng klase sa CAS eh nanuod kami ng Harry Potter 6 ni rina. ok lang naman siya. pero ang saya ng panunuod namin kasi ang kukulit namin. ahaha. :)) tuwang tuwa kami kay ron, sa stalker niyang si lavender, kay emo malfoi, kay lucky harry, at kay snape [may isang seen siya dun na ka-porma niya si batman. :)) ] ayun, basta natuwa at natawa kami. ahahaha. :))

ayun. gusto ko pa sana magkuwneto ng mahaba eh. kaya lang inaantok na ako. >.<

at ayun nga pala, kahit super late na, salamat sa lahat ng mga bumati nung birthday ko. at salamat sa lahat ng gifts!!! special mention sina:

teddy - sa mechpen na hindi ko pa nakikita at natatanggap. ahahaha. :)) ok lang. its the thought that counts. :)

rina, jen, makoi, jerome, angelo, rene, at macky - sa kanilang regalo na shakugan no shana figurine. HUWAAAHHH!!! maraming salamat talaga. :) naka-display na siya dito sa bahay namin ngaun. :)) pero saka na lang yung pictorial ko nun. :p

ayun. yung iba eh galing na dito sa pamilya ko. ahaha. :p

sige tinatamad na talaga ako mag-type. kailangan ng matulog. yeeeeeeesssssss... ang pinakaasam-asam na tulog... ^__^

No comments: