Sunday, September 06, 2009

4 and 93/100 down! :D

well, kaya may butal yan, dahil.. hindi pa ako tapos sa community. ahaha! kulang pa sa evaluation part. :p at dahil umalis nga si prof dones upang pumunta sa ibang bansa, mukhang hindi namin kagad malalaman kung pumasa nga kami o hindi. ohwell. bahala na si superbatman. sana ay makapasa kaming lahat. ^__^

ayun. bale ang duty namin ngayon ay community, sa pateros. kailangan naming mag-handle ng isang family na ang isang member ng pamilya ay may sakit na under sa napag-aralan na namin [oxygenation, fluid and electrolyte imbalance, reproduction, sexuality, hi-risk neonate]. at ang pinaka-basic/recommended na maaaring i-handle ay yung family na may hypertensive member at yung may TB. ohyes. at masuwerte naman ako na iyon nga ang mga nakuha ko. hehehe. ayun nga lang stroke patient yung sa hypertensive patient ko. pero keri lang. hehe.

ayun. mahaba kasi ang istorya ng aming kasiyahan at kalungkutan sa maricaban. pero sige, ikukuwento ko. hahaha. wala lang. for fun. :p

day 0 [sunday]: hindi pa namin duty, pero dahil excited ako, o ang mas tamang term eh kinakabahan, naghanap na ako ng patients ko. haha. nakakita ako ng posibleng hypertensive, asthma, at post kidney transplant patients. ngunit, lahat sila ay problema sa skedule at hidni ko mami-meet tuwing weekdays. siyempre hassle yun. kaya ayun, wala ring nangyari sa huli. haha. pero at least, nagkaroon ako ng momentum sa paghahanap. ;)

day 1 [monday]: salamat kay lors at nakahanap ako ng aking family na may hypertensive patient. ayun, dalawa lang silang oldies sa kanilang bahay, at masaya kasi pinapakain nila ako. hehe. siyempre masama namang tumanggi diba? hindi naman ako nagpapakita ng motibo para alukin/bigyan ako ng food eh. kaya yun. pero dahil sa sobrang daldal nila, IDB at onting NHH lang ang natapos ko. =___=

day 2 [tuesday]: itinuloy ko ang aking assessment sa aking HPN family. at nung magtatanghali na, pumunta kami sa Masikap Health Center para makakuha ng cases ng TB pxs. huwaw. they are like so rare. :)) nakuha na yung iba ng aming mga klasmeyt, at yung iba eh busy sa kanilang trabaho. >.< naka-interview naman ako, kaya lang yun nga, busy sa trabaho, so medyo alanganin... so nung hapon, naghanap ulit ako ng isa pang px, na sa pagkakataong ito ay isang hi-risk pregnancy. naging hi-risk siya kasi less than 18 yrs old lang siya pero...

day 3 [wednesday]: ...hindi pde yung hi-risk pregnancy. dahil yung age lang ang ikina-hi-risk niya. ang loser naman nun diba? saka 9 months na yung baby niya, so wala na akong masyadong magagawa para dun. ayaw ko namang magpa-anak ulit sa community diba? =___= yung sa TB eh, mukhang hindi rin pde, kasi nga magkokonflict ang mga sked namin. so ayun, kamusta naman at wala pa akong 2nd patient, at kinabukasan na ang pasahan ng aming papers. take note: FINAL PAPER!!! watda. kamusta naman yun. @-) so ayun, sinugod namin ang Masikap [kami ni nikki, kasi nga kami na lang ang wala pang 2nd px nung mga panahong yun]. at ayun, meron naman, pero nasa kabilang ibayo pa siya ng pateros, sa may border ng pateros at taguig. pero keri lang, para sa ikapapasa!!! wahaha. so ayun, buti na lang at mabait at masaya naman ang pamilya na napunta sa akin.. pero yung kay nikki...

day 4 [thursday]: ...hindi maganda. dahil ayaw nung tatay na magpainterview o kahit magpa-rinig man lang ng breath sound. at eto pa, pinagsabihan/pinagalitan kami sa may daanan, kung saan maraming tao ang tumatambay. >.< nakakaiyak talaga yun, ohwell, nakakaiyak nga kaya nag-iyakan kami ni nikki sa may tricyle, dahil 1. napahiya kami sa may daanan, at 2. paano na ang 2nd family ni nikki??? ayun, buti na lang at medyo nagkaroon ng paraan, kaya medyo umayos naman. at oo nga pala, ngayon ang pasahan ng FINAL PAPER for BOTH FAMILIES. hehe. parteeey. :)) kaya ayun, naki-stay ako sa dorm ni nikki upang gumawa ng papeles, super overdrive yun. grabe. sana hindi na ulit maulit yun sa buong buhay ko. pero mukhang mangyayari pa rin yun habang nasa nuring ako. ahaha. :p

day 5 [friday]: walang duty, dahil 4 days lang dapat ang duty. kaya ayun, inayos ko lang ang mga papeles ko kahit alam kong hindi na siya ipapa-pass ulit. ahehe. :p

day 6 [saturday]: siyempre, nakakahiya naman sa mgaa grupmates ko sa 119, so ayun pumunta ako ng pateros para sa 119. pero nag half day ako para maassess yung iba pang family member nung sa TB px ko. ayun lang. hehe. :p

day 7 [tuesday]: hindi na ko pumunta nung sunday at monday, dahil ubos na ang physical, mental, emotional, at kahit anu pang types ng energy na meron ako. :)) so ayun, tuesday na naman. home visit ko na to! o diba ang bibbo kid ko, nagpa-home visit ako kagad. hahaha. yung pina-home visit ko kay mam ay yung TB patient ko. :D buti na lang talaga at masayahin at makuwento yung pamilya ko dun, at mukhang naging maganda naman ang kinalabasan, altho may iba akong pagkukulang at pagkakamali, keri lang. hehehe. :D

day 8 [wednesday]: bumalik ako sa TB px ko para ituloy ang aking interventions. yosh! :D

day 9 [thursday]: ako nagsimula na ng aking interventions sa aking HPN. ayun, alam niyo naman, madaldal sila, kaya medyo nagtagal ako dun. hahaha. pero keri lang. :D medyo may hindi laang ako natapos kasi hindi naman talaga katapos-tapos yun nung araw na iyon, at sa monday/tuesday ko pa matatapos yun. :D

day 10 [friday]: achievement exam!!! ohmaygaligawd. medyo mahirap yung test, kasi hindi ako masyado nakapagaral kasi gumawa ako ng progress notes na hindi ko rin naman napasa kasi hindi ko pa tapos yung evaluation ko. ang loser talaga nun. =__= pero ok lang, nag-UBE naman kami pagkatapos! yay! [sori walang picture, wala akong dalang cam eh. >.<] at ito ang pinakagusto kong UBE kasi sa karate kid kami, na sa tingin ko ay ang pinakamura na sa lahat ng pinag-UBE-han namin at ang pinakanabusog ako. :D [unlimited rice + unlimited iced tea banzai!] hahaha. :p at nung hapon eh mas sumaya pa ako. :p

haha. ayun. maaksiyon ang community duty. malungkot minsan. masaya. nakakatawa. nakakaiyak. at mami-miss ko ang pagpapahinga sa mansion ni dean tuazon dun [c/o lors], ang 21 Php na sulit na burger ng buns and burger, ang mahal na tricycle fare lalo na kung mag-isa ka lang sasakay, ang pag-commute papuntang pateros, ang paggamit sa sira kong community shoes [yes. sira na siya. at hindi ko mapalitan kasi wala akong time na bumili. >.<], sa mga pamilya ko na napakasaya, at marami pang iba. pero alam mo yun, napaka-fulfilling pag natapos mo na, lalo na kung ang CI mo eh si mam dones. hehehe. pero ayun nga, hindi pa kami tapos. so hindi pa buo yung sense of fulfillment na ito. :p

