at ako ay naririto ngaun at nagta-type, sa halip na nag-aaral.
ewan. depressed ako ngaun. parang wala akong ginagawang tama. at parang wala akong iniisip na tama. parang kahit anung pilit kong mag-aral ay hindi ako makapag-aral. third-year syndrome ba ito, ayon sa iba? ewan. kung ano man yun.
parang ayaw ko nang mag-aral. o parang hindi bagay sakin yung course na pinili ko. o baka hindi ko lang talaga siya mahal. ewan. kasi parang mas gusto ko pang gumawa ng ibang bagay. at parang nawawalan na ako ng interes sa mga subjects ko. kasi parang feel ko kulang yung oras na binibigay sakin para mag-aral at mabuhay. o kaya naman, baka naman hindi talaga kaya ng utak ko. ayaw ko kasi nang pinipilit yung sarili ko sa hindi ko naman dapat kalagyan.
at saka, hindi lang naman sa ayaw ko nang mag-aral. parang ayaw ko na ring mabuhay. kasi, parang ang futile eh. iikot naman ang mundo kahit wala ako. matutuloy namang mabuhay ang mga tao kahit wala ako. naisip mo na bang andami-daming tao sa mundo, at ang mundo ay napakaliit lang kumpara sa ibang planets sa solar system, at napakaliit lang ng solar system kumpara sa buong universe, at ikaw ay napaka-insignificant. kahit mawala ka, siguro magugulo ang balance ng bagay-bagay. pero dahil sa sobrang napaka-insignificant mo, maaayos din agad ang balance na iyon, at ang system ay mababalik na ulit sa equilibrium in no time.
at siguro, may malulungkot naman kung mawala ako. pero sandali lang naman yun. malilimutan rin naman nila ako. at mabubuhay sila. at mamamatay rin sila. at malilimutan rin sila.
ang futile ng buhay. kasi kamatayan din naman yung ending niya. kahit anong gawin mo, hindi na magbabago yun. eh anu naman kung maging masaya o malungkot ka, lilipas din naman yun. eh anu naman kung matatatak yun sa alaala mo, eh mamatay ka naman. eh anu naman kung alalahanin ka ng mga naiwan mo, eh hindi ka naman nila mabubuhay. at mamamatay din sila. at mamamatay ang mundo.
so yun. ang nasa isip ko ngayon. kung bakit nawawalan ako ng ganang mag-aral. kasi kahit maghirap ako ngayon, maghihirap pa rin naman ako sa hinaharap. at kahit maghirap ako, insignificant din naman yung paghihirap ako sa paglipas ng panahon. at marami pang iba. ewan. ano bang gamot dito? parang wala akong dahilan/inspirasyon sa kahit anong gawin ko. kasi nga wala rin siyang kuwenta. kasi mababaon lang siya sa limot at mapupunta sa wala.
ewan ko. ang tagal na nitong nasa isip ko. at pinapatay ako nito unti unti. parang isa na lang akong katawang walang kaluluwa. isang robot na nasira ang naka-input na dapat gawin niya. ewan.
bakit ba kasi naimbento ang buhay...
[open ako sa MATINONG advice. ^__^]
No comments:
Post a Comment