~oOo~

HINDI PA TAPOS ANG MEDPAPER KO. at ang masaklap dun, nung friday pa ang pasahan niya. at ang pinakamasaklap pa, may minus 2 sa bawat araw na ma-late, including weekends and holidays. aargh. nakakainis talaga. bakit ba kasi tumapat yun sa community duty namin? at bakit ba kasi naapaka-lupit namn ni sir arnold para hindi kami bigyan ng extension. huhuhu... at ayun nga. inuuna ko paito kaysa gumawa ng medpaper. hehehe. nice. :D at bukas [or rather mamaya] ay pupunta kaming pateros para sa 119 namin. heheh. goodluck na lang sakin. :D

~oOo~

wahahaha. nasa episode 11 na ako ng season 2 ng melancholy of haruhi suzumiya!!! wahaha!!! ok naman siya. pero nakakainis talaga yung episodes 2 to 9 eh. argh. sayang sa airing time [tama ba?] ayun. hehehe. gusto ko sana maglagay ng spoiler kaya lang.. ;))



~oOo~



masaya ako nung friday. at maraming salamat dun sa taong nagpasaya sa akin. hehe. :D
suwerte nga ba talaga ako at saktong sakto na si haruhi ang nakuha natin sa capsule? :p
at malungkot, masaya, at maganda yung UP. at mas magandaa kasi kasama kita nanuod. hehehe. ;))

~oOo~

may ishe-share na lang ulit akong picture. isa na ba itong hobby na magshare ng picture sa dulo ng blog entry? :))


Thursday, August 20, 2009

four down. and the worst is still to come.

yay! tapos na rin kami sa ward 9. hehe. medyo nag-break-down ako dun ah. pero keri lang. hehehe. :p

ayun. feel ko, yun yung pinakatoxic na ward namin as of now. para sa akin ah. dalawa kasi yung pasyente na naibigay sa akin ni sir. tapos yung dalawa eh ginawan ko ng papers. tapos kelangan talaga nilang bantayang dalawa ng maigi. at dahil med paper ay dun, kelangan ng malaking pagtitiyaga sa pagkopya ng chart, na sobrang kapal dahil ang tagal nang andun nung pasyente ko. tapos humalo pa yung problema sa bahay. tapos parang ang sungit pa ni sir. ahaha. :p pressure talaga yun eh. :p

pero ok naman. sana lang eh magawa ko yung med paper ng maayos. at sana ay matapos ko siya ng maaga. ^___^

ahm. ayun. at dahil natapos namin ang ward 9 at magsisimula na ang aming community, nag-UBE na naman kami! haha. mga adik sa UBE. although 6 anim lang kaming members ng group na nakasama [ako, dave, nikki, kuya mix, lors, koi]. ayun, dun kami sa momo. ok naman siya. malaki ang servings. yun nga lang, medyo hindi ko na-type-an yung in-order namin ni nikki. basta yun, baka mapili lang talaga ako. :p

yikee. may group kami, kahit kulang. :p

at saka... wala ba talagang may kakilala diyan ng mga TB patients??? hahaha. sa pateros. :p grabe kinakabahan na ako. sana talaga maging ok lang ang dalawang linggo namin dun. >.< ahaha. :p waaaaahhhhh~~~

ayun. at dagdag pa sa isipan itong mga test sa GE subject. GRABE. natapat pa talaga sila sa community namin. =____= ang sama ng timing.

~oOo~

grabe. feel ko ang GC ko. GC naman talaga ako. ahaha. puro tungkol sa school at duty ang pino-post ko dito. @_@ eh kasi naman, dun lang naman umiikot ang buhay ko at nauubos ang lahat ng oras ko. bwiset. kung pwede lang sana ako magkuwento dito tungkol sa isang magandang anime o tungkol sa isang magandang laro eh ginawa ko na. >.< pero hindeeeeee... huhuhu. >.<

~oOo~

ayun. haaaaayyy. ang lungkot naman ng buhay. lalo na kung hindi mo masyado gusto ang mga pinaggagawa mo. nakakainis. nakakaubos ng enerhiya. para bang hindi nre-refill ang iyong energy stores kahit matulog ka sa weekend ng pagkatagal-tagal. kasi hindi lang naman pisikal na enerhiya yung nauubos sa yo. at siyempre, alam mo na kung ano yung ibang enerhiya na yun na nauubos sayo. =_____=

this is. depressing. T_T

ang laki ng problema ko. alam kong sa sarili ko, ayaw kong makihalubilo sa tao. hanggat maaari, mas gusto kong mag-isa lang ako. makakatagal ako sa isang araw ng hindi kinakausap at hindi pinapansin. pero sobrang mahirap sa akin ang kumausap sa mga tao, lalo na kung ako ang magsasalita. nararamdaman ko yung feeling na parang nakakapagod, ang bigat sa kalooban, at yung nawawala yung konsentrasyon mo sa kausap mo at sa pinag-uusapan niyo. SHAKS. hindi pwede ito. kelangang baguhin ko na ito. kasi hindi to puwede sa kurso ko ngayon. >.< hindi ako makakakuha ng magandang rapport, NHH, at makakapag-intervene ng maayos kung bagsak ang communication skills ko. huhu. anu bang sagot para dito??? ewan. =___=

hindi ako sanay nang gumagawa na hindi ko alam kung anong patutunguhan. pero kailangan kong masanay. dahil yun na ang buhay ko ngayon. @_@

~oOo~

parang ang daming kailangang gawin. parang napakakulang sa oras. bakit yung mga tao nung sinaunang panahon, hindi ganito ka-toxic. nakakainis. napakasimple lang naman ng pangarap ko, ang mabuhay ng masaya at maayos. pero bakit parang ang hirap makamtan nun??? haaaayyyy.. kelangan ko ng inspirasyon. ng isang konkretong rason kung bakit kailangan kong gawin yung mga ginagawa ko ngayon, kung may silbi nga ba sila, kung may patutunguhan nga ba sila. hindi ko alam. ang gulo ng isip ko. inaantok na ako. baka sapat na pahinga lang ang sagot dito. which is imposible.

~oOo~
K,

hindi ko alam na ganun lang pala kababaw yung pagkakaibigan natin. pero sorry kasi alam ko may kasalanan ako sa'yo. pero may kasalanan ka rin sakin. pero baka ganito lang talaga ang natural na mangyari kasi nga ganito ang ugali ko, at ganyan ang ugali mo. talagang hindi tayo mag-uusap niyan. pero alam mo namang kahit gaano ka ka-toxic, o kahit gaano ako ka-toxic, gagawa ako ng paraan para sumaya ka kahit konti. pero baka hindi mo lang alam yun. o baka hindi ako effective na entertainer/artist. at siguro nga hindi talaga tayo close friends. ewan. pero kahit ganun, andito pa rin naman ako kung kailangan mo ng tulong. kasi kaibigan mo ako. pero baka hindi na para sa yo. hay. as if naman mababasa mo to. haha. :p

communication is two way.. :)

~oOo~

ahaha. kung kilala niyo si sorata at arashi, baka matuwa kayo dito. :p wala lang. :p




Saturday, August 15, 2009

three down. med paper next. @_@

tapos na rin kami sa IMU. oh yes. salamat ma'am len para sa iyong napakabuting pag-CI sa aming grupo. ^___^

ayun. dapat talaga IMU kami. ngunit dahil sadyang kaunti lamang ang mga pasyente sa IMU [8 beds, at nung dumating kami eh 6 lang ang patient], 3 kaming napunta sa ward 15. ayun. pero ok naman, kasi kung nung duty namin dun last, last sem eh puro normal cases lang yung hinandle namin, yung pinahandle na sa amin ngayon eh yung mga "UNDEL" at yung may "*" sa tabi ng pangalan nila. ayun. tinatamad na akong magkuwento dahil...

nakakapagod magpateros. grabeeeehhh. sobraaaaa. at wala pa kami masyado nagagawa nun ah. pero marami rami na rin pala yun. ang init kasi kanina ung dumating kami kaya nakaka-drain ng energy. tapos ayun, nilibot namin ang aming area para sa mga dapat naming gawin. bale halos 4 hours akong naglakad mula nung tumapak ako dun kanina hanggang sa makauwi ako ng bahay. kasi naman, naiwan ko yung baon kong pera sa bahay. edi ayun, purdoy. naglakad na lang ako pauwi. =____= [siyempre hindi yun galing from pateros, mula MRT lang naman yun. pero malayo pa rin eh. >.<]

isang shot mula dun sa pateros na proud ako kasi mahirap siyang kuhaan. note the motorcycle man. "kuya, wag kang tumingin, baka mabangga ka! :))"

ayun...

pero ayun, bago ang lahat, maraming salamat kay kuya mix sa panlilibre samin nung thursday after ng ward class namin! yey! you're soooo good. ^_^ ahehehe. advanced happy birthday na rin. :)

ako at si kuya mix, ang berdey boy [wala pala kaming group pic. ahaha. :)) anu ba yan. :)) ]

bale ayun, ang susunod naming patutunguhan eh sa pedia [ward 9], kay sir peralta. waw. sana maging ok lang kami dun. at sana maging maayos ang med paper na gagawin namin dun. bale ganito kasi yun. ang pasahan ng med paper eh two weeks ata after the duty. peroooo... ang two weeks namin after that duty eh... COMMUNITY! at hindi lang basta community. COMMUNITY kay PROF. DONES! huwah. ohwell. this is a challenge. hehe. balita ko nga eh baka hindi kami puwede mag-extend kasi aalis ata siya after naming magcommunity [hindi katulad kay mam villarta dati na sobrang nagextend kami kasi bumalik naman siya kagad pagkatapos. :p]. ayun. sana kayanin namin to. KELANGANG KAYANIN! MWAHAHAHA!!! GO SPARTA!!! WAHAHAHA!!! [nabaliw na. :))] ohwell. wala pa naman yun. ayaw ko munang aksayahin ang psychologic energy [may ganun ba? :)) ] sa pag-iisip nun. ayokong mangyari na naman yung nangyari sa kin last last sem. hehe. :p

pero kung may kilala kayo diyan na family na maaari para sa community, sabihin at i-refer niyo naman sakin. >.< mukhang nagkakaubusan na eh. ahaha. :p pero seryoso yun. >.<

~oOo~

kaka-test lang pala namin kanina sa N119 kanina. ahmmm. ok lang naman siya. ok lang naman hulaan. ahaha. :)) ewan ko kung ano mangyayari dun. sana umepekto ang magic ng gtech. ahaha. :p

~oOo~

salamat sa isang tao diyan sa pagpapasaya sakin nitong mga nakaraang araw. hehehe. ;)) alam mo naman kung sino ka diba? :p salamat talaga. :)

~oOo~

bale ayun. tinatamad na talaga akong mag-post kasi napapagod na ako. ahaha. iiwanan ko na lang muna dito ang picture ng aking not-so-secret-but-special place. ahaha. meh ganun. :))

Saturday, August 08, 2009

two down. [and still a lot more to go. @_@]

ward 2 is soooo finished. \:D/

ayun. at tapos na ang grup D sa 105 sa ward 2 [surgery ward]. at tapos na rin ang aming physical exam kay ma'am manahan. hoooraaaahhhh!!!! :D

anu bang nangyari dun.. hindi naman toxic sa ward 2, siguro sa unang araw lang, kasi nagbagsakan ang papers nang kinagabihan nun. hehe. at pagkatapos eh hindi kami natutukan masyado ni ma'am sa aming duty kasi nga siya ang nag-check ng aming technique for physical exam. at muntik na nga kaming hindi matapos kasi nga kinulang kami sa araw. [wala kasing pasok nung wednesday. dahil kay cory. condolence. and we lab you. ^:)^] ayun. :p mabait naman si ma'am manahan. labyu ma'am. mwaaah. ang galing galing mo. medyo bangag nga lang ako dun sa test nung ward class, kaya nagkaroon ako ng gross mistakes. haha. ohwell, bahala na si superbatman. :p

medyo lumilipad rin yung utak ko nung duty. at kahit hindi duty. hanggang kaninang pumunta kaming pateros. at lagi akong may nalilimutan/naiiwanan/may mga times na hindi ako maayos kausap. @-) hindi maaari ito. FOCUS JANE. FOCUS. @-)

hindi ko alam kung pwedeng ikuwento dito, pero sige kukuwento ko na lang. wala namang masyadong nagbabasa nito eh. :)) ang case kasi ng pasyente ko dun ay flame burn, 40%. at siya ay isang 18 y/o pa lang. at dahil siya nasunog ay dahil sa isang hindi maiiwasang pangyayari sa kaniyang trabaho. TRABAHO. oo nagta-trabaho na siya. at oo nakakaguilty, kasi sa murang edad niya eh nagta-trabaho na siya at tumutulong na siya sa pagbuhay sa pamilya niya [wala pa naman siyang asawa. pamilya in this case = mother + father + 8 siblings]. ayun. at naaksidente pa siya dahil sa trabaho niya. [pero buti na lang at ang employer niya ang may sagot sa pagpapagamot sa kaniya.] ayun, nakakaguilty kasi habang siya ay nagtatrabaho, ang mga masusuwerteng batang katulad ko ay nag-aaral, nagne-net, at nagpapaka-sarap sa buhay [though hindi naman talaga masarap ang buhay ko], at ano ang igaganti ko sa buhay? pagsisisi at pagmamaktol. tsk tsk tsk.

ayun. alam ko na naman dati pa yun. pero minsan eh may mga bagay na nalilimutan ko dahil sa sobrang hirap na idinudulot ng studies ko. pero sana nga naiisip ko na mas masuwerte ako ng hindi hamak sa nakakarami sa mga tao sa mundong ito. >.< [pero suwerte nga ba ako. wahaha. :p]

ohwell. sana maisip ko rin ito pag nagcocommunity ako. wahaha. :)) para magkaroon ako ng lakas na hindi sumuko sa anu mang panlalait na maaaring ibato sa akin. dun pa naman ako mahina. :))

ang susunod na ward eh kay ma'am iellamo. sana maging ok lang naman ako dun. ok lang naman daw eh. :p

~oOo~

ahhhmmmm. ayun na yung tungkol sa duty. ahaha. anu pa bang maaaring makuwento dito. ahehehe. ayun. medyo nakakalungkot. kasi, wala lang. merong may birthday ngaung buwan. :)) gusto ko sana siyang batiin sa araw ng birthday niya, o ibigay yung regalo ko sa kaniya, kaya lang hindi ko magawa. kasi ayoko ng gumagawa ako nang para sa wala. para sa isang taong hindi ko na kilala. wahaha. ewan. hindi ko na alam ang gagawin ko. >.<

at bukod dun, may isa pang bagay na gumugulo sa isipan ko. wahaha. ewan ko kung maniniwala pa ako sa paniniwala ko na walang tama o maling desisyon, blah blah. argh. kasi if everything is relative, then we cannot be critical, sabi ni ma'am baustista na prof namin sa hum. ewan. =____= hindi ko na talaga alam kung anong gagawin. >.<

~oOo~


[snapshot mula sa "Sad Movie" [2005] si snow white yung mascot. haha. :)) ]

teka, may naalala lang akong i-share. trivia ito. ahaha. :)) badong na trivia. :p

"You know why none of the Dwarves hooked up with Snow White? They couldn't tell her how they felt. Not one! They were all ashamed of being dwarves. In fact... In fact, Snow White had a thing for short guys. When the Prince dismounted from his horse, he was goddamned... uh... really short. This is a secret, but actually he was the youngest.The eight, who was adopted away...." - seven dwarves from the "Sad Movie"

at saka isang quote. :)

"You know why the bitchy queen died so miserably? She was tricked by the mirror! When you look at your sweetheart, you don't look with a mirror, you look with your heart..." - - seven dwarves from the "Sad Movie"

ahehe. pero minsan hindi mo talaga maiiwasan na gayahin ang pagkakamali ng queen... :|

ewan. ahaha. sige, sana masundan ko pa itong blog entry pagkatapos namin sa IMU. ^___^

ja! :)


Sunday, August 02, 2009

one down ^_~

ito ay isang hapit na blog entry ng pagbubunyi. :))

oh yes. tapos na kaming group D sa NICU!!! yey. ang CI namin dun ay si Ma'am at napakabait niya. :D sana lahat na lang ng CI ay katulad niya: nagpapatulog ng estudyante. :)

hehehe. ayun, ok lang naman sa NICU. feel ko benign na siya compared sa ibang wards [and their respectives CIs. hehehe. :D] kaya OA lang ako sa pagbubunyi kong ito. pero ayun nga, sana ma-maintain ko yung tinuro sa min ni ma'am tejero: matulog. dahil ito ay importante para sa amin at sa aming mga pasyente.

matagal na naman naming alam yun, pero ako, ngayon lang akong na-pressure na isabuhay yun kasi sinabi niya. ahaha. not enough sleep, no duty. hehehe. panalo talaga. :D

well, bukod dun. masaya sa NICU. lalo na pag kapiling mo ang mga babies. ang ku-kyut nila. ^__^ yun nga lang eh may mga sakit sila. at kaya kami andun ay para tumulong sa pag-aalaga nila. :D at feel ko ok naman ang pag-aalaga namin kasi feel namin lahat ay bumuti naman ang kalagayan nila mula nung first day namin sa kanila. at yung akin nga eh napunta sa NICU 2 nung last day ko na. :D [sa NICU 3 kasi kami nag-duty. sa NICU 2, dun inililipat yung mas hinding malalang case. :) ] kaya ayun.

ngayon, ang susunod namin ay... ward 2 kay ma'am manahan. wahaha. sana ay maging maganda ang performance ko run. sa kanya pa naman yung PE namin. hehe. kaya ngayon ay nakikipag-close ako kay Bates para ipamana niya sa akin ang kanyang kaalaman. :D

o siya. may date pa kami ni Bates. ahaha.

ja!

P.S. may goal na pala ako sa buhay ngayon. at ito ay ang...


maka-ngiti ako ng ganito pagkatapos ng sem. :p ahehehe. short term lang muna, para hindi pressure tuparin. yey! :D[ang pic ay mula sa The Melancholy of Haruhi Suzumiya, episode 9. ^___^ ]

Wednesday, July 22, 2009

N105 finals at iba pa

isa itong common na blog entry tungkol sa mga tests at sa mga paghihirap na kaakibat nito at ang epekto nito sa isang simpleng mag-aaral. ^___^

huwaw. tapos na namin ang finals para sa isa naming major subject -- N105. at ayun, ok lang naman siya. as usual. madali lang.

madali lang hulaan.

ahahaha. :)) hindi rin eh. yung isang part ng exam eh may "identification". at hindi lang siya simpleng "identification". bonggang bonggang identification siya. @_@

ayun. basta hindi niyo maiintindihan. >.< basta ang alam ko, tapos na ang finals. at sa friday eh may removals para sa mga hindi makakapasa sa theoretical portion ng N105. ayun nga pala. theoretical portion lang. dahil ang gagawin namin para sa mga susunod na araw ay ang mag-duty/clinicals. yeeessss. ito na to. at pinapangalangin ko na sana eh hindi ako bumagsak sa clinicals part. dahil dun mataas ang mortality rate ng mga students na nagte-take ng N105. >.<

pero hindi naman makapasa lang ang goal ko. sana pagkapasa ko ng N105 eh malapit na ako sa pagiging isang pro na student nurse. kasi, nung nagdu-duty ako nung last last sem, nakaka-bilib talaga yung mga fourth year na nakasabay naming mag-duty eh. napaka-pro na nila. sana maging kagaya ako nila. :)

ayun. at dahil nga katatapos lang ng finals kanina, nag-UBE [ultimate bonding experience] kami ng N105 group D kanina. grabe, sobrang naubusan ako ng pera dun eh. hindi ako nakapaghanda. ahaha. :)) pero ok lang. masaya naman eh. :p tapos, pagkatapos ng klase sa CAS eh nanuod kami ng Harry Potter 6 ni rina. ok lang naman siya. pero ang saya ng panunuod namin kasi ang kukulit namin. ahaha. :)) tuwang tuwa kami kay ron, sa stalker niyang si lavender, kay emo malfoi, kay lucky harry, at kay snape [may isang seen siya dun na ka-porma niya si batman. :)) ] ayun, basta natuwa at natawa kami. ahahaha. :))

ayun. gusto ko pa sana magkuwneto ng mahaba eh. kaya lang inaantok na ako. >.<

at ayun nga pala, kahit super late na, salamat sa lahat ng mga bumati nung birthday ko. at salamat sa lahat ng gifts!!! special mention sina:

teddy - sa mechpen na hindi ko pa nakikita at natatanggap. ahahaha. :)) ok lang. its the thought that counts. :)

rina, jen, makoi, jerome, angelo, rene, at macky - sa kanilang regalo na shakugan no shana figurine. HUWAAAHHH!!! maraming salamat talaga. :) naka-display na siya dito sa bahay namin ngaun. :)) pero saka na lang yung pictorial ko nun. :p

ayun. yung iba eh galing na dito sa pamilya ko. ahaha. :p

sige tinatamad na talaga ako mag-type. kailangan ng matulog. yeeeeeeesssssss... ang pinakaasam-asam na tulog... ^__^

Friday, July 10, 2009

type. type. type.

at ako ay naririto ngaun at nagta-type, sa halip na nag-aaral.

ewan. depressed ako ngaun. parang wala akong ginagawang tama. at parang wala akong iniisip na tama. parang kahit anung pilit kong mag-aral ay hindi ako makapag-aral. third-year syndrome ba ito, ayon sa iba? ewan. kung ano man yun.

parang ayaw ko nang mag-aral. o parang hindi bagay sakin yung course na pinili ko. o baka hindi ko lang talaga siya mahal. ewan. kasi parang mas gusto ko pang gumawa ng ibang bagay. at parang nawawalan na ako ng interes sa mga subjects ko. kasi parang feel ko kulang yung oras na binibigay sakin para mag-aral at mabuhay. o kaya naman, baka naman hindi talaga kaya ng utak ko. ayaw ko kasi nang pinipilit yung sarili ko sa hindi ko naman dapat kalagyan.

at saka, hindi lang naman sa ayaw ko nang mag-aral. parang ayaw ko na ring mabuhay. kasi, parang ang futile eh. iikot naman ang mundo kahit wala ako. matutuloy namang mabuhay ang mga tao kahit wala ako. naisip mo na bang andami-daming tao sa mundo, at ang mundo ay napakaliit lang kumpara sa ibang planets sa solar system, at napakaliit lang ng solar system kumpara sa buong universe, at ikaw ay napaka-insignificant. kahit mawala ka, siguro magugulo ang balance ng bagay-bagay. pero dahil sa sobrang napaka-insignificant mo, maaayos din agad ang balance na iyon, at ang system ay mababalik na ulit sa equilibrium in no time.

at siguro, may malulungkot naman kung mawala ako. pero sandali lang naman yun. malilimutan rin naman nila ako. at mabubuhay sila. at mamamatay rin sila. at malilimutan rin sila.

ang futile ng buhay. kasi kamatayan din naman yung ending niya. kahit anong gawin mo, hindi na magbabago yun. eh anu naman kung maging masaya o malungkot ka, lilipas din naman yun. eh anu naman kung matatatak yun sa alaala mo, eh mamatay ka naman. eh anu naman kung alalahanin ka ng mga naiwan mo, eh hindi ka naman nila mabubuhay. at mamamatay din sila. at mamamatay ang mundo.

so yun. ang nasa isip ko ngayon. kung bakit nawawalan ako ng ganang mag-aral. kasi kahit maghirap ako ngayon, maghihirap pa rin naman ako sa hinaharap. at kahit maghirap ako, insignificant din naman yung paghihirap ako sa paglipas ng panahon. at marami pang iba. ewan. ano bang gamot dito? parang wala akong dahilan/inspirasyon sa kahit anong gawin ko. kasi nga wala rin siyang kuwenta. kasi mababaon lang siya sa limot at mapupunta sa wala.

ewan ko. ang tagal na nitong nasa isip ko. at pinapatay ako nito unti unti. parang isa na lang akong katawang walang kaluluwa. isang robot na nasira ang naka-input na dapat gawin niya. ewan.

bakit ba kasi naimbento ang buhay...

[open ako sa MATINONG advice. ^__^]

too tired.

too tired
of thinking
of looking for meaning
behind the everyday happenings
behind your every actions
behind all the things that you had done
behind all the things that I had noticed
about you
behind you
always behind you
too tired
of being behind you
of looking for you
of waiting for you
to look for me
to look at me.

Wednesday, June 10, 2009

bakasyon update + wishlist. ^_^

update sa aking bakasyon, kasi malapit na siyang matapos. ^_^


[X] manood ng X
[X] manood ng blood +
[ ] maglaro ng final fantasy VII
[ ] tapusin ang tales of destiny
[X] manood ng movies (L change the world, naruto shippuuden movie 2 at iba pang ma-da-download ko)
[> ] matapos i-drawing yung mag-iisang taong regalo ko kay ____
[X] ayusin ang mga online acc ounts ko (friendster, multiply, etc.)
[X] magpaka-OC dito sa bahay
*yung [> ], ibig sabihin, halos kalahati na. ; )

ohwell. hindi ko na natapos yung FF VII at Tales of Destiny kasi nasira bigla yung pc namin. nakakainis. >_____< lagpas 24 hours na ata pa naman yung playing time ko dun, o mas marami pa [sinabi ko naman na lagpas diba? oh, whatever.] yung sa regalo, ipa-finalize ko na lang. WAHAHAHA!!! after one year!!! ohyesssss~~~ ayun, so bukod sa mga iyon, may iba pa akong na-accomplish. :D

[X] mag-enroll, at hindi ma-underload
[> ] manuod ng kuroshitsuji
[> ] manuod ng tsubasa
[X] makagala kahit onti lang
[X] basahin ang manga ng naruto at bleach hanggang sa latest episode
[X] matulog, magpuyat, at magpakasaya. :)

ayun. takot kasi akong gumala dahil sa A (H1 N1) na yan. bwiset. ahaha. :)) tapos, grabe, kahit sobrang kaunti lang ng nagawa ko kasi ng nasira ung pc namin, ok lang. kasi nakapagpahinga ako. IT'S A BLESSING!!! sobra. na-miss ko talagang matulog ng matulog at magpuyat ng magpuyat ng walang iniisip na deadline. ohwell, sinubukan ko namang mag-aral, kaya lang andami niya eh, kaya bigla akong tinamad. ahaha. bahala na si superbatman. :D

tapos, dahil sa gumagawa na rin ako ng mga listahan dito, gagawa na rin ako ng wishlist ko ^___^

[ ] kahit isa dun sa dalawang malaking action figure ni shana na nakita namin sa comic alley rob. gusto ko talaga magkaroon nun... gusto ko~~~
[ ] isang book. kahit ano, basta magustuhan ko. :D
[ ] isang headphone na nagbu-boom, gusto ko yung may lalagyanan para hindi madaling masira. wahaha. :D
[ ] isang anime merchandise na matutuwa ako na parang ganito: \:D/ [i-type niyo sa ym! para ma-appreciate niyo \:D/]
[ ] book sa medsurg [brunner ang author] [HAHAHAHAHA!!!! :)) mahal kasi eh. :p ]
[ ] cookies o kahit anung ni-bake ng CL ko. ;;)
[ ] ICHIKON. hehehe. :D o kahit si mokona na lang. o kahit sinong cute na huggable anime stuffed toy. :D
[ ] laptop. ;))
[ ] sana hindi na kumalat si A (H1 N1) at sana ay magawa na ang vaccine at gamot para dun ^_^
[ ] worldwide peace and happiness \m/

ahehe. yung iba naman eh siguradong makakamtan ko. [tulad ng pizza (hawaiian) at chocolate cake]. ahehehe. :D yung iba siguro, baka nakalimutan ko. pero kahit bati siguro ok na lang. basta galing sa puso <3. hindi naman kasi ako naghanda ng bonggang bongga kaya hindi ako nage-expect ng gift. dahil ganito ang debut na gusto ko, sooooo simple. parang ordinaryong araw lang. :)

ayun. sana maging maganda ang araw niyo. at ang araw ko. ahaha. :p

ja! :)

Tuesday, June 09, 2009

tralalalalalala~~~

nilagay ko ito sa "About Me" part ng friendster ko. gusto ko rin sanang ilagay sa welcome box dito sa multiply, kaya lang parang masyadong epal. ahahaha. ayun. wala lang. shinare ko lang. :p

~oOo~



There are a lot things about me that I want you to know, but I don’t know if you want to know about it. So if you want to know more about it, just ask me. I’ll just write here what I cannot say in front of other people or what I think people would not have thought of asking about me.

I like people who agree with me, but I like better those people who have the guts/will to correct me and teach me new things.

I like abstract things, thoughts, and ideas. They make me feel that anything and everything in this world is not predetermined, that nothing is absolute, and my future is still to be made by me.

I have a little bit inferiority complex, but I’m trying my best to think that each person has his/her own talent/s and his/her own way of doing things. Even I could have a special role for the earth’s benefit. However, I know that this is not excuse for me to slack off and just accept that other people are better than me. On the contrary, it gives me more reason to hone my skills and improve my talents (if there are any).

I am an introvert. I often want to be left alone. I find it hard to communicate with other people and make new friends. I could not express what I really feel in front of the people that I love. But I really treasure those people, and if you feel that you’re one of them, I want you to be happy because I love you.

If I really, really want something, I will use everything within my reach and I will do everything that I can do to get it, but of course, without hurting other people (that much >:D ). I also have this inner desire to please everybody, which is really annoying. Sometimes, I just don’t know when to stop. And it takes several words from the people close to me before I can bring to a halt what I am doing or thinking.

I only have one wish. For me to be happy as long as the people around me are not sad. Even though these words are easy to say, they can be barely achieved, because there’s just no way for everybody to be happy.

But pressure often changes a person. One or all of the description here about me today may not be applicable tomorrow. But I know that one thing is sure, that no matter how much change will occur to me, to the people around me, and to the things around me, I know that I am Jane. And I will not exchange anything about me for anything about this world.



Because I love myself. :)


[Heh. Some parts are so abstract. And I love it. ;) ]

Saturday, May 30, 2009

bakasyon: isang natupad na pangarap

"totoo pala ang bakasyon... akala ko sa fairy tales lang siya mababasa..." -teddy

ohyes. at sa wakas. bakasyon ko na nga. :D pagkatapos ng ilang buwan na paghihintay. ^___^
at ngayon ay 2:00 am. maaga pa naman kaya gagawa muna akong blog entry. hehehe. :D

ayun, ang mga pinagkakaabalahan ko ngaung bakasyon na ito ay:

[X] manood ng X
[> ] manood ng blood +
[> ] maglaro ng final fantasy VII
[ ] tapusin ang tales of destiny
[ ] manood ng movies (L change the world, naruto shippuuden movie 2 at iba pang ma-da-download ko)
[ ] matapos i-drawing yung mag-iisang taong regalo ko kay ____
[ ] ayusin ang mga online acc ounts ko (friendster, multiply, etc.)
[> ] magpaka-OC dito sa bahay
*yung [> ], ibig sabihin, halos kalahati na. ; )

napakalupit ng tadhana sapagkat lubhang kulang ang halos isang linggong bakasyon para magawa ko ang lahat ng ito.

so ayun, ok naman ung summer ko [sana, kasi wala pang grades eh]. kahit medyo tinoxic namin ang aming mga sarili eh ok lang. maraming salamat tlaga sa mga kasabay kong kumuha ng stat ngayong sem, lalong lalo na kina jen, rina, makoy, angelo, teddy, at rene. wohooooo! labyu ol guys! :D

[ang hirap pala mag-type sa onscreen keyboard. sira kasi ung keyboard namin, kaya yun. :p]

ahmmm, sa totoo lang, walang gana akong mag-blog ngaun kasi ang hirap mag-type/pindot. kaya sa susunod na lang. ahehehe. maraming mga abstract na bagay ang gumugulo sa nagbabakasyon kong isipan. ahahaha. cge.

ja!

Saturday, May 09, 2009

wala lang.

i hate einstein.

i hate february 20.

i hate makati.

i hate ateneo.

i hate ma'am _ _ _ _ _.

i hate harry potter [and fred].

because they are obviously superior than me.

because you love them.

because i love you.

but not me.

because i am not these things.

and will never be.

Thursday, May 07, 2009

stat lab. baha. n12. comm.

yay!!! isang blog entry!!!! :D

sumabog ang puso ko sa pagtingin ng mga pictures ng mga tao kanina mula sa kanilang mga multiply... tehe. :D

kaya hindi ko nakayanan. kaya magpo-post na lang ako ng isang blog entry. :)

ayun, test sa stat lab kanina. panu nga ba ang masasabi ko dun sa test. mahirap daw eh. uu, mahirap nga, lalo na yung unang part. pero hindi siya yung mahirap na inexpect ko kasi, mahirap i-explain. pero sige. akala ko kasi, may kahit mga 3 tanong na mahihirap tungkol sa baye's theorem, conditional probability, at yung mga tanong tungkol dun. pero nabigo ako dahil wala. hahaha. pero ok lang. mahirap nga ba siya, actually hindi ako nahirapan masyado, kasi MULTIPLE CHOICE siya! ahaha!!! hasle nga lang pumili ng letra kung wala kang sagot. :p

tapos, ayun, gabi na kami nakauwi dahil sa test. >.< at ayun, baha. as expected, cancelled ba class kanina? lasi parang hindi eh. kasi hanggang gabi nagte-test pa rin kami. ahaha. bitter? ayun nga, baha. feel ko hindi ako makakauwi, pero nakauwi naman ako. buti na lang hindi baha a 5th avenue at hindi na akong napilitang dumaan pa sa monumento. :) ayun.

tapos nakita ko na yung grade ko sa n12. ok lang naman siya, feel ko. pero may isang puwang dito sa aking puso na naghahangad ng mas mataas na marka. [oh whatever. :p ] pero hindi nga, ang laki kaya nang hirap ko dun sa community na part... hehehe. ok lang yun. at least nakatulong ako dun sa mga pamilyang nahawakan ko. :)

tapo ayun. hindi talaga ako marunong gumawa ng blog entry na maikli. ohwell. ito naman ang ilbi niya diba. para mapaglagyan ng randomness ng mga tao. ahaha. ayun. :p

malapit na kaming mag small group dicussion, extemporaneous speech, at impromptu speech. [at interviewhin si maam de leon sa sabado. :p] sana hindi ako mautal sa mga tao. >.<

thought:
kamusta na kaya yung 1st family ko dun sa community... nasa tabi kasi sila ng sapa... eh ang lakas lakas ng ulan. >.< baha na siguro dun ngayon, at baka nasira na rin yung makeshift na tulay nila. sana ok lang sila. >.<

Tuesday, April 28, 2009

ang buhay ko sa apat na buwan. :|

kamusta naman at alas-tres na ng umaga. at kailangan kong pumasok mamaya ng alas-siyete para sa stat lab. hahaha. ayan. wala lang. bigla ko lang naisipang gumawa na naman ng isang blog entry kasi wala lang. hahaha. :p

~oOo~

January. ayun. nag-finals at nag-removals ako sa isang major subject namin (N12). sobrang depressed talaga ako nung nalaman kong kelangan kong mag-finals, lalo na nung nalaman kong kelangan kong mag-removals. ohwell, dahil nga nalungkot ako, tinapos ko yung d gray man. ahaha. 103 episodes in almost 1 week (gabi gabi ko lang kasi pinanood kaya matagal. :p) saka 8 episodes ng akazukin chacha. ^___^. ohwell. whatever. nakapasa naman ako sa removals kaya ok lang. parteeey. hehehe. tapos nag-duty na din kami nito sa OBAS (OB Admitting Section ba yun? hahaha. :p) nag-cord care (paligo at linis at putol ng umbilical cord) kami dun ng mga babies, at naglaro, kasi sobrang onti ng mga babies kaya hindi kami naka quota (tig 5 kasi dapat per student, naka 2 each lang kami). ayun. masaya naman silang paliguan. ^_^

February. anu nga ba duty namin dito... ah. sa N12, ung sa MIA Health Center (HC) sa Pasay at saka sa Ward... something. pasensiya na blurred na memorya ko.. :( ayun, ung sa HC, nagbakuna kami dun ng mga babies at pde na ring nanay, nag-Leopold's maneuver (kapa kapa tiyan ni mommy), at iba pa. masaya dun, lalo na at masaya din ang CI (clinical instructor) namin, si Prof. Iellamo. teehee. ung sa Ward duty namin, tapat un nung OBAS eh, dun dinadala ung mga mommy na kakatapos lang manganak (postpartum). ayun. sobrang nagustuhan ko ung duty ko dun kasi magaling ang CI namin (Prof. Barcelo, president ng PNA [philippine nurses association]). magaling talaga siya, at masaya. :D ayun. sa N11 naman, duty namin sa Ward 14-B, CI eh si Prof. Iellamo na naman. hindi na nagsawa. hahaha. ayun. nag-duty na rin nga pala kami sa Fabella at nagpa-anak. wala lang. ang saya kasi ang dudulas ng mga baby. at malungkot din kasi ang babata nung ibang mga mommy at preterm ung ibang bata/meconium stained/sobrang hina nila at malapit na silang mamatay. ohwell.

March. is hell. hahaha. hindi naman masyado. duty namin sa community, which is Maricaban, Pasay. masaya ang duty, puwera na lang sa mga times na tatakbuhan/tataguan/tatanggihan ka ng mga pamilyang nais mong alagaan, at sa ilang kasungitan ng mga staff ng health center dun. ohwell. bitter ako sa kanila. ayun na nga. ang CI namin dito ay si Prof. Villarta. magaling naman pala siya eh, at mabait. tapos medyo dumali pa ang buhay ng group namin kasi nagbakasyon siya kasi um-attend sila ng seminar sa Hawaii for one week, so parang may free one week kami para mag-assess/maghanap pa ng pamilya. yun nga lang, ang loser kasi na-extend ang paggawa namin ng papeles. :p tapos nakapagpaanak na pala ako sa community. wiiiI!!!! ahahaha. biglaan lang yun. kasi ung nanay ng second family ko, kabuwanan na pala, kaya ayun. jackpot. masaya kasi dagdag sa experience, at the same time nakakainis kasi DAGDAG sa papers. haaay. ayun. balak ko pa sana ilagay Incident Report ko dito kaya lang wag na lang. :)) nag-duty na din pala kami dito sa N11 sa Ward 4 with Sir Peralta. ohwell. benign kasi ung Ward nung kami na ung nag-duty, kaya wala kami halos nagawa masyado. ang looooser. -____-

April. is extension of hell. watda!!! hanggang sa mga panahong ito ay ginagawa ko pa rin ang papers ko nito. tapos ayun. nakakainis talaga kasi, pagkapasa namin ng papers, kinabukasan ay pasukan na para sa summer class namin. ANU BA YUN?!?! hindi ko man lang naramdaman ang one week na bakasyon. T_T. tapos ung incident report na yun, grabe, sobrang nakaka-badtrip ah. parang nung nakaraang linggo lang ako tumigil sa pagbalik sa san pablo health center para dun. hindi ko na ikukuwento dito ung details, kasi mahaba. :p pero hindi bale, at least tapos na siya ngayon. hehehe. :p sana nga lang ay pumasa kami dun at mataas magbigay ng grade si maam villarta. ^___^

ayun, summer class na namin ngaun. summer na nga, toxic pa rin. panu ba naman kasi, ito ang subjects ko: Math 101 (statistics) lec, Math 101 lab, Comm 3 (speech), at PE (modern jazz)(HAHA!) ayun. sobrang nakakapagod. at dinrop ko na ang PI nito. sa mga susunod na sem ko na lang siya kukuhain...

~oOo~

ayun, pasensiya na at ang tanging goal ko lang naman sa blog entry na ito ay ma-update itong blog ko kung anung nangyari sakin. hahaha. saka na lang ako magpo-post ulit. :)

*note: kahit na puro "masaya" ang sinasabi ko tungkol sa duty ko, hindi lang yun ang nararamdaaman ko pag nagdu-duty ako. kasama na din dun ang pagod, puyat, sakit ng kamay kakasulat/type ng papers,sakit ng tiyan pag nalilipasan kumain, sakit sa ulo kakaisip ng mga ibang subjects na hindi na naiintindi, sakit sa damdamin dahil hindi na makapanuod ng anime, at marami pang ibaaaaa. ahahaha. at may 3rd year at 4th year pa ako para maranasan ulit ang mga iyon. :)

Saturday, February 14, 2009

Happy SAD (Singles Awareness Day. :D)

huwaaaaahhhh

ang sarap makinig sa isang malaking headphone. nagbu-boom yung music. :D na-miss ko ito!!!! dinala kasi ng kuya ko sa kanyang pag-alis yung ganito naming headphone eh. ahahaha. :p

ayan. andito ako ngayon sa computer shop, gumagawa ng papers, kasi nag-crash na naman yung pc namin. rarrrrr. as in nagta-type lang ako tapos bigla na lang siyang nag-black-out tapos nag "toot....... toot.......... tooooooooot....." aaaarrrrggggghhhhh!!!!!!!!!! nagre-type tuloy ako ng mga mahahabang papers ko. @_@

ayan. natapos na kasi akong mag-type. may hinihintay na lang akong download. kaya nag-type muna ako. ang saya kasi talaga makinig ng music sa ganitong headphoneeee....

ayun. nag-tapon na naman kami ng pera kanina para sa mga gamit para sa duty at sa drug guide. ang mahal >.< sana pinangbili ko na lang yun ng masasarap na pagkain. huhuhu. sana naman matagal kong magamit yung mga yun...... T_T

ayun, dahil nga nag-shopping kami kanina, dun kami napdpad sa bambang at recto. buti na lang at sumama samin ni marcy si angelo. kundi sobrang maliligaw kami dun. wahahaha. di bale, pag may free time ako, masaya siguro mag-explore dun. hihihi. :D andaming mga japekeng bagay. :D

aaaawww. ayan na. natapos na yung download, it'stime to go home and continue my handwritten papers. HANDWRITTEN. bwiset. pero ok lang pala. wala pala kaming pc ngaun. mwahahahahaha!!!!! magastos nga lang yung pagpapa-print nung templates. haaaaaaayyyyy....

sige na nga. alis na ako. kelangan nang matapos ang mga papeles na ito. para makapgbasa na akong screwtape letters para sa hum. at gagawa pa pala ko ng term paper ng pugad baboy para sa hum. kamusta naman. PUGAD BABOY. meh ganun. -_____- ahahaha. kelangan magawa na yun bago pa kami mag-community sa march!!!! huwaaaahhh!!!! ajaaaaa!!!!!


she-share ko na lang yung isa sa mga pinapakinggan ko. sorry naman hapon. hahaha. :))

Get this widget | Track details | eSnips Social DNA



Saturday, January 10, 2009

thank you jay-v, angelo, teddy, and rene + randomness. :p

halaaa... mukhang hindi magiging maganda tong blog entry na ito tulad nang pinangako ko dun sa isang blog entry ko. -_____-

uhmmm, ngayon ay 1:01 am ng january 10. nakikinig ng reflectia ni eufonius. huwawawawaw.

ayun, kanina, pumasok nga ako kasi nga gusto ko yung class ko kanina. humanities ni sir ogatis. parang nag-aaway lang kasi kami sa class, pero may natututunan naman akong mga bagay bagay tungkol sa mundo tulad nang berdache at blood baby. ahahaha. kanina, yung topic namin, tungkol pa rin naman sa mga homosexuals. at may dalawang tanong na nag-standout: "kung magkaka-anak ka, ok lang ba na bakla o tomboy, saka anu mas gustong anak mo kung sakali, bakla o tomboy?" at "ok lang ba sayo na homosexual/queer ang magiging presidente natin?" ok, ayaw kong mag-type ng opinion tungkol dun, kasi wala lang. may ibang bagay ako na mas gusto kong i-type. ;p

ayun, nanglibre kanina sina jay-v, rene, angelo, at teddy. WIIII!!!! SALAMAT NG MARAMI!!! [ok. although kahit wala atang multiply account ang kahit isa sa kanila, thank you pa rin. ^_^] pinasaya niyo pa rin ang magandang araw ko. ahahaha. salamat din babehs sa pagpunta niyo. :) ayun, salamat sa 6 na box ng pizza at saka sa mga banana splits at dun sa isa pang pagkain na nakaliutan ko na yung tawag. ahahahaha. i lab you guys. :)

uhmmm, wala na akong makuwento. sige, ito na lang. natatakot na ako sa duty namin, lalong-lalo na sa community. huwah. siyaks. com1 pa naman kami. ayun, batay sa mga nararanasan ngayon ng mga naunang group, medyo natatakot na talaga ako. >_<. pero kung makakaya nila yun, at kung nakaya naman ng mga nakaraang batc, KAYA KO DIN YUN!!! WAHAAHAHAHAH!!! ok. whatever.

hindi pa pala ako nag-aaral para sa mga subjects ko. puro panunuod ng d gray man ang iniintindi ko. anu ba yaaaaaan... ahahahaha.at least, nasa episode 43 na ako. wahahaha. marathon ito. pero sige bukas, pramis, sa gabi na lang ako manunuod. ^_^. [ahahaha. anung klaseng resolution yan oh. :)) pero at least masaya ako. :p ahahaha. :p dagdag inspirasyon na rin yun. :) ]

ok. ayan, nasa aka no seijaku na yung playlist ko. ahahaha. naalala ko nga pala, wala pa palang movie na nakapag-paiyak sa akin. kanta marami na. ahahaha. weird. maski yung mga tipong instrumental lang. wala lang. feel ko kasi mas madaling maka-relate sa mga kanta kasi masyado silang vague. mas madali mong masingit yung sarili mo sa meaning ng kanta. sa mga insrumental naman, ang sarap nilang gawan ng lyrics. ahahaha. pero hindi ko pa tina-try, kasi nakakatamad. :p basta yun.

aaaaahhh.... sana matapos ko na tong matapos d gray man. :p 103 episodes kasi yung season 1 eh, so 60 episodes to go pa. wahahaahaha. kamusta naman. :)) pero kakayanin ko to. kasi. wala lang. secret. :))

wala na akong malagay. sa susunod na lang ulit. manunuod pa ulit ako. :))

ja!

Friday, January 09, 2009

random

blog entry. wow. matagal-tagal ko na ring hindi nagagawa ito. ^_^

so yun, ngayon, january 9, 2008, nag-ta-type ako sa notepad, nakikinig ng isang sailormoon song. ahahaha. nakakatuwa naman..

anu bang dapat kong i-type dito. kahit anu na lang. ayun, kakanuod ko pa lang ng d gray man. episode 36 na ako. bakit nga ba ako nanunuod kahit may pasok na ako? ewan. bukod sa maganda yung anime, ewan. ahahaha. :p

haaaaaaayy. o sige, tungkol na lang sa nursing. ewan. napapaisip pa rin ako kug tama nga ba itong tinahak kong landas. oo, natutuwa naman ako at andito ako sa upcn, na mababait naman ang mga klasmeyt ko, na nakakapasa pa naman ako kahit papano... oh well. pero parang hindi ako masyadong interesado. pero gusto kong tumulong sa mga tao. argh. siguro, nagdadalawang-isip lang ako ngayon kasi baka nahihirapan lang ako. saka wala akong inspirasyon. ohwell, meron naman.

inspirasyon. ahahaha. oo tao siya. pero para sakin wala siyang pinagkaiba dito sa mirmo stuffed toy dito sa tabi ko. mas mabuti pa nga itong si leucine [pangalan ni mirmo ko dito], nakakausap ko, at feel ko sasagot naman siya kung nakakapagsalita lang siya, kaya lang yung CL [yung tawag ko sa inspirasyon ko] ko hindi. ah, oo, kakausapin niya ako kung kakausapin ko siya. pero kung hindi naman, hindi rin niya ako kakausapin. ayun. bakit ko ba siya naging inspirasyon... ahhh. kasi nga pala mabait siya sa akin. :) parang siya lang yung nakakatagal na kumausap sa akin, dati. ngayon hindi na. feel ko.

eniweoz, may naalala pala ako. naiinis na pala ako sa mga taong naninisi sa akin kung bakit hindi ako nag-intarmed...
*warning. naiinis lang talaga ako. although hindi ko na talaga naalala kung sino yung mga kinaiinisan ko na yun, eto lang yung nasa isip ko ngayon*

grabe. although kahit pabiro lang naman siguro yun, medyo nasaktan rin naman ako sa mga comment na kung bakit hindi ko tinanggap yung kumikinang na offer ng intarmed. hindi naman ako masyadong stupid para tanggihan lang un. mayron akong mga sariling rason para tanggihan yun. naiinis lang ako kasi walang may karapatang tawagin akong tanga or stupid kahit pabiro lang dahil sa isang desisyong ginawa ko sa buhay ko na hindi niyo alam kung bakit ko ginawa.

anyways. wala lang. gusto ko lang maglabas ng inis.

hapon lang ang pasok ko mamaya. nakakatamad na namang pumasok. sayang pa sa pamasahe. mas mahaba pang travel time ko kesa sa klase ko. ohwell, that's life. gusto ko naman yung subject namin, kaya sige, papasok na lang ako. :) ahihihi. :D

gusto ko pa sana magkuwento kaya lang alangan naman magkuwento ako dito tungkol sa inspirasyon ko. ahahaha. :p bangag na ako dahil sa kakapanood nitong d gray man. pero eto, malapit na akong matulog. pramis, mamaya, gagawa ako ng mas maayos na blog entry. :)

ja!